Chapter 21

1.5K 24 0
                                    

Chapter 21: Masquerade 13th of Jenna

Jenna' POV

"Ngayon ay salubungin na natin ang napakagandang si Jenna." ani Host.

Sumalubong sa akin ang mga palakpakan pati ang mga napakaganda nilang suot.

Nakakamangha at nakakaaliw. Bakit ba ako nababano ng ganito? 13th birthday ko pa lang pero ang gara.

Pinaghandaan talaga ni Mommy ito.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa stage. Nafe-feel ko tuloy na lumalakad ako sa isle, para akong kinakasal. "Jusko naman Jenna!" Nakarating na ako sa stage at pumalakpak na sila.

"By the way Jenna! may inihandang sorpresa ang iyong Mommy, na alam kong ikakatuwa mo." ani ng pangalawang host.

Nagulat na lang ako ng biglang lumabas ang firework kasabay ng magandang tunog na animo'y mapapasayaw ka. Nagulat ako ng biglang umindak si Mommy, hindi ako nagkakamali na marunong talaga sya. At inakit na lang ako ng isa sa mga nakaitim. "Teka san mo ako dadalhin?" nangangambang tanong ko. "Chillax sasayaw lang tayo." anito. Akala ko naman kung ano eh.

Natapos na ang sayaw namin at halata ko sa mukha ni Mommy na sobrang saya nya, ewan ko ba kung bakit.

"Hindi pa dyan nagtatapos ang birthday ni Jenna, dahil meron kaming isang  video na ipapakita sa inyo." ani ng isang host.

Nagulat ako sa sinabi nya, "Video? Anong klaseng video yun? di bale na. Manunuod na lang ako."

Nagulat ako ng biglang lumabas sa video na iyon ang mga picture namin ni Cedric kasabay ng isang kwintas na napasama sa video. Pati mga picture namin sa bundok nandon.

Naiiyak ako sa video na iyon, ang lahat ay sumigaw at napaiyak sa video na iyon. Maya maya na lamang ay may Cedric na nagpakita sa video na iyon.

"What the heck? pakana ata ni Cedric ito."

Nagtaka ako sa sinabi nya na, "Mahal na mahal kita, kaya lahat ay gagawin ko para sa Childhood Bestfriend ko na naging mahal ko, Ngayon ay tumingin ka sa likod mo at makikita mo ang Cedric na hinahanap mo."

"Seriously?" bulong ko.

Sabay- sabay namang sumigaw ang lahat at itinuturo ang parteng likuran ko.

Tumalikod ako at nakita ko si Cedric, kasabay ng pagalis ng kanyang maskara,  tumakbo ito papalapit sa akin at niyakap ako. Tumili ang lahat ng niyakap ko ito ng pabalik.

"Ayiiieee!" "Wooooh! sana all!" sigaw ng mga single na inimbitahan ni Mommy.

"Thank you dahil dumating ka sa birthday ko. Akala ko hindi na kita makikita ulit. Pakana mo ata ito eh." ani ko.

"Oo pakana ko ito, pero sana nagustuhan mo. Bakas dyan sa mukha mo ang mga kilig. Kinilig ka ano?" tawang tawa tanong nito.

"Sus! hindi ah! make up yan." pagbibiro ko.

"Aminin mo na kasi! Kinikilig ka ano?" bulong nito habang niyayakap ako.

"Oo na! bwisit e!"

"Share it! share it!" sigaw ulit ng mga single.

"Jusko po!" ani Cedric.

Nagulat ako ng bigla akong hinalikan sa noo, batid ng mga lalaki na gusto ng mga babae na hinahalikan sa noo.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na kiligin.

"Wooohh! ang sweet! tama na!" sigaw ng isa sa mga host.

"Wag mo nga silang guluhin moment nila ito." paepal na sabi ng pangalawang host.

"Mamaya na natin pag usapan Cedric, baka hindi na matapos ang birthday ko." ani ko.

"Sige! Happy Birthday ulit!"

Pinagmamasdan ko na lang syang bumaba sa hagdan at sabay na nagmano sa Mommy ko. "Legal?" natatawang bulong ko sa sarili ko. But it is a sign respect. Kaya minahal kita eh.

"Okay! tama na ang ka sweetan nyo--Ngayon naman ay saksihan natin ang isang napakagandang awitin mula sa bandang Ben and Ben." ani ng isang host.

"Sh*t! seryoso? ben and ben? Ano na namang kalokohan ito na ginawa ni Mommy? agh! but! I love Ben and Ben."

Nagsimula ng kumanta ito at pinaupo muna ako ng host sa upuan sa gitna ng stage. Nakita ko na isa isa nilang binuksan ang flash ng kanilang cellphone.

Kumanta sila ng Maybe the night na saktong favorite music ko ito. Nakakilig ang mga song nila, maya maya ay inakit ko na tumayo at isinayaw ako ng isa sa kanila.

Damang dama ko ang music na ito. Tumayo ang lahat at sumabay sa tugtog. Maya maya pa ay natapos na ang kanta at binati ako nito.

Sobrang fan ako ng Ben and Ben hindi ko akalain na inimbitahan sila ni Mommy.

"Happy Happy Happy Birthday Jenna..wala na kaming iba pang wish kundi ang patuloy lang sa pagsuporta sa aming banda. Ito ang t-shirt ng Ben and Ben, sana ay magustuhan mo. We love you♡♡" ani nito.

"Sobrang thankful po ako sa inyo dahil inimbitahan po kayo ni Mommy at nasuprise ako don. Akala ko simple lang pero, naging maganda nung dumating ang band ninyo. Thank you po." ani ko.

Batid kasi ni Mommy na mahilig ako sa bandang ito halos lahat ng music nila napakinggan ko na. Nakakaaliw kasi itong pakinggan lalo na at kapag ako ay nakaupo sa bintana at pinagmamasdan ang magagandang bituin at mga buwan.

"So ngayon tama na muna ang pagsasayawan. Merong mga video message na nandito, kaya papanuorin na natin."

Mapapaiyak na naman ako nito. Nakaupo lang lahat sila sa upuan at hindi ko sila masyadong mabatid o makita dahil madilim at nakamaskara sila.

I FALL INLOVE WITH MY CHILDHOOD BESTFRIEND [on going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon