MIRTH'S POV
Pumunta na ako sa park for sure ako natatandaan niyo pa yung lugar na niligawan ako ni Patrick. Dito rin kami madalas magkita dati syempre noon pa yun.
Nakaupo na ako habang masayang pinapanood yung mga street dancers. Palaging may ganito dito kapag gabi. Dito nila ginagawa yung practice nila. Bakit kaya hindi ako dancer? Yung monggoloyd na Patrick na yun dancer din yun eh. Nasa kanya na lahat, magaling sumayaw, maggitara, marunong kumanta at magaling mag-drawing. Edi siya na the best!
"Ako na naman ba tumatakbo sa isip mo?" Nagulat ako bigla. Umupo siya sa tabi ko tapos hinawakan yung kamay ko.
"Anong ginagawa mo?"
"Pinapasaya kita. Alam mo namiss kita. Sobra! Pero yung sobrang namiss ko, alam mo kung ano? Siyempre yung kamay mo. Iba kapag ikaw yung humahawak ng kamay ko."
"Patrick nahihibang ka ba?" Humarap ako sa kanya tapos chineck ko mukha niya. "May sakit ka? Kumain kana ba? Pagod ka no? Yan mall show pa." Ginulo ko yung buhok niya.
"Hindi ako nahihibang! Haha! Ayaw nitong maniwala. Alam mo hindi pa ko nagsinungaling sayo maliban sa ginagawa ko noon ah. Pero swear, miss talaga kita." Tinaasan pa niya yung kanang kamay niya. "Apir tayo dyan." Kitams monggoloyd siya diba.
"Nagbago na lahat pero monggoloyd ka pa rin. At yung mukha mo? Ang kyut mo." Umiwas nako ng tingin. Naku gabi pa naman baka iba magawa ko dito sa monggoloyd na to. Pero no joke, ang kyut niya talaga. Mukhang hindi na nagbihis galing mall show niya.
"Tigilan ako Mirth. Kaya ako nagpunta dito kasi I want to spend my night kasama ka. Birthday mo na bukas diba? Gusto ko ako kasama mo mag-celebrate ng birthday mo."
Ayy oo! Birthday ko na pala bukas. October 14 pala bukas kayo naman hindi niyo pinaalala sakin. Pero lakas ng loob niya sumama pa sa araw ko. Like iw! Sino ayaw? Ako ba? Hindi! Gustong gusto ko! Miss ko to eh!
"Pero Patrick paano si Mitch? Girlfriend mo siya diba? Teka lang magpapakilala ako, ako si Mirth hindi si Mitch ah. Baka nalilito ka. Paano kapag hinanap ka niya?"
"Mirth, nagpaalam ako sa kanyang aalis ako ngayon. Ayaw mo bang kasama ako? Uuwi na lang ako." Tumayo siya kaya hinawakan ko agad kamay niya.
"Please stay." Tumayo ako at niyakap ko siya. "Patrick akala ko noon makakalimutan kita agad. Sa dami kong naging mali sa buhay ang pagkakamaling pinagsisisihan ko ay yung hindi kita binigyan ng second chance."
Naramdaman kong niyakap niya rin ako. "Mirth, leave our past behind so it cannot ruin our future. Okay na sakin yung minsang naging masaya tayo. Let go na tayo, move on. Sapat na nandito tayo ngayon." Kumalas kami parehas pero nanatili yung hawak niya sa bewang ko.
"Sorry. Gusto kong sabihin sayong miss na miss na kita, miss ko na yung I love you mo. Ang baliw ko! Haha! Bati naman tayo diba?"
"Hindi naman tayo nag-away. Anumang nagawa ko noon, sorry na. Yiee! Smile na yan." Hinawakan niya ko sa pisngi ko sabay kiss sa forehead ko. "Okay lang ba kung tayo ulit ngayong gabi? Hanggang bukas pwede? I already settled everything. Gusto lang kitang pasayahin ulit. Gagawin ko lang yun kung papayag ka. Ano game?"
Tae! Yung puso ko naman! Dahan-dahan sa pagtibok baka lumabas ka dyan. Pero whaaaa! Hello! Ang saya ko! Nabuhay lahat ng cells ko at nagising lahat ng organs ko.
"Pwede pa ba akong mag-say no?"
"Ha? Gusto mo lumuhod ako? Teka gagawin ko." Bigla siyang lumuhod sa harap ko tapos hinawakan yung dalawa kong kamay. "Pwede bang maging tayo kahit ngayon na lang ulit?"
"Ye-yes? Yes! Tumayo ka dyan nakakahiya pinagtitinginan na tayo ng mga tao." Pinapatayo ko siya kasi pinagtitinginan na kami. Feeling ko naistorbo namin sila sa practice nila.
"WHOOO! THANK YOUUUU! MGA KUYS SINAGOT NIYA KOOO! GIRLFRIEND KO NA SIYA ULIT! I LOVE YOUUU MIRTH!" Bigla akong nagulat kasi binuhat niya ako. Taeng yan sobrang nakakahiya.
*CLAP CLAP CLAP! Nagpalakpakan yung mga tao. Tumatalon yung iba tapos may nakita akong couple na naka-back hug yung lalaki.
"Sana kami rin po may forever!"
"Sana oll!" Narinig kong sabi ng girl.
Binaba na ako ni Patrick kaya inayos ko damit ko. Spell kilig ba? Mukhang ang saya ng magiging araw ko bukas. Ang alamat ng kalandian ako yung bida dun.
"Baka naman legal age na tayo, siguro naman pwede na tayo magkiss."
"KISS!" Sigaw ng mga tao sa harap namin.
"Tigilan ako. Kiss mo mukha mo."
"Ano ba naman yan. Naging tayo na dati pero hindi tayo nagkiss nun." Umupo na ulit siya. "Mirth nagsusulat ka pa ba?" Pagkatanong niya umupo na rin ako.
"Matagal na simula noong huli akong nagsulat. Nawalan ako ng time, balak ko magpalit ng trabaho. Okay nga kung magtinda ako kasi kanina na-try ko magtinda ang saya pala." Naalala ko tuloy yung experience ko kanina sa pagtitinda. Sobrang saya!
"Magtitinda ka? Mirth sayang naman yung natapos mo. Walang masama sa pagtitinda pero diba passion mo yung pagsusulat, anong nangyari?"
"Kinalimutan ko na yun. Takot na akong mag-try ulit. Tsaka sino pa bang magbabasa ng gawa ko?"
"Mirth, kalimutan mo na yung past. Ganito na lang, tutulungan kitang magsulat. Isip tayo ng magandang concept mo. Kailangan mo lang maniwala at magtiwala. May magbabasa hanggang may nagsusulat."
"Baliktad, may nagsusulat hanggang may nagbabasa."
"Ako yung magbabasa at tutulungan kita. I will promote your books kapag may show ako. Sige na, yung tulong ko regalo ko yun sayo. Bukas na bukas tutulungan kitang magsimula ulit."
Hinawakan niya yung kamay ko kaya napasandal ako sa balikat niya. Siguro tama nga siya, hindi pa naman siguro huling magsimula ulit ako. I will try until I succeed again. It is never been late.
"Mirth, what nagpakasal tayo sa ibang bansa?"
"Ewan ko lang. Pero parang kinalaban naman natin ang Diyos. Patrick naniniwala akong kung tayo, tayo talaga. Pero alam mo proud ako sa'yo ngayon kasi tignan mo, may sarili ka ng album, may banda kana, mall show abot kamay mo na kahit nga siguro concert magagawa mo na."
"Syempre kapag concert ko VVIP ka dapat. Kailangan nandun ka para ganahan naman akong kumanta. Sasayawan pa kita sa stage."
"Gusto ko kapag nagtagumpay ako ikaw yung isasama ko tumanggap ng award ko. Pwede ba yun? Hindi na tayo nun pero alam ko na alam mo kung gaano ka naging parte ng buhay ko."
"Hugot na hugot Mirth? Kakantahan na lang kita. Ehem!"
Now Playing
You're Still The One (Acoustic Cover)
By Sam Mangubat"Looks like we made it
Look how far we've come my baby
We mighta took the long way
We knew we'd get there someday."Napatingala ako sa langit ang gaganda ng mga stars. Ngayon ko na lang naramdaman yung ganitong feeling. I never thought that it will happen again. I wasn't the perfect person for Patrick but I know that whoever come to his life alam kong kaya niyang pasayahin si Patrick more than I can give.
"They said, "I bet they'll never make it"
But just look at us holding on
We're still together still going strong."Tinignan niya ko tapos napapikit siya.
"You're still the one that I love
The only one I dream of
You're still the one I kiss goodnight."Napapikit na rin ako. Haaay! Nakakaantok naman dito sa park. Feeling ko tanghali na ko magigising bukas. "Goodnight Patrick! I'm so glad we made it." Ctto sa last two lines ng kanta.
YOU ARE READING
Hindi Na Posible By Christianfinity [COMPLETED]
RomanceLahat tayo pwedeng magmahal. We all deserve to love and to be loved by someone. Hindi pa huli ang lahat para sumuko tayong mag-try. Pero minsan sadyang hindi posible, but that's life.