CHAPTER 10

2K 33 0
                                    

Chapter 10: Preparation

Jenna's POV..

Ewan ko ba kung bakit ako pinapapunta ni Cedric sa cafeteria. Kakain lang siguro kami dun. Ano na namang balak nun?

Pero mamaya na pala yun! Goshh! Kinakabahan ako.

Sabi nya sakin mag make up daw ako at mag ayos, ano yun? Date? Jusko, baka kakain lang kami kasama si Tita Joy.

"Bea! Bea!" Sigaw ko.

"Tae! Ano ba? May ginagawa ako sa baba eh."

"Pwede bang mamaya ay ayusan mo ako at pumili ka ng magandang damit sakin." Tanong ko.

"May ka date ka ano? Ayieee sana all."

"Bago ka muna mag react. Sagutin mo muna ako, pinapainit mo ulo ko eh."

"Sige! Pero sino ba yang ka date mo ha? Jowa mo? Awieeee." Kinikilig nitong sinambit.

"Anong jowa ka dyan?! Bata pa ako. And si Cedric lang yun, baka kakain lang kami."

"Baka ikaw makain nya." Sambit nito bago humalakhak sa tawa.

"Yuck! Bea! Nakakadiri!" Sigaw ko na ikinatawa nya.

"Basta mamaya ha!"

"Oo! Papagandahin kita!"

Cedric's POV..

Mamaya na pala ako magtatapat kay Jenna, kinakabahan ako.

Magustuhan nya rin kaya ako?

Dami mong tanong Cedric! Think positive! Malay mo gusto ka din nya.

Basta magiging best day ever ito sakin.

Mag practice na kaya ako ng iimikin.
Humarap ako sa salamin at nagsimula ng magsalita.

"Ahmm! Ah-mm, hello Jenna. Ahmm" bakit puro ahmm"..seryoso Cedric.

"Hi Jenna! You look so beautifu-ful, ahmm." Ayan na naman Cedric! Stop using the word "Ahmm" it sucks! Again.

"Hi Jenna! Your so beautiful. I like your dress. May gusto akong sabihin sayo. Gusto kita noon pa. Nagustuhan kita dahil sa attitude mo!" Yan very good Cedric, pero sincere dapat.

"Hi Jenna! Your so gorgeous, I like the smile on your cheeks, your dimples and I also like your attitude. May gusto akong sabihin sayo na kay tagal ko ng pinalano ngunit laging na lang may kuryosidad sa utak ko. Eto na! I like you Jenna! I love you." Yan ganyan dapat! Sincere.

Sobrang effort ko talaga dito dahil may gagawin akong kanta, kakantahin ko sa kanya ang favorite naming song ang 12:51 at count on me.

Sana magustuhan nya ito mamaya.

Jenna's POV..

Nagbibihis na ako ngayon, tinutulungan naman ako ni Kate para mag ayos ng aking buhok. Parang date na ito eh.

Arghh! Kinakabahan ako mamaya, hindi ko alam kung bakit.

Pero ito ata yung special day para sa akin.

"Wow! Ang ganda mo Jenna, blooming." Nakangiting binanggit ni Kate.

"Thank you Kate."

"Mag iiba tingin sayo ni Cedric! Lalo ka nyang magugustuhan. Ayiieeee" sambit sa akin ni Bea na ikinatawa ko.

"Sus! Bilisan nyo na baka nagaantay na sya sa akin."

"Oo! Eto na Munting Prinsesa ni Cedric."

Cedric's POV..

Nandito na ako sa Cafeteria at inaantay na dumating si Jenna, sana ay hindi nya ako biguin. Dadating sya Cedric.

Nagulat ako ng bumungad sa aking harapan ang babaeng minamahal ko.

Si Jenna! Ang ganda nya ngayon.

Simple lang suot nya pero, iba na agad ang naramdaman ko para sa kanya.

Shit! Lalo akong namatay sa pagmamahal nya dahil lumabas na naman ang dimples nya arghh.

"Welcome po Miss Jenna." Sambit ng gwardya.

"Wow Jenna! You look so gorgeous. Hindi na kita makilala."

"Ano ka ba! Si Jenna pa din ito!"

"Tara na sa table, at may sasabihin ako sa iyo na importante."

"Ano ba gagawin natin dito?" Tanong nya.

"Basta! Manuod ka! May gagawin ako."

I FALL INLOVE WITH MY CHILDHOOD BESTFRIEND [on going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon