"SO, nagkatotoo ba naman ang pantasya mo nang magkatinginan kayo?" tanong kay Ria ng kaibigan niyang si Marie nang tawagan niya ito.
"Ang alin?" kunot-noong tanong niya. Sa dami ng mga pantasya niya ay hindi niya alam kung alin sa mga iyon ang tinutukoy nito.
"Music!" paalala nito. "Did you hear music?"
Tumawa siya. Napapantastikuhang napailing. "Come to think of it...I did!" aniya na iniipit ang cellphone sa tainga niya. Kasalukuyan siyang kumukuha ng breakfast niya sa buffet table.
"Ows...Stir?" hindi nanininiwalang sabi nito. "Ano?"
Luminga-linga muna siya bago sumagot. Nakakahiya, baka nasa paligid lang ang lalaking pinag-uusapan nila. "Buttercup," pabulong na sagot siya. "Ringtone ng cellphone niya."
"Butter...what?" sigaw ni Marie. "Bading 'yan 'te!"
"Oy, sobra ka! Malay mo naman kung isa lang 'yon sa mga quirks niya sa buhay," pagbibigay katuwiran niya. Bakit naman nasabi ni Marie iyon? Malay naman nila kung old school type of guy lang talaga si Ulan at gusto ang ganoong genre. "Isa pa, hindi siya mukhang gay."
"Aber, ano'ng hitsura? Or do I really have to ask? Kasi kung chaka 'yang Ulan na 'yan, hindi ka mag-aaksaya ng panahon na ikuwento siya sa akin."
Tumawa siya. "Mukhang tri-athlete at mukhang may tattoo," aniya. Si Ulan ang tipo ng lalaki na nagpapalagay ng tattoo. She could just imagine his wide chest or his big biceps having intricate designs.
"Ha?" parang nawi-weird-uhan sa kanya na sabi nito. "Bakit mo naman nasabi na mukhang may tattoo? Wala naman sa hitsura 'yan a! You couldn't say that, unless nasilip mo."
"Basta," aniya. "Malakas ang kutob ko." Luminga-linga siya. Wala siyang makitang bakanteng mesa.
"And don't tell you wanna find out if what you think is true?"
Tumawa siya. "You just gave me an idea," aniya.
"Tumigil ka nga Ri! Isusumbong kita kay Uncle Peping. Naglalandi ka diyan," banta nito.
"Minsan talaga mahalay kang mag-isip. Eh, kung sa braso lang naman ang tattoo niya, eh di kita agad kapag nag-T-shirt ng maiksi ang manggas," aniya. "Saka alam ko naman na kahit ano'ng gawin ko dito hindi mo ako isusumbong."
Narinig niyang bumuntong-hininga si Marie. Matagal bago ito muling nagsalita. "I'm sorry, Ri."
Tumawa siya upang pagtakpan ang lungkot. Bago pa sila magkaiyakan ay pinutol na niya ang tawag. Muli siyang luminga-linga upang maghanap ng mauupuan. Napapitlag siya nang may magsalita sa may bandang kanan niya.
"Hey, dito ka na."
Agad na lumingon siya at nakita ang kasabay niya sa bus kahapon na sweet na magkapareha. Ngumiti siya. "Hindi ba nakakahiya?"
"Hindi 'no! Dalawa pa kaya ang extra chairs dito," anang babae na kinuha ang bag nito sa upuang katabi nito upang makaupo siya. "By the way, I'm Angela, and this is my Jay."
"I'm Ria," aniya.
Nagkuwentuhan sila habang kumakain. Excited daw ang mga ito sa pamamasyal. Marami na daw ang nabago mula nang unang mamasyal ang mga ito doon sampung taon na rin ang nakakaraan.
"Nagse-celebrate kasi kami pareho ng tenth wedding anniversaries namin," ani Angela. Ngumiti naman si Jay. "Siya next month, ako last month."
BINABASA MO ANG
My Fantasy, My Reality (PHR 2012)
RomanceBagaman tutol si Ria sa kagustuhan ng kanyang ama na ipakasal siya sa hindi pa niya nakikitang anak ng kaibigan nito, wala siyang magawa. Iyon lang kasi ang makakapagsalba sa nalulugi raw na negosyo nila. Wala naman siyang boyfriend kaya pumayag siy...