chapter 45 - i'm begging you..

1.3K 16 0
                                    

-dedicated kay rose.. hehe, isa sa mga nang-uurat sa akin na mag-UD agad-agad.. haha.. mga hindi naman nagsisipag-vote at comment.. :P

enjoy.. :D

Chapter 45

=ella’s POV=

“ma’am.. before you enter to his room, please wear this for sanitation..”

I nodded to the nurse when she handed me the hospital gown, hair net and the mask. Unti-unti ko itong isinusuot sa katawan ko, habang nakatingin lang sa ibaba. Iniisip ko na kakayanin ko kaya Makita si Kiel sa kabila ng mga sinabi sa akin ng doctor??

I let a huge sigh before I touch the door knob. Nasa may ICU ngayon si Kiel at kailangan ng monitor ng doctor palagi.

Malala daw siya.

at ang salitang iyon ang mas nagpapalala din ng sakit ng nararamdaman ko.

Pagkabukas ko ng kwartong iyon, tumulo na kaagad yung luha ko, dahil sa itusra ngayon ni Kiel. Ibang Kiel ang nakahiga sa kamang ito.

Isinara ko yung pinto at nilapitan ko na siya. tumungo ako sa may gilid nya at hinawakan ko ang kaliwang kamay nya na may nakakabit na dextrose. Madaming machines ang nakakabit sa kanya. May naka-sabit sa may bibig nya, na sa tingin ko ay oxygen iyon. Naka-bukas ng kaunti yung bibig nya dahil dun. may nakakabit ding parang mga bilog sa may dibdib nya at nakakonekta iyon sa may machine na naka-tabi sa kanya. May naka-palibot na benda sa may ulo nya, pati na din sa bnti’t braso nya.

Mas lalo akong napaiyak ng biglang kong maalala yung sinabi ng doctor sa akin kanina nung pagkadating ko.

**

“doc.. kamusta na po ang lagay nya?”

“miss Cabral, seems like ikaw pa lang ang nandito at wala pa ang parents nya, mas mabuting sabihin ko na sayo..”

“sige po doc, ano po iyon?”

“successful ang mga naging operasyon namin sa nobyo mo. madaming nawalang dugo sa kanya, dahil matagal bago siya nadala dito, pero nasalinan na namin siya kaagad ng dugo.. pati yung mga sugat nya sa katawan ok na din, halos lahat ok na.”

“mabuti naman po doc.. thank you po. So it means po na, magiging mabilis ang recovery nya? He’s out of danger now..diba doc?”

Umiling ang doctor nun, at ipinaikot ikot nya yung ballpen nya sa may daliri nya, at tumingin sa akin..

“hmm.. are you ready to know?”

“what do you mean, doc?”

“i….. I don’t think na he’s out of danger now..

.. He’s in the state of coma..”

Nanlaki bigla yung mata ko, at napatakip ako ng bibig ko pagkatapos kong marinig iyon.. hindi ko din napigilan ang humagulgol sa harap ng doctor habang patuloy pa din siya sa pagsabi sa akin ng lagay ni Kiel..

“aside from his major cuts, some bruises and fractures due to the accident.. he had a head injury.. According to his CT scan, he is suffering now from a head trauma..”

**

Hinigpitan ko ang kawak ko sa kamay ni Kiel ngayon at napaiyak ako ng malakas dito sa loob ng ICU. Hinawakan ko na ng dalawang kamay ko si Kiel at yumuko habang humahagulgol ng iyak dito.

“eto ba kiel?! Eto ba ang sinasabi mong paraan *huk!* para hindi ka mapunta sa kanya, ha?! Sinabi mo sa akin na gagawin mo ang lahat para hindi ka mapunta sa kanya.. *huk!* pero bakit sa ganitong paraan pa ha?! Mas lalo mo lang *huk!* akong pinapahirapan eh..”

She Just Cant Say I Love You - (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon