chapter 38 - the truth part 2

1.2K 14 0
                                    

Chapter 38

=ella’s POV=

“ella.. ella.. huy, gising..uwian na..”

“asjkhjkrhlg”

“ano?? Bumangon ka na jan, dali! Uwian na..”

“ayoko.. masakit eh..”

“HUH?? Anong masakit?”

“puso.. puso ko, kiel”

“ehhh?? Si marie to oy! Bumangon ka na jan..”

“bakit? Kapag bumangon ba ko, mawawala ba tong sakit ko, ha kiel?!”

*PAK!!*

Napabangon akong bigla galing sa pagkakayuko ko sa desk ko, nang maramdaman ko ang biglaang palo ni Marie. Napahawak ako dun sa balikat ko, at minasahe ito. Bihira lang kasi mamalo si Marie, pero kapag umatake yung kamay nyan, goodbye strong bones na..

Kinuha nya sa bag nya yung panyo nya, at nagulat ako ng ipunas nya iyon sa magkabilang pisngi ko..

“may luha.. ang sagwa eh.. kalat-kalat”

“tse! Hehe, salamat!”

“hmm.. wala yun..”

“nakatulog pala ko nuh..”

“oo nga eh. nanaginip ka pa nga?”

Inisip ko kung nanaginip nga ba ko? Parang.. parang hindi yata.. wala akong maalala.

“hindi naman.. bakit?”

“tsss, hindi mo lang matandaan. Nanaginip ka ho, tsk tsk”

“oh?? Paano mo nalaman? Pumasok ka sa utak ko? Nice!”

*pak!*

Sabi ko nga.. wag bibiruin si Marie.. T^T

“gaga! Paano ako makakapasok jan? aber? Kaya ko nalaman, kasi panay ang kiel mo jan kanina. Umiiyak ka pa nga jan eh..”

It’s been a long time, since nung nakita ko si kiel. Mga 15hours siguro..

Matagal na para sa akin yun nuh. Nung magkasama nga kami nun eh, hindi nagtatagal ng 15min yung hindi namin pagkikita eh..

Pero, Malabo na yun ngayon..

Pansin nyo, parang Masaya pa ko? Huh, I try to be happy kahit napasakit ng nararamdaman ko ngayon. Ayoko kasing isama sa pag-aaral ko yung nangyari kagabi. Tinutulungan ko lang yung sarili kong maka-cope up sa mga nangyari sa akin..

“tara na ella. Labas na tayo..”

Iniling ko lang yung ulo ko, as a sign na ayoko munang lumabas. Ayoko kasing Makita si kiel ngayon. Alam kong nasa iisang building kami ngayon at halos sabay din kami ng oras ng uwian.

“bakit ayaw mo?”

“ewan.. feel ko ngayon sa room eh..”

“weh?? Baka ayaw mo lang siya Makita kaya ganun??”

“hi-hindi naman.. kaso lang—“

“alam mo ella, you must conquer it. Hindi pang-habambuhay lagi kang iiwas, lagi kang magtatago. Labanan mo.”

Napayuko na lang ako dun sa sinabi ni Marie. Hindi ko alam kung tama ba yung sinasabi nya sa akin o hindi. O baka lang kasi naguguluhan pa din ako hanggang ngayon. Sa tingin ko naman ay may sense naman yung sinabi nya, pero ayaw ko lang talaga tanggapin. Duwag ako.

Naiisip ko pa lang na magkasama sila ngayon, parang ang sakit sakit na sa puso, what more kung actual na..

“marie! Sasamahan ko na lang siya.. ako na lang din maghahatid sa kanya pauwi…”

She Just Cant Say I Love You - (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon