chapter 39 - just the two of us..

1.2K 17 1
                                    

 -dedicated to ate Jezza.. Happy birthday sayo.. kahit medyo late na.. hehe.. Godbless lagi.. :D

chapter 39

=ella’s POV=

*tip toe.. tip toe.. tip toe..*

Lingon sa kaliwa, lingon sa kana..

Tip toe ulit..

Bukas pinto.. dahan-dahan.. dahan-dahan..

Labas sa pinto, isara ng dahan-dahan..

*plik!*

And there, nakalabas na ko ng bahay namin. Yung gate na lang ang ttrabahuin ko ngayon. Hindi ko siya pwedeng buksan, dahil alam kong tutunog ito, at baka marinig pa ko ni manang. Nag-isip ako ng pwedeng gawin dito, ng mapadako ang tingin ko dun sa may hawakan nung gate namin.

Kumapit ako dun sa pinaka-itaas nung gate, at tumuntong ako dun sa hawakan. pagkatayo ko, inihagis ko yung bag ko sa may labas, para hindi siya abala sa pag-eescape ko. Pinilit kong abutin yung posteng semento dun sa gilid gamit yung paa ko, at pinilit kong makaupo dun.

Pagkaupo ko, inusod ko ng pa-unti unti yung pwet ko, at saka tumalon paibaba. Medyo masakit yung pagkakalanding ko nun, at kumirot talaga yung ankle ko, pero kinaya ko pa namang tumayo.

Dinampot ko na yung bag ko, at sumilip muna ko saglit dun sa bahay namin, ng biglang bumukas yung ilaw sa kwarto ni manang, kaya naman tumakbo ako ng mabilis nun, habang nakayuko. Baka kasi Makita ako ni manang na umalis, mapurnada pa yung ‘pagtatanan’ namin ni kiel..

Pagkatapos sabihin sa akin ni kiel, na gusto nyang mag-out of town kami ng two days.. medyo nagaalinlangan pa ko dun kung papayag ba ako, o hindi. Pero, naisip ko din na pagbigyan yung hiling nya, para na din sa amin yun. Atleast, siguro sa way na un, maihanda na namin yung sarili namin sa paghihiwalay namin..

Natatawa ako habang tumatakbo ako paalis, two days lang naman kami mawawala ni kiel, pero para talaga kaming magtatanan. Kapag nahuli ako ni manang, for sure hindi papayag yun. Ayan tuloy, Takas pugante tuloy ang peg ko. xD

Malayo pa lang, ay natatanaw ko na si kiel. Nakasandal siya sa may motor nya habang may nakasalpak na headset sa tenga nya. Kahit madilim pa lang, kitang kita ko na ang kagwapuhan ng yats ko. Tsk tsk, talaga naman.. :P

Doon ako dumaan sa may likod, para sana gulatin siya. Itatakip ko na sana yung kamay ko sa may mata nya, nang bigla nyang hawakan yung parehas na kamay ko, at iniyakap sa may leeg nya.

“gugulatin mo pa ko ha..”

“haha, sayang! Gusto pa naman kitang marinig tumili kapag nagulat kita..”

“kapag ba nagugulat, titili kaagad? Sus! Kayo lang namang mga babae yun eh..”

“eh ba’t defensive ka? Haha”

Tinanggal nya yung hawak nya sa kamay ko at humarap siya sa akin. hinawakan nya yung mga pisngi ko at hinalikan ako sa noo.

“akala ko, di ka na dadating eh.. nag-alala ako. Mago-one hour na kong nag-hihintay dito..”

“kinabahan ka ba?”

“sinong di kakabahan? Ang usapan 3am, pero dumating ka 4am na..”

“hihi.. sorry yats, nag-ala akyat bahay gang pa ko, para makaalis sa amin eh. Pagising gising pa si manang kaya hirap ako makaalis..”

“di ka nagpaalam?”

“hindi syempre.. gusto mong di talaga tayo matuloy?”

“sa bagay.. ako din naman eh.. haha”

She Just Cant Say I Love You - (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon