6

4 0 0
                                    

Pagkarating ni Mama ay kaagad niya akong niyakap, at tinanong kung ayos lang ako. Sinabi kong ayos lang ako, at hindi naman nasaktan.

Kinagabihan, habang nakahiga ako ay naiisip ko at naaalala ko sina Cherry. Sina Tanya. Ang mga takot nila sa mukha. Ang pagmamakaawa. Ang pagtataka.

Bakit ba natatakot ang mga tao sa kamatayan, gayong lagi naman itong nakaamba sa tabi nila, handang sumakmal sakaling magkamali sila ng galaw?

Naisip ko rin, na ang pinakamalalang takot na mararamdaman ng tao - ay ang sakit. Ayaw nilang masasaktan.

Pero kapag ginagawa ko iyon sa kanila, sumasaya ako. Lalo na't may mga babaeng gustong umagaw sa akin kay Miguel.

Miguel ... Mahal na mahal kita ... Lahat ng ito ay para sayo ...

Nakita kong nagsipuntahan ang mga pulis. Pero ano pa bang makikita nila? Abong-abo na ang warehouse, puwera sa mga bakal.

Siguradong abong-abo na ang malanding Tanya na yaon.

Pumunta ako sa banyo. Inalis ko ang lahat ng telang nakasuot sa aking katawan, at pagkatapos ay nagtapis lang ng tuwalya.

Pupuntahan ko si Miguel. Gusto ko siyang makasama ngayon. Kahit isang gabi lang ... Kahit isang gabi lang ...

Trail of a MadgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon