chapter 21

1.1K 24 0
                                    

Chapter 21

=kiel’s POV=

i was waiting diane sa labas ng c.r.. magkasama kasi kami ngayon sa mall, dahil inaya nya ko umalis kanina.. may bibilhin daw kasi siya dito, kaya kailangan nya daw ng kasama.. sa totoo lang, hindi ko ine-expect na ganito kaarte si diane.. first impression ko kasi sa kanya is ung mahinhin, at parang hindi makabasag ng pinggan.. pero habang tumatagal at nakikilala ko siya, parang nakikita ko ang tunay na ugali nya.. para siyang brat..

naisip ko tuloy, tama kaya si ella sa mga sinasabi nya? na brat nga ito at inaaway siya nito? i once asked diane about that and she told me na hindi nya kilala si Ella.. kaya naguguhan ako ngayon..

napatigil lang ako sa pag-iisip ko, ng lumabas si diane ng c.r na umiiyak.. agad ako tumakbo papunta sa kanya at inalo siya dahil iyak siya ng iyak..

“kiel.. I told you, masama yang ella na yan..” sabay subsob sa dibdib ko.. kaya napayakap ako sa kanya..

“ella?"

"yea.. si ella, ung best friend mo.."

napatigil ako.. kilala nya si ella? akala ko ba hindi?

"akala ko ba hindi mo kilala ang best friend ko?"

dun siya tumigil.. nakita ko pang umikot ang mata nya bago siya humarap sa akin.. bigla bigla na lang na tumigil siya sa pag-iyak nya at saka sinabing.. 

"i know her, Kiel.. she's bullying me kaya.."

"bullying??"

"yea.."

teka.. bakit parang mas naguluhan ako dun?? pero agad naman akong apatingin sa lumabas ng c.r..

si ella..

and she's really crying hard.. nagulat ako.. bihira ko lang makita si ella ng ganun umiyak, kaya nag-alala ako.. pupuntahan ko na sana siya, ng bigla akong hatakin ni diane papalapit sa kanya at niyakap ako ng mahigpit..

“kiel.. pagsabihan mo yan ha..di ko alam kung ano problema nyan sa akin eh.."

"ano-anong bang nangyayari?"

"why don't you just ask her? oh! that.. hindi nga pala magsasabi ng totoo yan.. impakta yan eh.."

"ella!" di ko napihilang mapagtaasan siya ng boses.. kahit ako, nagulat sa sinabi ko..

"sige, Kiel.. jan ka kumampi.. mas maniwala ka sa sinungaling.."

after that, umalis na sa harapan ko si Ella, at naiwan ako dito kay diane na kasalukuyang umiiyak pa din..

-------------------------------------

Since it’s Sunday..at walang pasok, pupuntahan ko si ella sa bahay nila.. hindi kasi malinaw sa akin yung nangyari sa kanila ni diane nun sa mall.. kinwento naman sa akin ni diane lahat lahat pero, ayokong maniwala.. alam kong hindi yun magagawa ni ella sa ibang tao.. kilala ko siya…

Binuhat ko na yung skate board ko na ginamit ko papunta sa kanila at nag-door bell na ko.. sakto, at si ella yung nagbukas nun..

“ella.."

"bakit?" she said coldy..

"hmm… let’s talk?”

“ok”

Nauna na siya lumakad sa akin patungo dun sa may malaking puno na nasa park.. tambayan kasi namin yun eh..naupo na kami dun sa ilalim nun at walang umiimik.. naninibago lang ako sa kanya.. hindi siya ganyan ka-snob pagdating sa akin.. hindi siya ganun ka-cold kapag may napag-aawayan kami.. hindi umaabot ng ganitong ka-tagal..

“ella? A-anong nangyari” tanong ko..

“anong nangyari? Saan?” sabi nya na nakatingin pa din sa langit

“sa inyo ni… diane.. nasampal mo daw?”

This time, tumingin na siya sa akin.. as in sa mata ko.. teary eye na siya… bigla bigla ay bumilis ang tibok ng puso ko at may kabang idinulot ito..

“kiel.. kilala mo ko, hindi ko yun magagawa sa isang tao kung wala din siyang ginawa sa akin..”

“so nasampal mo nga..”

“di pa ko tapos.." huminga siya ng malalim saka siya nagpatuloy sa pagsasalita.. "sabi nya kasi sa akin.. layuan na daw kita.. at kung anu-ano pa.. di ko napigilan yung sarili ko kaya ko siya nasampal..”

“nung una, ayaw ko maniwala eh.. pero nagawa mo nga?“

"Kiel.. gumanti lang ako.. she slapped me first!!"

this time, a tear escaped from her eyes.. i looked away.. ayoko siyang nakikita ng ganyan.. nasasaktan ako.. but, my eyes landed on her arm.. i saw some bruises at pasa sa bandang siko nito..

"napano yan?" tanong ko

she faked laugh.. "ito? tanong mo sa diane mo.."

naikuyom ko ang kamay ko.. at the same time, naipikit ko ang mata ko.. hindi ko maintindihan kung sino ba ang nagsasabi ng totoo.. nakausap ko si diane after that incident at taliwas ang mga iyon sa sinasabi ni ella.. si ella daw ang nauna, at ang gumawa ng sugat sa braso nya.. yes, may sugat din si diane sa braso.. at hindi ko maisip na magagawa ni ella un sa kanya..

Nakita kong umiiyak si ella sa tabi ko.. nakayuko ito at hinahayaan nyang tumulo ang luha nya sa pisngi nya..

gusto kong magalit kay ella ngayon.. gusto ko din magalit kay diane.. hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pero nagulat na lang ako sa sarili ko dahil.. 

…. niyakap ko lang siya nun at…

“so-sorry ella.. sorry.. naguguluhan lang ako.. sorry, wag ka na umiyak..” sabi ko habang sinusuklay ko yung kamay ko sa buhok nya..

Ewan ko ba! Hindi ko na alam.. bakit ganito yung nararamdaman ko?! Gulong gulo na ko..

“takte ka.. ang sama mo” sabay punas ng luha nya..sabay hampas nya sa akin..

“sorry na nga eh.. teka, bakit ka ba umiiyak?”

Hmiwalay siya sa yakap ko at tingnan ako sa mata..there's something in her eyes na nakapagpatibok ng puso ko..at this point,literal na malakas ang tibok ng puso ko.. kinabahan na naman ako.. 

-----------------------------

She Just Cant Say I Love You - (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon