Dahil feeling generous ako today, update ko na din 'tong si Ulan.
Enjoy the community quarantine, friends... stay safe...
***************
BAHAGYANG sinulyapan ni Ria si Ulan nang papasok na sila sa pintuan ng eroplano. Naramadaman kasi niyang nanlamig ang kamay nito. Marahil dahil umugoy ang nilalakaran nila.
"Why don't you take medications para makatulog ka na lang sa biyahe?" aniya.
Nagkibit ito ng balikat na binuksan ang overhead luggage compartment at inilagay doon ang mga bag niya. "Ayokong matulog. Baka kasi paggising ko iniwan mo na ako."
Tumawa siya. "Saan naman ako pupunta? Ang sa akin lang, kaysa naman ganyan na mamumutla ka ng tatlo't kalahating oras," mahinang sabi niya.
"Alam mo naman kung paano ako gamutin, eh," kindat nito sa kanya.
Kinurot niya ito.
Nakaupo na sila nang ikuwento nito kung bakit ito takot sa matataas na lugar.
"May malayong pinsan akong bully. Si William. Noong mga bata pa kami, itinulak niya ako palabas ng treehouse."
"Ha? Ilang taon ka noon?"
"About seven or eight? Mga four meters off the ground lang naman 'yong treehouse but still, two days daw akong nawalan ng malay. Sa hospital na ako nagising. At kahit kailan, hindi na ako umakyat ng puno o dumaan sa kahit saang overpass. No roller coasters or Ferris wheels. Though sa elevators wala akong choice."
"Gago yang pinsan mong 'yan ah!"
"At hindi pa siya nasiyahan doon kamo. Ikinulong pa niya ako sa chiller, kasama ng mga kinatay na mga baka. I stayed there for about an hour bago ako nadiskubre ng isang tauhan namin."
Tumayo ang lahat ng balahibo niya. "Gusto ka bang patayin n'on?"
"Parang nga yata," kibit-balikat nito.
"Nasaan na ang pinsan mo ngayon?"
"Nandiyan pa rin sa tabi-tabi. At hanggang ngayon ay panggulo pa rin sa buhay ko," anito na dumilim ang mukha.
"Ipakilala mo sa akin, babatukan ko," aniya. She immediately caught herself. Ayaw naman niyang magpahiwatig dito na kailangan na siya nitong ipakilala sa pamilya nito. Hindi ibig sabihin na dapat na siya nitong ipakilala sa pamilya nito dahil lang may nangyari na sa kanila. Ngunit kahit papaano ay umasa siya na ganoon nga sana ang mangyari. Na hindi lang isang holiday love affair ang nangyari sa kanila.
Tumawa ito at inakbayan siya. Naramdaman niyang hinalikan nito ang buhok niya.
"U-ulan?"
"Hmm?" parang tinatamad na sagot nito.
"W-what happens paglapag natin sa Manila?" tanong niya. Kahit papaano naman siguro may karapatan siyang malaman.
Kumunot ang noo nito. "We get off the plane, go through immigration, get the bags, what else?" seryosong sagot nito.
Her hopes sank. Walang imik na inayos niya ang kanyang seatbelt. So, it really was just a one night stand. Hindi na nga pala niya tinawagan ang driver nila kanina dahil para siyang tanga na nag-assume na kahit papaano ay ihahatid siya ni Ulan.
"I'll take you home, Babe..." bulong nito.
Nang mag-take-off ang eroplano, ginagap nito ang kamay niya. Alam niyang kabang-kaba ito ngunit parang siya pa ang nire-reassure nito.
BINABASA MO ANG
My Fantasy, My Reality (PHR 2012)
RomanceBagaman tutol si Ria sa kagustuhan ng kanyang ama na ipakasal siya sa hindi pa niya nakikitang anak ng kaibigan nito, wala siyang magawa. Iyon lang kasi ang makakapagsalba sa nalulugi raw na negosyo nila. Wala naman siyang boyfriend kaya pumayag siy...