Hindi ko malaman kung gaano karaming tuwa ang naramdaman ko kinabukasan. Nawala na ang ahas na handang manuklaw, pero marami paring mga ligaw na hayop na gustong sumunggab sa aking pinakamamahal na si Miguel.
Lalo pang nakumpleto ang araw ko nang magtext sa akin ang kababata ko na isang model - si Cherry - para gumawa raw ng isang silya na ireregalo niya sa crush niya.
Pumapag-ibig na siya. At ako rin. Ramdam ko ang kagustuhan niya sa crush niya, kaya inalok ko kaagad ang aking tulong. Kaya ngayon ay papunta na siya.
Hanggang sa nag-doorbell na siya. Saktong umalis si Papa para sa trabaho niya, at si Mama naman ay may pupuntahang Zumba Session. Pinapasok ko siya. Naupo kami.
Napakatangos talaga ng ilong niya - isabay na ang mahaba, makintab at makapal na buhok - brown eyes, at natural red lips. Walang lalaki na aayaw sa kanya. Noon ngang magkaklase kami ng Grade School eh andami nang nanliligaw, ngayon pa kaya.
Pumunta na kami sa workshop sa bakuran namin. Nandoon na kasi halos ang lahat ng mga puwedeng gamitin. Tatay ko kasi ay Engineer, kaya makalikot din.
Habang binubuo ang silya ay naitanong ko kung sino ang crush niya. Kinilig pa siya bago kunin ang cellphone sa bag. Ipinakita niya ang picture ng crush niya.
Aba ampogi ... ni Miguel. Miguel? Si Miguel ang crush niya?
Tumalikod siya at nagpupukpok ng kahoy. Inilibot ko ang aking mga mata. Nylon Cord, Barena, Martilyo, Soldering Iron ...
Hanggang sa madampot ko ang isang kahoy. Tumayo ako. Pagkalingon niya ay ubod lakas ko siyang hinampas. Napatalsik pa siya ng kaunti. Unti-unting tumulo ang dugo niya mula sa ulo niya.
Nawalan ito ng malay-tao. Hmpf, bakit ganoon? Ganito na lang ba kahina ang isang taong katawan ang puhunan sa buhay?
Itinali ko siya gamit ang Nylon Cord. Tinastas ko ang sando niya, at ipinantakip sa bibig niya. (Author: Alam kong ang iba ay may iniisip sa model. Naka-bra po siya, wag kayong ano.)
Hinintay kong magising. Nang magdilat ng mata ay pumiglas siya, pero pang-girl scout na pagkakatali ang ginawa ko sa kanya. Hindi siya makakaalis.
Sinabi ko na para hindi na niya mahawakan ang Boyfriend ko, kailangang maparalisa ang kamay niya. Kinuha ko ang Barena, at binutas ang mga braso na nakatapat sa buto niya. Parang nagbabarena lang ako ng kahoy - na may dugo.
Umiiyak siya. Napapapikit. Pumipiglas. Nang makasampung butas na ako, kinuha ko naman ang mga maliliit na pako, at binaunan ng limang pako ang mga butas.
Tumutulo ang pawis, umaagos ang luha at pati laway ay sumasali na rin sa mukha niya. Napakaganda niya. Kaya gamit ang Barena, inukitan ko ng "BITCH" ang magkabilang pisngi niya.
Tutusukin ko na bale ng pako ang kanyang kanang tainga nang umiwas siya. Dumaplis ito at sa ugat sa leeg niya tumama. Sumirit na parang ice-tubig na maliit ang butas ang dugo niya. Kaagad kong nilagyan ito ng Packaging Tape.
Dinuraan ko siya sa mukha. Hinding hindi niya dapat makuha si Miguel. Akin lang siya. Hinawakan ko ang pako, kumuha ng martilyo at ipinukpok ito sa leeg niya. Bahagyang bumaon ang pako.
Nang hugutin ko ang pako, dahil medyo nakahiga siya, ay parang tubig sa gripong umagos ang kanyang dugo. Tuwang-tuwa ako habang nangingisay ang model kong kababata sa harapan ko. Nangingisay dahil unti-unting nauubos ang buhay niya sa kaniyang katawan.
Isang minuto ang nakalipas, ay pumapatak nalang ang dugo. Hindi na siya humihinga, hindi na rin kumikilos, pero ang mga mata niyang humihingi ng awa ay nakatingin parin sa akin. Tinusok ko itong pareho gamit ang maliliit na pako.
Masaya talaga ako. Masayang-masaya.