Tinititigan ko lang ang madilaw pero makinis na katawan ni Cherry. Nakakainggit, pero ngayong wala na siya, mas sisikat na ang ganda ko. Napansin ko ang kanyang mga buong ngipin.
Isa-isa ko itong binunot, at isinubo sa kanya. Wala nang dugo kaya siguradong puwede ko nang gawin ang lahat ng gusto ko sa katawan na 'to. Masaya 'to!
Pero naalala ko na mabilis nga lang pala ang buwisit na Zumba Session ng Mama ko. Dali-dali kong binalot ang katawan ni Cherry gamit ang lahat ng Packaging Tape (and not Packing Tape), ibinalot sa Garbage Bag, at binuhat ko siya.
Parang gumaan yata siya at nabawasan ng kalahati ng timbang niya. Lumabas ako at inihagis ko sa may kumpol na basurahan sa kabilang kalye ang katawan niya. Hindi mo nga mapapansin na tao pala ang nasa loob ng Garbage Bag na yun dahil sa ganda ng pagkakabalot ko.
Pagkatapos ay dali-dali kong nilinis ang dugo at kalat doon. Nakakita pa ako ng isang ngipin, kaya itinago ko sa bulsa ko bilang trophy.
Nakagawa na ako ng isang krimen. Pero mapa-isa o sampung krimen naman, wala ring pinagkaiba. Krimen pa rin. Kaya uubusin ko ang lahat ng magpapantasya kay Miguel. Dahil akin siya.
Akin.
Akin lang siya.
At walang magmamay-aring iba sa kanya.
Kundi ako.
Itinapon ko sa ilog malapit sa amin ang mga gamit na ipinanlinis ko sa Crime Scene, o mas gusto kong tawaging Fun Moment Place. Pagkapasok ko sa bahay ay saktong dumating si Mama. Aba, tuwang-tuwa at pawis na pawis.
Nang makapasok ay nasabi ni Mama na ang guwapo raw ng Boyfriend ko. Napangiti ako. Sinabi ko sa kanya na maraming hirap ang ginawa ko para maging akin na buo si Miguel.
Tumitig siya sa akin. Sinabi ni Mama na kung wala raw siyang asawa ngayon ay baka naagaw na niya si Miguel sa akin.
Mama? Pati ba naman ikaw? Kailangan ko rin husgahan?
Ang naisip ko habang dumiretso ako sa kusina para mamili ng kutsilyong gagamitin ko ...