chapter 41 - runaway part2

1.2K 14 2
                                    

Chapter 41

=Kiel’s POV=

Seriously, naiinis talaga ako dun sa biglang sinabi ni ella, kaya ako lumabas ng kwarto nun. Totoo ding nakalimutan ko na may responsibilidad nga pala ako pagkabalik ko sa Maynila. Alam kong mali ito, pero hindi naman to pang-matagalan eh. Gusto ko kasi pagkabalik namin sa Maynila ni ella, wala kaming regrets. Yun bang, kahit hindi kami sa bandang huli, atleast, meron kaming nabuong magandang alaala.

Pumunta ako dun sa pinaka labas ng hotel at nagpa-hangin muna. Naupo ako dun sa may buhanginan. Bigla ko tuloy naalala yung problema ko dun. pilit ko talagang inaalala yung sinabi ni diane sa akin noon. Pero, kahit anong pilit ko, wala talaga akong maalala eh. Parang hindi talaga nangyari yun eh.

Talagang mapilit yung mag-tito na yun na akuin ang hindi akin. kilala ko kasi si coach. Mahirap siyang kalabanin. Saksi ako sa mga ka-walang hiyaan nun dati. Pero, kung may patunay lang talaga ako na maipapakita sa kanya, alam kong hindi din nya ko mapipilit. May mabuting side din kahit papaano yung si coach. Kilala ko yun..

Pero, hindi din ako nakakasiguro. Konti lang ang naaalala ko nung gabing iyon. Lasing na lasing kasi ako nun kaya ganun eh..

“the  f*ck!”

Naalala ko si ella.. paano na kaya siya pagkatapos nito. Iiyak na naman ba siya? Magagalit ba siya ulit? Mas masasaktan ko kaya ulit siya?

Sabihin nya lang sa akin na wag kong pakasalan yung baliw na yun.. gagawin ko eh.. pero kahit siya, piniplit ako.. para daw sa bata.. tssss..

Hindi ko siya matiis. Ayokong sa pag-alis namin, magkagalit pa kami..

Tumayo na ko, at bumalik sa may tinutuluyan namin. Pagkabukas ko ng kwarto namin, nakita ko siyang tulog na tulog. Siguro, dahil sa ininom nyang gamot..

Nilapitan ko siya at inayos ko yung pagkakahiga nya. Nakalawit kasi yung ulo nya tsaka yung binti nya sa magkabilang side ng kama pati na din yung kanang braso nya.

Nakakatawa. Para siyang bata. Nakaka-asar ngang tignan para sa isang kagaya nya, pero isa to sa mga minahal ko sa kanya..

Binuhat ko siya at inihiga ko siya ng maayos. Inilapag ko ang ulo nya sa may unan. Kahit binuhat ko na siya, hindi man lang siya nagising o kahit naalimpungatan man lang. tulog mantika talaga siya. xD

Hindi muna ako umalis sa pwesto ko. Nakaupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ko ang mukha nya.

Ang ganda ganda nya talaga. Hindi naman siya katabaan, pero mas pumayat siya ngayon. Mas lumalim pa yung eyebags nya. Siguro dahil sa kakaiyak nya. At kahit medyo pumayat siya, hindi pa din naaalis yung ganda nya.

She Just Cant Say I Love You - (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon