Chapter 3

12 4 0
                                    

MIRTH'S POV

*Flashback

"Mirth yung crush mo nasa court dali!" Sigaw ni Zepyhrine sa may pintuan ng classroom namin kaya dali-dali akong tumakbo palabas. "Dalian mo baks!"

"Heto na wait!" Sigaw ko habang tumatakbo palabas ng room. Ang layo naman kasi ng upuan ko sa dulo pa talaga ng room. "Saan-saan!?" Tanong ko habang nililibot ng tingin yung covered court.

"Whahahahaha!" Napatingin agad ako sa kanya dahil sa lakas ng tawa niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay kasi parang pinaglalaruan niya lang ako. "Nasaan? Nakita mo ba talaga?" Mahinahong tanong ko sa kanya.

"Swag! Wala! Niloloko lang kita!" Tapos bigla akong tinakbuhan. "Babush! Hahanapin kooo at kapag nakita ko sasabihin kong patay na patay ka sa kanya!" Sigaw niya habang tumatakbo palayo.

"Humanda ka sakin! Hindi kita papapasukin sa room! Maghanap kana ng bagong classroom!" Gigil ako amputek! Kanina pa niya ako ginigigil actually halos araw-araw kasi classmates lang kami.

Pumasok na ulit ako sa room at bumalik sa upuan ko. Pinagpatuloy ko na lang yung paggugupit ng colored paper para sa paper quilling na project namin sa contemporary arts.

"Mirth Manabat."

Napahinto na naman ako sa paggugupit ko dahil narinig ko yung maganda kong pangalan.

"Yes po?" Tanong ko doon sa lalaking tumawag sakin. Di ko siya knows. Pero senior highschool student din.

"Tawag ka sa baba." Sagot lang nung kuya.

"Saang baba?" Hindi ako namimilosopo ah.

"Sa journalism department Pinapatawag ka ng School Paper Adviser."

"Hala lagot! Palo ka!" Pa-eksena ng isa kong classmate.

Niligpit ko na muna yung mga colored paper ko at gunting ko bago tumayo. Ang daming distractions para matapos ko tong project namin. Haay naku!

Hindi pa ako nakakarating sa journalism department nang biglang may makita akong super kyut guy na nagpahinto ng mundo ko. Over acting! Sino ba naman kasing hindi kikiligin kapag nakita mo yung crush mo?

Inayos ko yung sarili ko. "Shocks wrong timing naman. Hindi pa naman ako nagpulbo." Bulong ko sa sarili ko. Sa araw-araw ko siyang nakikita, hindi bnagbabago yung pakiramdam ko.

Madadaanan ko na sila! Whaaa! Taeng yan kinikilig ako at baka mahimatay ako nito. Takte wag naman sana.

Yumuko ako habang naglalakad kunwari hindi ko sila nakikita. Tapos diretso akong naglalakad. Relax baks!

"Mirth!"

Whaaa! Takte ka! Tinawag ako mga bakla. Mirth wag pahalata okay.

"Patrick. Hi!"

Tae kinikilig ako world!

"Saan ka pupunta?"

Papasok sa puso mo walang hiya ka bat ang kyut mong buang ka!?

"Ahh sa journalism department. Pinapatawag ako doon eh. Hindi kaba pupunta rin doon?"

"Oo pupunta rin pala ako doon. Sabay na tayo. Mga kuys, mauna na kayo. Pakisabi na lang excuse ako ah."

"Sige kuys sasabihin namin. Pasok na kami." Sagot sa kanya ng kaibigan niya.

Kapag sinu-swerte ka nga naman talaga. Tadhana na ang nagbadya para magkasama kami ngayon. Dear Patrick, sana wag kang masyadong pafall naiinis ako.

Hindi Na Posible By Christianfinity [COMPLETED]Where stories live. Discover now