Kinuha ko ang kutsilyo. Pagkaharap ko ay nasa likod ko na pala si Miguel. Nagulat ako noon. Pero hindi siya umiimik.
Nakatitig lang siya sa akin na parang kakainin ako ng buhay.
Ngumiti ako. Itinutok ko ang kutsilyo sa kanyang puso. Medyo diniinan ko ito. Ngunit nakatingin parin siya sa akin.
Hindi ko gusto ito. Galit si Miguel sa akin? Waaaaah! Hindi puwede!
Sinaksak ko siya sa tiyan, at pinilipit pa ang kutsilyo. Napabuga siya ng dugo. Hiniwa ko pa pahalang ang kutsilyo habang nakabaon sa kaniyang tiyan, kaya sumabog ang dugo at lumabas ang bituka niya.
Lumabas ako at sinaksak ang isa pang tao. Nagsitakbuhan ang mga nandun. Hahaha. Natutuwa ako habang nagtatakbuhan sa takot ang mga tao.
Nang isang baril ang pumutok. Naramdaman mong namanhid ang aking katawan.
Tumakbo ako patungong banyo. Nakita kong nawasak ang harapang bahagi ng aking katawan.
Shotgun? Shotgun din ba ang tatapos sa akin? Hindi!
Si Miguel! Magsasama kami hanggang kabilang buhay man!
Noon ay nawawala na ang mundo sa aking paningin. Nawalan ako ng balanse at natumba. Gumapang ako papalapit sa katawan ni Miguel.
Hindi ko na kinaya. At napasubsob ako sa nakakalat niyang bituka sa sahig.
At pagkagising ko, nandito na nga ako sa mainit at maapoy na lugar na ito. Hinanap ko si Miguel pero wala naman siya rito.
(Author: Malamang, nasa kabilang parte siya ng kabilang buhay.)
Ayan ang kuwento kung bakit nandito ako sa impyerno, Satanas. Kaya pakawalan mo na ako at tanggalin mo na ang posas ko.
(Author: Ayoko nga. Meron ako ritong Jungle Bolo. Paglalaruan muna kita.)
*dun*
*dun*
*dun*
*sharp scream*
(END)