8

4 0 0
                                    

Natulog na ako. Pagkagising ko ay pinuntahan kong muli si Miguel. Pinagkukumpulan ng tao ang kanilang bahay.

Patuloy ito sa pagsasabi nang 'isang babaeng may pakpak at nakahubad' ang pumatay sa kasama niyang babae. Siyempre, nakita ko siyang malungkot kaya naman nilapitan at niyakap ko siya.

Niyaya niya akong makipag-usap nang personal. Kaya naman nagpunta kami sa kuwarto niya.

Ayaw na raw niya sa babae na makasama. Kasi lahat ng babaeng makasama niya ay namamatay, kaya hihiwalayan na raw niya ako.

Nagpanic ang utak ko, at tinanong ko kung bakit. Sinabi niyang ayaw niyang sumunod ako sa kaniyang pinsan, kaniyang idol, kaniyang partner sa stage at sa kaniyang kapatid.

Napatulala ako.

Nasabi niya noong paalis na ang pinsan niya sa bahay nila, nakita nalang ang bangkay nito na putul-putol at tinaga-taga ng jungle bolo.

Pagkatapos ang idol naman niya ay tinorture gamit ang barena at kung anu-ano pang mga tools.

Ang partner naman at bestfriend niya ay nakita sa sunug na sunog naming workhouse, pagkatapos nilang mag-practice ng mga linya nila na gagamitin sa isang stage performance.

At ngayon, at ngayon ... namatay ang kapatid niya, na pinagtataga habang katabi niya sa pagtulog.

Napatulala talaga ako .... sinabi kong pupunta lang ako sa kusina para makiinom ng tubig at babalik akong agad.

Naglalakad ako na para bang umiikot ang mga paningin. Mukhang nagdeliryo at napapatigil ako sa mga narinig ko ...

Sa mga nagawa ko ...

Pero hindi talaga yun ang ipupunta ko. Kumuha ako ng kutsilyo.

Sorry talaga Miguel ... naghinala ako sayo .... kinuha ko ang mga mahahalagang tao sa buhay mo ...

Ngayon ay magsasama na tayong lahat sa kabilang buhay ....

Hinagod ko pa ng dila at pinadaanan ng ilong ang kutsilyo bago ako lumabas ng kusina.

Trail of a MadgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon