chapter 28

1.2K 18 0
                                    

Chapter 28

=kiel’s POV=

Ang weird kahapon ni ella. Hanggang ngayon, iniisip ko pa din kung bakit ganun na lang magsalita si ella. Ayokong namang mag-isip na baka may sakit siya, pero di ko maiwasan. Kinakabahan pa din ako tungkol dun.

Sinusubukan kong tawagan si ella, pero laging unattended. Sa landline naman nila, sinasabi na umalis daw. Lalo tuloy akong kinabahan dun sa babaeng yun.

Tapos, sumasabay pa yung si diane. Sabi nya cool-off muna daw kami. Sabi ko, bahala siya, pero hindi daw break. Wag ko daw isipin na nagbreak kami, cool-off lang muna daw. Parang tanga lang. sabi ko nga break na lang eh,kasi di naman nagwowork. Ayaw naman nya. Anlabo din nya.. kasi nung pakakasabi nya nun sa akin, parang wala lang sa kanya. Walang expression yung mukha nya.

Habang naglalakad ako sa may corridor, nakasalubong ko si jane na parang nagmamadali.

“Hoy! Kiel, ano. Sabay ka ba sa amin? Paalis na kami”

“sabay? Saan?”

“ay.. kinalimutan.. ngayon na alis ni ella!”

“a-alis?? Saan naman??”

“O_O h-huh? D-di mo alam?”

“tatanungin ko ba kung alam ko?”

Seriously, ang weird nilang lahat ah.. may alam ba sila na hindi ko alam? Teka, kinakabahan ako. Parang bigla akong na-threaten dun ah..

“ooppppsss!!! Hindi nya sinabi sayo? Teka, baka talagang— AAAYYYY!! wala, wala pala kiel.. sige, alis na ko”

Binilisan nya yung lakad nya pagkasabi nya sa akin nun, nabunggo pa nga ko eh. Alam kong may hindi ako alam eh, at kailangan kong alamin yun. Kaya tumakbo ako para habulin si Jane.

Pero, tumakbo din siya. Habulan kami ng habulan nun hanggang sa makalabas kami ng campus. Yung totoo, model ba talaga tong isang to? Kung maka-takbo, daig pa runner. Wala pang ka-poise poise. Pero, syempre, hindi ako papahuli. Naabutan ko siya at hinawakan ko siya sa dalawang braso nya at hinarap sa akin.

“teka naman Janelle..”

“J-jane na lang kiel.. he-he”

“nakakatawa ka pa ah. Saan pupunta si ella?!”

“………………. *sabay iwas ng tingin*”

“jane naman!! Baka naman nakalimutan lang nyang sabihin sa akin, k-kaya g-ganun”

“…………..”

“jaaannee!! *yugyog yugyog* pleaseeeeeeee”

Tinanggal nya yung kamay ko na nakahawak sa braso nya at tumayo ng maayos.

“states”

“anong states?”

“dun siya pupunta. Dun na siya titira”

“ahh.. wala syang sakit? O ano?”

“anong sakit sinasabi mo jan?! dun na nya itutuloy yung pag-aaral nya! Dun na siya titira! Ano ba naman kiel!”

Wala naman pa lang sakit.. pero, aalis na siya? Dun na siya titira sa states?? Sandali.. iiwan na nya ko?

“te-teka, ke-kelan alis nya?”

“ngayong araw na! 5hours from now, aalis yung eroplano nya, kaya nga aalis na kami eh, ihahatid namin siya”

Parang nanghina ako nung nalaman ko yun, kaya pala ganun siya kahapon sa akin, kasi aalis na siya. Bakit hindi man lang nya sinabi sa akin? Kahit man lang text, wala akong natanggap sa kanya, hindi ko maisip kung ano yung gagawin ko.

She Just Cant Say I Love You - (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon