chapter 43 - AY heart YU - underwater?

1.1K 15 0
                                    

Chapter 43

=Ella’s POV=

“tabs.. gising, dali!”

Pinilit kong idinilat yung isang mata ko ng marinig ko yung tawag ni Kiel sa akin. ang babaw lang kasi ng tulog ko, dahil halos katutulog ko lang. nakita ko si Kiel na nasa harapan ko, at niyuyugyog ako para magising ako.

“bakit ba Kiel..ang aga pa..”

“alas otso na ng umaga, anong maaga pa?”

Oo nga’t alas otso na ng umaga, pero halos kaiidlip ko lang. hindi kasi ako natulog magdamag dahil Tinitigan ko lang yung mukha nya. Last day na kasi namin dito. Last day na namin na magkasama.

“dali tabs.. tayo na! magsswimming tayo..”

“HA?! Ang lamig. Ayoko!”

“bilis na.. maya maya uuwi na tayo eh.. Please.. bangon na..”

Ano pa nga bang magagawa ko, edi bumangon na ko sa kama. Kahit halos two hours lang yung naitulog ko, pinilit ko ng gumising dahil request na din ni Kiel. Pagbibigyan ko na siya, dahil last day na namin to..

Binilisan ko ang pag-ayos sa sarili ko. Lumabas kami kaagad at dumiretso sa beach. Medyo tulog pa ang diwa ko nun ng makarating kami dun. hatak hatak pa din ako ni Kiel hanggang sa makatapak na kami sa tubig. Nagulat ako at napaatras dahil sa sobrang nalamigan yung paa ko.

“bakit ang lamig?!”

“malamang kasi tubig yan..”

“alam ko.. pshhh..”

“wait tabs ah, jan ka lang..”

Iniwan nya ko sa may vacant seat dun at naupo muna ko. Dito ko na lang hihintayin si Kiel hanggang sa matapos siyang kausapin yung si manong dun sa kabilang side.

“daddy! Saan ka punta? Don’t leave me and mommy here”

“hindi ko kayo iiwan ng mommy mo, anak! Magrerent ang ako ng life vest para sa inyo..”

Biglang napadako ang tingin ko dun sa katabing upuan ng kinauupuan ko. May isang pamilyang masayang naguusap ang nandoon. Masaya silang tignan. Nakangiti ang lalaki dun sa asawa nya, maging sa anak nila..

Isa sa mga pangarap ko yun. ang magkaroon ng isang masayang pamilya. At kasama sa pangarap na iyon ay Kiel..

Na alam ko namang hanggang pangarap na lang.. dahil hindi na nga pwede..

“let’s go, tabs! Jetski na tayo..”

“sige..”

“oh? Bakit ka umiiyak?”

“ako? Hindi ah.. ano.. inaantok lang”

Hindi na ko napansin ni Kiel nun, at hinatak na ko patungo dun sa sasakyan namin. Unang sumakay dun si Kiel at tsaka ako sumunod. Binigyan muna kami ng tig-isang life vest at binilinan din kami ng mga posibleng mangyari chuchu nila..

“woah!! WAAAAHHHH!!!! KIIEELLLL!!!!!”

Pagkahawak na pagkahawak ko pa lang sa balikat ni kiel bigla na nyang pinaandar iyon kaagad ng mabilis. Muntik na nga kong tumilapon pabaliktad kundi lang ako naging maagap at nahablot ko yung vest nya.

“wag mong bilisan!! Putek kaaaaaaa!”

“I love you tooooooooo”

Yumakap tuloy ako kay kiel nun. Yakap na yakap para kung sakaling tumaob kami, hindi siya mahiwalay sa akin. binabalance ko din yung sarili ko, na wag mahulog kasi nasa may bandang malalim na kami. Nararamdaman ko ding umaangat angat yung unahan ng Jetski kaya mas lalo akong natatakot.

She Just Cant Say I Love You - (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon