CHAPTER 9

2.1K 41 1
                                    

Chapter 9: Necklace

Cedric's POV..

Nahatid ko na si Jenna sa bahay nila, pero may gusto akong bilhin eh para sa kanya.

Gusto ko syang i surprise bukas. Gusto kong bumili ng Necklace na may heart, ako at sya ang nakalagay dun.

Pumunta ako sa pagawaan ng mga alahas, at ipapagawa ko na ito.

Inabot din ito ng 2hrs. Pero sulit naman, napakaganda nito. Bagay talaga ito sa kanya.

"Pero mas bagay ako sa kanya."

Gusto ko na rin magtapat sa kanya pero kailan?

Arghh! Nangunguna na naman itong kuryosidad ko

Magustuhan nya kaya ako?

Baka iba gusto nya?

Gusto nya rin ba ako?

Gosh! Stop Cedric! Think positive! Malay mo gusto ka nya.

Ngayon lang ako nagmahal ng kaibigan.

Ngayon lang ako nagmahal ng kasabay ko sa paglaki.

Sana sya na talaga.

Itong necklace na ito ay sa babaeng minahal ko. What if binasted ulit ako?

Sya na lng yung tanging babaeng minahal ko ng sobra.

Gusto ko syang akitin bukas sa cafeteria dahil gusto ko na rin umamin.

Sana sabihin nya rin sakin na gusto nya rin ako.

Mahal ko na sya. Itong necklace na ito ay simbolo ng pagmamahalan namin. Alam kong bata pa kami pero nagaaral naman ako ng mabuti.

Jenna's POV..

Buti na lang wala akong pasok ngayon. Dahil may meeting ang teachers.

Boring..

Wala bang mang aaki-

Nagulat ako ng may mag doorbell, binuksan ko ang pinto. At bumungad sa akin si Cedric.

Gosh! Hindi pa ako naghihilamos! Hindi pa rin ako nag totooth-brush! Nakakahiya!

Kunyari nagulat ako.

"Oww! Gosh! Cedric! What are you doing here?" Sambit ko na ikinatawa nya.

"Anong nakakatawa dun?" Tanong ko na lalo nyang ikinatawa.

"Ang baho!" Sagot nya na ikinainis ko.

"Shit! Mabaho? Seryoso?"

Pasimple akong tumalikod at inamoy ang aking bibig.

"Shit! Oo nga! Bat kasi ang aga nyang dumating. Wala naman akong sinabi na pumunta sya dito arghh!" Bulong ko sa sarili ko

"Ano kamo?"

"Shit! Narinig nya ata!" Bulong ki sa sarili ko.

"Wala! Wala! Ahmm, sabi ko tuloy ka dito."

"Ganda naman ng bahay nyo pero mas maganda ka." Nakangiti nitong sinabi.

"Aww, hindi naman, pero thanks."

Nilabas ko ulit ang dimple ko, sapagkat yun ang kahinaan ng lalaki.

"Oww shit! Your dimples again!" Sambit nya na ikinatawa ko.

"Wala naman ako pinunta dito. Pero mamaya, pwede ka bang pumunta sa cafeteria. Tayo lang dalwa? 5pm? Game?" Tanong nya sakin.

"Ahmmm, sige! Pero ano ba gagawin natin dun?" Tanong ko na ikinatahimik nya.

"Basta! May gagawin lang tayo dun. Basta maghanda ka bukas! Gusto ko pagpunta mo maganda ka, naka make up at sa-

"Pero ano ka-

"Wala ng pero pero! Patulong ka na lang kay Bea at Kate. Susuportahan ka naman nila. Wag kang magalala hindi tayo magpapa gabi dun."

"Sige! Pupunta ako."

"Pero! Ipangako mo sa akin na pupunta ka."

"Oo! Pupunta ako Cedric! Hindi ko man maipangako pero aasahan mong dadating ako."

~

Tita Joy's POV..

"Cedric! Anak! Ano itong necklace na ito?" Sigaw ko.

"Ma! Wag nyo pong pakialaman yan, para po kay Jenna yan. Magtatapat na po ako bukas." Sagot nya na ikinagulat ko.

"Gusto mo sya? Eh kahit hindi ka na magtapat sa kanya ay pasadong pasado na sya sakin. Basta wag kayong magmadali ha! Mag aral muna. I guguide ko lang kayo. Hindi ko kayo papakialaman sa lovelife nyo basta mag aral lang kayo, ayos na sakin yun." Sambit ko na ikinatuwa nya.

"Seryoso ma? Thank you po, love you po mama."

"Number one nyo akong supporter. Basta mag aral lang! Wag pababayaan yan."

"Opo, opo mama! Thank you po."

Cedric's POV..

Hindi ako makapaniwala na gusto rin pala ni Mama si Jenna. Lalo lang ako nagkaroon ng tiwala sa sarili.

Sana magustuhan nya rin ako. Dahil sobrang effort ko sa necklace na ibibigay ko sa kanya.

Pinagawa ko itong necklace na ito sapagkat walang sinuman ang makakapag hiwalay sa aming dalawa. Kaya handa na akong sabihin sa kanya ang aking nararamdaman noon pa.

I FALL INLOVE WITH MY CHILDHOOD BESTFRIEND [on going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon