Chapter 23

3.4K 93 42
                                    

Cedric's POV

Kahit na nakasama ko ngayon si Jenna ay maiiwan ko na naman siya kaya habang wala pa ang isang linggo ay sinusulit ko na ang oras ko para sa kanya.

Ayaw ko ulit siyang umiyak at masaktan dahil sa gagawin ko. Halos mamatay ako kapag hindi siya kasama.

Nandito ako ngayon sa lamesa kung saan kumakain na ng handa ni Jenna. Iniisip na sana ay hindi na lang ako pinagaral sa ibang bansa, sana hindi ko ulit siya masaktan pero hanggang sana na lamang.

Ayaw ko na dadating sa dulo na paghihiwalayin kami mismo ng aming tadhana, ayaw ko na dadating ang araw na kakalimutan niya na naging magkaibigan kami. Bata pa lamang kami ay siya na ang paborito ko ng kalaro.

Nagkukulitan, nagaawayan, nagbabangayan at di kalaunan nauwi sa pagmamahal.

Minsan lang ako nagmahal ng kaibigan. Minsan lang din ako nagmahal ng isang childhood bestfriend ko.

Naalala ko tuloy nung 5 yrs old kami.

Flashback....

Nasa may ilog kami noon at nagbabaka sakali na may makitang isda.

"Cedric! umuwi na nga tayo. Wala naman ata ditong isda." nakasimangot na ani Jenna.

Sa sobrang hilig ko sa isda ay hindi ko siya nagawang pansinin.

"Huy! anong oras na oh." pangungulit ni Jenna.

"Teka lang, baka may makita akong isda."

Pinagmasdan ko na lang siya umupo sa batuhan. Maya-maya na lang ay nilapitan niya ako.

"Ano gagawin mo?" tanong ko.

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong talsikan ng tubig.

"Ayy!! Jenna." sigaw ko.

Para makabawi ay kumuha ako ng tubig sa ilog at inilagay sa kamay, at saka ko ito binuhos kay Jenna.

"Argh! Cedric!"

Ang ilog lang namin noon ay malapit lang sa mga bahay namin kaya wala silang dapat ipagalala sa'min dahil nasa aking tabi lang naman si Jenna.

Magkatapat lang ang bahay namin kaya naman ay lagi kaming naglalaro.

"Cedric! basa na ako." ani Jenna.

"Bleh! ikaw ang nauna!" pang aasar ko.

"Ah gantihan eto sayo."

Ginantihan niya ako ng mas maraming tubig sa timba.

Para na tuloy akong naligo.

"Tama na pls. Nilalamig na ako." ani ko.

"Tseh. May pamunas ka!" sigaw nito.

"Bakit kasi ang sungit sungit mo? porket wala akong nakitang isda." ani ko.

"Basta. Wag mo na uli ako bubuhusan bwisit ka!" nakikisuyong anito.

"Sige po Madam."

End of Flashback....

Nakangiti na lang ako habang nakatitig sa mga pagkaing nasa harap ko.

"Hoy okay ka lang?" panggugulat ni Jenna.

Agad naman akong napatayo. "Ahh oo! ah bakit? tapos na ba?" naguguluhang tanong.

"Hoy ang ewan mo, hindi pa nga ko pa nga hinihipan ang cake. Tapos na agad?" natatawang anito.

"Ah ganun ba."

"Teka, bakit nakangiti ka?" pagtatakang tanong nito.

"Wala wala may naalala lang." pagpapalusot ko.

"Weh! utot mo. May naalala daw. Wag kong sabihin dahil nandito na ako sa tabi mo ayiee." anito at sabay tabig sa aking mga balikat.

"Huh? hi-hindi ah." sagot ko.

"Anong hindi ka diyan Eh nabubulol ka. Umamin ka nga!"

Natigilan ako sa mga iniwan niyang salita.

"Bakit pa ako aamin. Eh alam mo naman kung sino ang ikinasasaya ko lagi." bulong ko.

"Ano kamo?" nakataas kilay niyang sambit.

"Wala. Sige na kain na ako." aniko.

"Sige. Goodboy, eat well." aniya sabay tapik sa aking leeg.

Pinagmasdan ko na lang siya umalis at nagpunta sa stage upang umupo sa kanyang upuan.

"Ang weird ko nong nandito siya. Come on! Cedric!!!" bulong ko.

"Lalaki ka tapos ang duwag duwag mo sa babae."

"Wag kang magiging duwag sa kaniya. Kaya ka iniiwan eh. Huh? iniiwan? eh ako yung kaibigang nangiwan sa kaniya." Tsk." bulong ko pa.

Gusto kong balikan yung mga masasayang alalaala pa namin noong mga bata pa kami ni Jenna. Pero hanggang balak na lang yon.

"Memories are just a memories."

Sana hindi na muli siyang umiyak dahil sa'kin. At sana kahit na maging malayo kami sa isa't isa ay hindi niya nilimutan ang aming pagiging kaibigan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I FALL INLOVE WITH MY CHILDHOOD BESTFRIEND [on going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon