Chapter 9

4.8K 107 11
                                    


"AYAW na ayaw kasi ng anak ko na pinakikialam ko ang buhay niya," ani Orlando Soriano, Sr. Sa tingin ni Ria ay tila hinang-hina ito, halos hindi marinig ang mga binitawan nitong salita.

Nag-walk-out si Ulan. Pati sa kanya ay nagalit ito. Akala marahil nito ay kasabwat siya ng dalawang matanda. Gusto niyang sumigaw nang mag-sink-in sa kanya ang pakahulugan ng ginawa nito. Tinakbuhan siya ni Ulan!

"Balae, este, Orling, wala tayong ginawang masama. Hindi naman natin sila pinilit na magkagustuhan," pang-aalo dito ng daddy niya.

Napapikit siya. Sino nga naman ang mag-aakala na hanggang sa ibang bansa ay mapapakialaman sila ng mga ito? Lumabas ang totoo, kagagawan ng dalawang matanda ang lahat. Kinutsaba pa ng mga ito ang travel agent na nag-ayos ng lakad ni Ulan.

Sa gulo ng utak niya, ni hindi niya alam kung matutuwa siya o malulungkot na hindi pala totoong nalulugi ang mga bangko nila. Hindi na niya kailangang sumunod sa gusto ng ama niya. Ngunit si Ulan, pinili nitong iwan siya kahit kailangan nito ng tulong.

Nang maalala ang mamanahin nito, nanlumo siya. Hindi ba dapat magalit rin siya dahil noong hindi pa nito alam kung sino siya ay balak siya nitong gamitin lang pala siya nito para makuha ang mana nito?

Kaya marahil ito nagmamadali na nag-alok sa kanya ng kasal kahit halos hindi sila magkakilala. Dahil lang ba sa mana ang lahat? Ulan at Junior? Aakalain nga ba naman niyang iisang tao ang nagmamay-ari ng mga pangalang iyon?

Pinaglaruan lang ba ni Ulan ang damdamin niya? Napakatanga niyang naniwala siyang may atraksyon talaga sa pagitan nila. Na may chemistry. Desperado lang pala talaga ito na makahanap ng mapapangasawa bago ito mag-treinta anyos.

Hiningi niya ang cellphone number nito sa daddy nito. She had to give him a piece of her mind. Hindi lang ito ang may karapatang magalit.

Ngunit ni-reject nito ang tawag niya.

Walang sabi-sabing iniwan niya ang dalawang matanda.

"SABI mo gusto mong pakasalan? Eh, ano ngayon ang ipinagpuputok ng butse mo?" sabi kay Ulan ni Liam bago nito itinugga ang hawak nitong bote ng beer. Tinawagan niya ito kanina nang palabas na siya ng hotel at nagkataon namang hindi ito busy kaya agad siya nitong pinuntahan sa sinabi niyang bar.

Tumingin siya sa kawalan. "Pinagkaisahan nila ako, bro," aniya. Buong akala niya ay naiintindihan siya ng ama niya nang sabihin niya dito na siya ang maghahanap ng mapapangasawa niya. Ano na lang ang iniisip ni Ria? Na ang tanda na niya sunud-sunuran pa siya sa tatay niya? Hindi bale ito, babae, maiintindihan niya kung managing papa's girl man ito. That wouldn't make her less of a woman. And a very attractive woman at that.

Tumawa si Liam. "Nakaisa ka din naman, ah," anito.

Tiningnan niya ito ng masama. Hindi naman niya naikuwento dito ang lahat ng mga nangyari pero alam nito na tumira ng isang linggo sa farm si Ria. Magkaibigan sila, alam nito na hindi lang siya nakikipag-pitik-bulag sa mga babaeng nakakasama niya.

"Joke lang," anito.

Humugot siya ng malalim na hininga. "I asked her to marry me, she refused. Dahil ba alam niya papakasalan ko pa rin naman siya dahil 'yon ang gusto ng mga magulang namin?"

Umiling ito. "Honestly, bro, do you really believe your Ria is capable of doing that? Ang lokohin ka?"

"Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko. Actually, hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko," aniya. "At alam mo kung ano ang pinakamasakit sa lahat? Paano kung hindi pala ako ang ipinipilit ng daddy niya na pakasalan niya? At nangyari ang mga nangyari sa Beijing?"

My Fantasy, My Reality (PHR 2012)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon