BUONG akala ni Ulan ay iniwan na siya ng tourist bus dahil natagalan siyang makalabas ng airport terminal. Nakatulog kasi siya sa eroplano dahil marahil sa ininom niyang gamot kanina bago ang boarding. Kung hindi pa sana siya niyugyog ng stewardess, hindi pa siya magigising. Napabalikwas siya nang sabihin nito na nakababa na ang lahat ng ibang pasahero.
Balak sana niya ay mag-taxi na lang at magpapahatid na hotel kung saan siya naka-book ngunit talaga yatang umaayon sa kanya ang Chinese God of Luck kung mayroon man niyon. Bukod kasi sa hindi siya iniwan ng bus kahit late na siya, magandang babae pa ang makakatabi niya sa tourist bus. Sa tabi na lang nito ang bakante. Inihanda niya ang sa tingin niya ay pinakamatamis niyang ngiti. Tested and proven na kasi ang ngiting iyon.
But he was in for a disappointment. Tila hindi umepekto iyon dahil hindi na nga nito sinuklian ang ngiti niya, blangkong tingin lang ang iginanti nito sa kanya. Halatang-halata na ayaw siya nitong makatabi sa upuan. Walang imik na basta na lang umisod malapit sa bintana.
Nang sabihin niya ang pangalan niya, tila halos ayaw nitong makipagkilala sa kanya. It was obvious how she debated with herself whether to give him her name or not. Dikta lang marahil ng kagandahang-asal kaya napilitan ito na sabihing "Ria" ang pangalan nito. Such a simple name for a woman with a breathtaking beauty.
May kung anong nagtutulak sa kanya na kausapin pa ito. Gusto pa sana niyang itanong kung ano ang totoong pangalan ng isang Ria ang palayaw ngunit parang hindi ito interesado. Abala ang isip niya sa pag-iisip ng magandang topic nang pagdiskitahan nito ang backpack niya. And then his cellphone rang.
He made a mental note to change that ringtone. Napansin niya kasi ang parang pauyam na pagngiti ni Ria nang marinig iyon.
Bahagya siyang napatingin dito nang matapos niyang kausapin ang ama niyang tumawag, ngunit hindi siya nito pinapansin. Nakangiti itong tila namamangha sa toll gate na parang entrada sa isang BuddhistTemple. Halatang puyat ito. Marahil ay maaga itong nasa airport kanina dahil alas-siyete ng umaga ang flight ngunit lutang ang ganda nito. Walang bahid ng make-up at nakatali lang ang mahabang buhok nito ngunit halatang may hitsura.
He was fully aware that he was already gawking. Hindi niya kasi talaga mapigilan ang mapalingon dito.
Bago pa siya nito mabigwasan dahil sa kakatitig niya, ibinaling na niya ang tingin sa sa tour guide ngunit hindi niya inintindi ang sinasabi nito.
He was looking forward to this trip. It was a trip sponsored by one of his suppliers. Pagkakataon na niya ito na maghanap ng mga bago ngunit murang equipment para sa gusto niyang simulang dairy processing plant sa loob mismo ng cattle farm. He felt a sharp pang on his chest when he remembered the farm.
"Ulan, kinausap na ako ng abogado ni William. May mga nakausap na daw silang investors. Hindi siya magbebenta," mahinang sabi ng abogado ng ama niya sa kanya.
Nagtagis ang mga bagang niya. Hindi na bago sa pandinig niya ang ibinalita ng abogado. Iyon ang ipinapakalat ni William para galitin siya.
The property in question was his late grand aunt's cattle farm in Lipa, Batangas. Matandang dalaga si Lola Bel na kapatid ng lola niya. Ito ang kasama ng ama niya na nagpalaki sa kanya dahil maagang namatay ang mama niya. Sa iniwang Last Will and Testament ni Lola Bel, mapupunta sa kanya ang dalawampung-ektaryang cattle farm kung mag-aasawa siya sa edad na nasa pagitan ng beinte-otso at treinta. At kulang-kulang apat na buwan na lang ang taning na iyon. Kung hindi, ay paghahatian nila ng isang malayong pinsan niyang nagngangalang William ang lupain.
Siya lang ang may karapatan sa lupaing iyon. Bawat sulok ay pinagyaman niya at ni isang kusing ay walang naitulong si William. Paano na ang ang pagod niya at pinamuhunan?
BINABASA MO ANG
My Fantasy, My Reality (PHR 2012)
RomanceBagaman tutol si Ria sa kagustuhan ng kanyang ama na ipakasal siya sa hindi pa niya nakikitang anak ng kaibigan nito, wala siyang magawa. Iyon lang kasi ang makakapagsalba sa nalulugi raw na negosyo nila. Wala naman siyang boyfriend kaya pumayag siy...