Chapter 20

1.5K 28 2
                                    

Chapter 20: Preparation

Jenna's POV

Birthday ko ngayon pero wala yung taong nagpapasaya sa akin. "What the heck! move on na Jenna! sinasayang mo lang sarili mo!" Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan si Cedric.

Akala ko magiging masaya birthday ko pero sana sana nga!

"Focus Jenna!" utos ni Mudra.

Sya kasi ang nagmamake up sa akin.

"Eto na po oh!" pabalang kong sagot.

"Excited ka na ba? mamayang gabi?"

"Opo eh! sana maging masaya ito!"

"Oo anak hindi mo malilimutan ito!"

"Syempre ma birthday ko." natatawa kong sagot.

"Hay nako! basta dapat masaya ha! birthday mo!"

Cedric's POV

Sandali kong binuksan ang phone ko dahil gusto kong tawagan si Tita. "Wow! Tita? Legal?"

At sinagot naman ito.

"Sino ito?"

"Si Cedric po ito Tita!"

Narinig kong bumulong ito pero hindi ko alam kung kanino.

"Anak! saglit lang ha!" buling nito.

Wari ko ay si Jenna ang kausap nito.

"Bakit daw iho?"

"Mamaya diba po yung birthday nya?" paniguradong tanong ko.

"Oo mamaya na, bakit?"

"Gusto ko po sanang supresahin si Jenna, actually may ginawa po akong video para sa kanya. Gusto ko pong ipakita iyon kapag malapit na ang sayawan, saan po ba ang place?" maliwanang kong sambit.

"Sige iho! pwede kang pumunta magiging masaya si Jenna nito. Sa pavilion sa may Makati doon ang venue." anito.

"Sige po thank you po! Bye na po!"

"Sige na iho!"

Salamat at ako ay pwedeng papuntahin akala ko hindi na eh.

"Maghanda ka na Cedric! aalis na tayo mamaya dito sa hotel sa Marikina." pabulong na anito.

Batid kong puyat kaming dalawa kaya ganon ang boses nya.

"Sige po Tito!"

"Ano ba oras?" tanong nito.

"Mamaya daw pong gabi sa pavilion sa Makati."

"Sige! Ihanda mo na yang tuxedo mo ha?"

"Pero ti--"

"Hayaan mo na! isuot mo na para naman maging presentable ka pag punta don!" anito.

"Agh! sige na nga po!"

-

Sadyang napakabilis ng oras, malapit na din mag gabi kaya naghahanda na ako.

"Dapat maayos porma mo ha? yang tuxedo mo ayusin mo!" payo ni Tito. habang inaayos ang collar ng tuxedo ko.

"Nako naman si Tito nababakla na naman!" natatawa kong sinabi.

"Ssst! ingay mo!"

"Eto na po tatahimik na!"

"Ano yan?" tanong ko.

Batid kong make up ito pero ano gagawin nya sa mukha ko?

"Tito wag mong sabihin mamake up mo ako? yuck!"

"Tanga! sa akin ito para bongga ako mamaya."

"Phew* kala ko sa akin! magmumukha akong tanga kapag may make up ko dun."

"Kahit naman wala kang make up tanga ka pa din!" pang aadwa nitong sambit.

"Naku Tito! naiinis na ako sayo!"

"Charot lang ito naman oh!"

Hilig talaga ni Tito ang pag tripan ako, ewan ko ba kung may gusto yan sa akin. Sa pogi kong ito.

"Napaka gwapo naman!"

"Hay nako Tito!"

"Sige na! ihanda mo na yang sapatos mo at tayo ay sasakay na sa kotse na nihire ko."

"Sige Tito!"

Sandali ko munang kinuha ang tula na ginawa ko para kay Jenna.

Batid kong mahilig si Jenna, sa mga photograph, spoken word at lalo na sa arts.

Lahat ng mga pictures, nilagay ko sa video ko.

At mamaya ay handa na akong imikin ang spoken word poetry para sa kanya.

"Ano handa ka na ba?

"Oo naman Tito handa na ako."

Jenna's POV

Sa wakas at malapit na kami sa venue, napaka ganda ng suot ko ngayon para bang debut ko na.

Pink na may kunting rose ang design ng damit ko at ang theme ay masquerade.

Excited na ako mamaya!

"Anak! sana magustuhan mo ang preparation ng birthday ko sa iyo. Alam kong naging masama akong ina para sa iyo pero sana, sana ay magustuhan mo ito."

"Oo naman Ma! ang ganda kaya ng theme na pinili mo." pagbibiro ko, "Masquerade 13th of Jenna."

"Syempre naman anak!"

"Andito na po tayo!" ani ng Driver.

"Hala sige na! mamaya na tayo mag drama!"

-

Gusto kong maiyak dahil sa ganda ng theme na pinili ni Mama, kumpleto na ang lahat pero hindi ko sila makilala.

I FALL INLOVE WITH MY CHILDHOOD BESTFRIEND [on going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon