chapter 27

1.1K 21 0
                                    

Chapter 27

=ella’s POV=

“HMMMMMMM… ma-mimiss ko to!”

Sabi ko ng nakatingin ako sa labas ng terrace ng kwarto ko.. lumakad ako papunta dun at humawak sa may railings. Nakikita ko yung magandang view mula dito. Huminga ako ng malalim nun tsaka pumikit. Dama ko yung lakas ng hangin na nagmumula dun sa dagat, malapit sa tinutuluyan ngayon ng nanay ko.

Nasa isang hotel kami ngayon ng nanay ko, para na din daw malapit kami sa may airport. Para na din daw hindi na namin mararanasan yung traffic.

Habang nandito ako, tinatandaan ko na bawat sulok, bawat lugar ng tanawin na to. Gusto ko kasing i-register itong lahat sa utak ko bago ako umalis. Para na din hindi ko makalimutan. Pero, dito din sa lugar na to, iiwan ko ang lahat. Ang lahat ng nangyari nung mga nakalipas na araw.

I’m not sure kung kelan ako ulit babalik dito. (_ _)

“ok na ba lahat ng gamit mo,anak?”

“yes, ma. Nandiyan na po sa may gilid.”

“ok good. Alis na ko?”

“hmm..”

“kaya mo ba talaga mag-isa?”

“opo naman.. kailangan ko din magpaalam dun kina amelyn..”

“o sya sige anak, basta tumawag ka sa akin pagkadating mu dun sa airport ha”

“opo ma..”

Tumingin ulit ako sa may labas at dinama ko ulit yung hangin na kasama ng tunog ng dagat mula doon. Kinurap ko yung mata ko, kasi sa di ko malamang dahilan, parang naluha ako. Napuwing ba ko??

At Bakit bigla kong naalala  si kiel?? (_ _)

Nagulat ako ng tumabi sa akin yung nanay ko, tinignan ko siya at tinignan nya din ako, pero sandali lang, kasi tumingin din siya sa ganda ng tanawin.

“dalaga na talaga ang anak ko..”

“po ma?”

“halata sa itsura mong….. hindi lang sila amelyn yung gusto mong Makita”

Yumuko lang ako nun at na-gets ko kaagad yung sinasabi ni mama. Nakwento ko kasi sa kanya yung lahat lahat ng nangyari sa akin nun nakalipas na x-mas break.

“*chuckle* tignan mo nga yang mukha mo oh.. di mapinta”

“ha? hindi po ma, ganito nyo lang talaga ko ipinanganak”

“haha.. so, sinisisi mo ako, ganun?”

“hindi naman po ma.. sige na! *tingin sa wrist watch* mala-late ka na sa flight mo.. bilis!!”

“oh! Ok ok.. sige, ingat ka anak ha.. mauuna lang ako sayo ng 1 day sa states.. tawagan mo ko kaagad”

“yes ma..”

Niyakap ko ng mahigpit yung nanay ko, then kiniss ko siya sa cheeks nya. Nagmadali namang lumabas yug nanay ko, dala dala yung maleta nya. Ang daldal daldal kasi eh.. ayan tuloy. Sana di siya ma-late. Ngayon nga lang aalis yung nanay ko dahil may emergency meeting daw lahat nung managers dun sa company nila.

As I said, pupunta na kong states. Dun ko na itutuloy yung pag-aaral ko. Matagal ng offer sa akin to ng nanay ko. Ako lang talaga yung nagpupumilit na dito ako mag-aaral. Siya na daw bahalang maglakad ng requirements ko dun sa school para makapasok na ko kaagad pagpunta ko dun.

Para na din siguro makaiwas ako sa kanila. Hindi sa pagiging O.A, sa tingin ko kasing mas makakabuti sa amin tong lahat, kung ako na yung iiwas.

Pagkaalis ng mommy ko, tinext ko na yung mga kaibigan ko na magkita kami dun sa madalas naming puntahang mall. Nagreply naman silang lahat na puputa sila dun after 1 hour.

She Just Cant Say I Love You - (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon