Chapter 22

1.7K 33 4
                                    

Chapter 22: Kalawakan

Host POV

"Ngayon ay simulan natin ang magandang pagbati ng iyong ina, panuorin po nating lahat."

"Sana hindi ako maiyak!" Nagsimula ang video sa isang maganda at nakakaaliw na tunog at sabay na pagkikita ng mga picture ko nung bata pa.

"Ngayon na 13th ka na Jenna, wag nang malikot ha! sorry dahil minsan ay nagaaway kami ng Daddy mo. Then, isa pang sorry kasi hindi nakadalo ang Daddy mo dahil busy sa Palawan. Pero mamaya may inihanda syang sorpresa sa iyo na ngayon ay hindi na surprise kasi nalaman mo na. Hehehe, Nandito lang ako para sa iyo, susuportahan kita sa lahat ng gusto mo. Wish you all the best anak! I love you! Happy Birthday ulit."

At isa naman pong video greet sa kanyang Daddy.

"Thank you for being a good girl to your mom and also your cousin, classmates, whatever. Wish you all the best .The impact you've made on me is worth a million birthday spoils and more. Happy birthday - may you be blessed with fulfilled dreams and happy thoughts. Fly high to the happiness and watch your dreams come true. Happy birthday! I love you!"

Naiyak ako sa sinabi ni Mommy pati ni Daddy, grabe yung kay Daddy nakakanose bleed. Parang babaha itong pavillion na ito sa iyak ko.

"Hala! Mommy pinaiyak mo junakis mo!" biro ng isang host. At ang grabe nung video greet ng Daddy mo infairness, english nakakanosebleed.

"Huy hindi ah! tears of joy ito." bulong ko at sabay sabay kaming tumawa.

Lumipas ang mga greet messages ng iba, at hindi ko mapigilan ang sarili na umiyak.

"Ngayon ay malaya na kayong sumayaw dyan sa gitna, You are now free to dance in dance floor." ani ng ikalawang host.

Agad naman na umakyat si Cedric at hinarap nya sa akin ang kamay nya.

"Can we dance?" pagaalok nito.

Biglang natanggal ang necklace na suot ko.

"I'll help you."

Agad nyang inalis ang necklace na suot ko at ipinalit ang necklace na hawak nya.

"Heart shape? why?" tanong ko.

"Buksan mo yung loob, may makikita ka."

Binuksan ko naman ito.

"My picture and yourself. Nice" ani ko.

"Syempre, itong necklace na ito ay ang simbolo ng pagmamahal natin, kapag umalis ako wag mong aalisin yan sa leeg mo. Kasi pag inalis mo yan, it is a sign na kinalimutan mo na ako. Pero sa pag ligo mo, syempre aalisin mo pero don't misplace it. Ito na lang ang magiging alaala natin kapag umalis ulit ako." ani nito.

"Aalis ka ulit?" tanong ko.

"Oo eh! pero sa isang linggo pa naman, makakasama pa kita. Tara na! sayaw na tayo."

Nalungkot ako ng sabihin nya ito. Sumama na lang ako sa kanya at sumayaw kami sa gitna.

At nangako kami sa isa't isa na walang magbabago. Walang limutan. Kami pa rin sa isa't isa.

Natapos nang sumayaw at kumain na sila, Hindi muna ako kumain kasi medyo busog pa naman ako.

Uminom lang ako ng red wine at kumain ng toasted bread. Maya maya ay inakit ako ni Cedric na lumabas.

"Labas tayo?" pang aakit nito.

"Paano itong kinakain ko?" sabay kaming tumawa.

"Hayaan mo na yan! meron pa naman dyan oh!" pambibiro nito.

"Sige na nga!"

Tumakbo kami na magkahawak ang kamay sinasalubong namin ang mga hangin. Kasabay ng unti unting pagdilim.

Maya maya ay napagod ako, at nagulat ako ng bigla nya akong binuhat. "Huy! baka hindi mo ako kayanin!" ani ko. "Kaya ko basta kasama kita." anito. Umupo kami sa ilalim ng puno. Sandali kong isinandal ang aking ulo sa kanyang balikat, at inakbayan ako.

Namangha na naman ako, namangha ako sa napakalamig ng boses nya, lalaki sya pero ang lamig ng boses nya. Kinantahan nya ako habang pinagmamasdan namin ang buwan at ang mga bituin. Ang ganda ng kalawakan. Pasimple naman na kinurot ako sa pisngi ni Cedric at sumigaw ako sa sakit. "Aray ko!" sigaw ko. "Masakit? sorry na!" Hilig talaga nitong mang asar. "Thank you for making me happy today, Honestly I appreciate it." masayang tugon ko. "Thank you din dahil nakakilala ako ng babaeng tulad mo." anito.

Ang sarap palang pagmasdan ng kalawakan.

Humiga naman ako sa hita ni Cedric kasabay ng paghawak nya sa aking kamay. Hinalikan nya ako sa pisngi at yun ay kinagulat ko. "Myghad! Cedric!" sigaw ko.
"Sorry hindi ko mapigilan, mahal na mahal na mahal na mahal kasi kita eh." anito. "Tara na nga sa pavillion. Gutom na ako e."
"Tara!" pang sang ayon nito.

Ang saya ko ngayon dahil nakakilala ako ng lalaking tulad nya.

"I need a man to treat me like a queen. I need a man who will love me until the end, I need a man that is loyal. I'm not pertaining on appearance or looks, but on attitude and behaviour. I need a man that will protect me. And that name is Cedric."

"I need a boy like him."

Dali dali kaming bumalik dahil alam kong may mga next part pa ng party ko.

I FALL INLOVE WITH MY CHILDHOOD BESTFRIEND [on going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon