CHAPTER 6

2.5K 48 1
                                    

Chapter 6: Sound Trip

Jenna's POV..

Nakasakay na ako ngayon sa kotse nila Cedric! Wag ka, maganda. Ang Mama nya ang nagdridrive. Habang kami ni Cedric ay nasa likod lang. Gabi na rin at mukhang papagalitan ako pero nagpaalam naman ako saka may kasama naman akong matanda.

Nagulat ako ng makita kong binuksan ng Mama nya ang music. At sakto fave song ko pa, Count on me.

Mahilig ata ang kaniyang family sa sound trip, masaya family nya kahit na may kulang. Nagulat ako ng kumanta ang Mama ni Cedric.

Ang ganda ng boses, ang sarap sa tenga. Mas lalo akong namangha dahil sumabay pa rito si Cedric. Unti unti nilang binuksan ang bintana ng sasakyan at pinalakas pa ang music. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko. At napakanta na rin ako sa kanila.

"Ahmm! Jenna right? Nagugutom ka ba? Pwede naman tayong mag drive-thru." Tanong sakin ng Mama ni Cedric.

"Hindi naman po, busog pa po ako. Thank you po sa pag alok." Sagot ko na ikinangiti nya.

Mabait ang Mama ni Cedric kahit na may kulang na sa family nila. Ang swerte ni Cedric, dahil kahit may kulang sa kanila ay sobrang saya pa nila. Kaysa naman sa akin na ang gulo gulo ng pamilya ko.

Tuloy pa rin ang malakas na music, at fave song ko ang sunod na lumabas, dalaga by arvey.

"Ikaw na ang pinakamaganda na dalaga saking mata, ikaw na ang pinakamaganda na dalaga saking mata." Kinanta ito sa akin ni Cedric.

Nagulat ako dahil kinanta nya iyon. Mas lalo akong kinilig shit! Kalma lang self nandyan Mama nya.

Dumaan kami sa drive-thru ng jollibee, nagutom ata Mama nya sa pagkanta. Malayo kasi yung bundok sa bahay namin so kumain muna kami.

Nagorder ang Mama nya ng dalwang burger steak at isang chicken joy para sa kanya. Sobrang bait talaga ni tita.

Opsss bakit tita? Gosh!

"Okay lang kayo dyan?" Tanong ng Mama ni Cedric.

"Opo! Mama" sagot ni Cedric.

"Bagay mandin kayo! Cedric crush mo si Jenna?" Tanong ng Mama ni Cedric na ikinagulat ko.

"Ahmm! Ma! Wag dito!" Nahihiya nyang sagot.

"Baka gusto nyong pumunta na ng simbahan! Ay hala! Ako na ang ninang sa kasal." Sambit ni Tita na ikinatawa namin.

"Myghad! Ma! Nahihiya na ako kay Jenna." Sambit ni Cedric.

"Ito naman biro lang! Sige na kumain na kayo! Ohh Cedric baka makain mo si Jenna." Sambit nya na ikinatawa ng sarili nya.

"Gosh! Dito pala nagmana si Cedric." Bulong ko sa sarili ko.

"Ano kamo?" Tanong ni Cedric.

"Wala wala! Gosh!" Sambit ko na ikinatawa ng Mama ni Cedric."

Tita Joy's POV..

Malapit na kami sa Subdivision at mukhang nakatulog ata sila..hindi na ako nakapagpakilala kay Jenna, antok na sya eh. Pero sa totoo lang kung crush ng anak kong itong si Jenna.

Pasadong pasado na sya sakin.

Mabait, maganda saka ito talaga ang gusto ko sa isang babae.

Kung magiging crush ng anak ko itong si Jenna ay paliligawan ko na. Bagay sila eh.

Hanggang ngayon ay nag sound trip pa rin ako. Pero pinahinaan ko ng kunti.  Ayaw kong makaistorbo sa kanila. Nobela ang kanta ngayon, fave song ito ng anak ko pero ayaw kong makaistorbo sa kanila.

~

Andito na kami ngayon sa subdivision at ngayon ay ginigising ko na sila.

"Cedric gising na! Jenna gising na! Andito na tayo!" Mahinahon kong sinasambit.

Agad namang silang nagising at tumayo. Inihatid ko na si Jenna sa bahay nila, at mukhang pagod na pagod na sila.

"Ahmm tita!?" Tanong sakin ni Jenna.

"Bakit? Alam mo na pala pangalan ko!" Sagot ko.

"Opo! Tita! Nakita ko po sa wallet nyo ang pangalan nyo.ang swerte pala ni Cedric sa inyo dahil may ganyan syang ina! Buti pa nga kayo tita samantalang ako, magulo na." Napaiyak ako sa sinabi nya.

"Hayaan mo magkakaayos din kayo. Sige na! Matulog ka na! Pero aaminin ko bagay kayo ng anak ko."

Wala na pala akong kausap sa lagay na yun, tulog na pala sya.

Dali dali na akong pumunta sa bahay, at tingnan kung tulog na ang aking anak.

Tulog na naman sya nung datnan ko, kaya tutulog na rin ako. Maaga pa ako bukas sa trabaho ko.

I FALL INLOVE WITH MY CHILDHOOD BESTFRIEND [on going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon