HINDI alam ni Ria kung nakatulog na siya dahil pakiramdam niya ay kakababa lang niya sa binili niyang malaking Jade Buddha at tatlong Terracotta Warriors na ilang oras rin niyang binitbit. Nananaginip lang ba siya o talaga bang tumunog ang doorbell? Ilang sandali siyang nakiramdam ngunit hindi na iyon muling naulit pa. Tumingin siya sa relo, alas-diyes pa lang ng gabi. Namili siya kanina ng souvenirs habang ang mga kasama niya ay pumunta daw sa talagang pakay ng mga iyon na convention.
Bumangon siya, isinuot ang robe at tinungo ang pintuan. Dahan-dahan niya iyong binuksan at sumilip. Natutop niya ang bibig. Muntik na siyang mapasigaw nang makita si Ulan na nakasandal sa may tabi ng pintuan.
"I lost my keycard," anito. Tila relaxed na relaxed itong nakangiti na nakatukod pa ang kaliwang paa sa dingding.
"Makikigamit ka ng phone?" tanong niya dito nang makabawi sa pagkagulat. "So somebody could come up and open your room?"
He grinned. "Is that what you want me to do?"
"Ano pa ba?" pakli niya.
Pumungay ang mga mata nito. "Puwede, pero ayoko, eh. Kung gusto kong gawin 'yon, kanina pa sana ako bumaba para humatak ng magbubukas sa kuwarto ko. "
"What's that supposed to mean?"
Tila hindi siya nito narinig. "I need to be with you, Ria. Tonight," may pinalidad ang tonong sabi nito
Maang na napatingin siya dito. "Are you out of your mind?"
Nagkibit ito ng balikat. "Yata. Kasi hindi naman tayo halos magkakilala pero ikaw na lang ang laman ng utak ko," bulong nito. Lumapit ito, hinaplos ang pisngi niya. "Hindi lang kita nakita maghapon parang ang tagal na."
Napailing siya ngunit parang binabayo ang dibdib niya sa lakas ng pintig ng puso niya. "Is this your idea of asking a girl for a one night stand?" buong tapang na tanong niya.
Kumunot ang noo nito. "Who said anything about a one-night stand?" Pumasok ito at itinulak pasara ang pinto.
Hindi pa man niya naririnig na lumapat ang pintuan ay kinuyumos na siya nito ng halik. Natigagal siya ngunit agad ding nakabawi. She didn't even try to get away from him. Nalunod na siya sa sensasyong dulot ng halik nito. Malayong mas mapusok iyon kaysa sa mga halik na pinagsaluhan nila sa cable car. Ipinulupot niya ang kanyang mga braso sa leeg nito.
He pinned her to that wall. Tinangal nito ang pagkakabuhol ng suot niyang robe. Naramadaman niya ang mainit nitong palad na tila tumatagos sa manipis niyang suot.
"I want you, Ria," bulong nito. Bahagya siya nitong itinulak pakanan. Sumunod siya. She instinctively knew he was moving her over to the bed. Ngunit nawala na yata pati ang sense of direction nito dahil pintuan pala ng banyo na katabi lang ng pinto ang napasok nila. Nalaman lang niya dahil napansin niya ang malaking salamin sa dingding. She felt his palms gently caressing her nape, her back, her behind. Naramdaman niyang inangat siya nito at pinaupo sa pasamano ng sink nang hindi pinuputol ang halik na tinutugon niya ng buong puso.
Mula sa pagkakayapos niya sa batok nito, dahan-dahang dumausdos ang mga kamay niya sa may dibdib nito. Sinimulan niyang buksan ang mga butones ng polo nito. Nang tuluyan na niyang mabuksan iyon, inilapat niya ang mga palad niya sa malapad na dibdib nito. Nakakapaso ang init na nagmumula doon. She heard him groan.
She was attracted to this man. Pilit niyang iwinaksi mula sa kanyang isipan ang mukha ng ama niya. Kung kasalanan man na pagbigyan niya ang sarili niya, wala na siyang pakialam. Kanya ang gabing ito. Pagsisisihan niya habang buhay kapag hindi niya pinagbigyan ang sarili niya ngayon.
BINABASA MO ANG
My Fantasy, My Reality (PHR 2012)
Любовные романыBagaman tutol si Ria sa kagustuhan ng kanyang ama na ipakasal siya sa hindi pa niya nakikitang anak ng kaibigan nito, wala siyang magawa. Iyon lang kasi ang makakapagsalba sa nalulugi raw na negosyo nila. Wala naman siyang boyfriend kaya pumayag siy...