Author's Note
Chapter 5 na po tayo and I'm happy kasi nakaabot tayo dito. Since chapter 5 na tayo abangan ang nakakatawang joke na handog ko para sa inyo. Enjoy!MIRTH'S POV
*Flashback
"Mirth pakinggan mo naman ako. Ang daya mo nilibre kita tas hindi mo papakinggan joke ko." Pangungulit ni Patrick sakin.
Sarap kasi ng kinakain kong kwek-kwek eh. Ito yung pinaka favorite kong street food.
"Mirth naman."
"Hindi mo makita kumakain kaya ako. Pagtapos ko saka ka magjoke baka mabulunan ako sa joke mo."
"Tutulungan na kita." Sabay tusok niya ng isa kong kwek-kwek kaya sinamaan ko siya ng tingin. Bad Patrick!
"Wag mong kakainin hindi ako makikinig sayo tandaan mo yan." Hinawakan ko yung kamay niya tapos sinubo yung hawak niyang kwek-kwek. "Amm sarap!" Tas nginuya ko yung kwek-kwek. Sharap sharap!
"Ang takaw mo!" Tapos sumandal siya sa upuan with matching cross arm pa akala mo naman talaga.
"Sige na. Game ano yung joke mo?" Tinignan ko siya sabay pangalumbaba ko.
"Wag na!"
"Edi wag na! Madali akong kausap. Uuwi na lang ako tutal wala naman na tayong gagawin diba?" Sinuot ko na yung bag ko tapos tumayo na.
"Hahaha! Wait lang kasi. Hindi ka naman mabiro. Upo ka dali!" Nag-sound check sound check siya kunwari tapos huminga ng malalim.
"Mirth anong favorite animal mo?""Lalayo pa ba ako? Ang pinaka favorite kong animal ay yung nasa harap ko." Nagpipigil ako ng tawa ko baka bigla akong masapak.
"Ako!? Animal yung sabi ko hindi tao. Ang kyut ko namang hayop."
"Whahaha! Hindi naman kasi ikaw yung sinasabi ko. Yung aso sa likod mo. Tignan mo dali ang cute niya."
"Mas kyut naman ako dyan. Sige ito na kasi yung joke ko. Anong tawag sa asong nakaka-inis kasi inaagaw yung pagiging kyut ko?"
"Ano?"
"Edi ASOngot! Whaaa! Hahaha! Asongot!"
Pinipilit kong patawanin yung sarili ko kasi nakakahiya naman kung hindi ko bibigyan ng pansin yung joke niya. Sana may nagtitirik na ng kandila para doon.
"Meron pa akong joke Mirth. Aso pa rin kasi favorite mo yung aso diba? Kaya anong tawag sa asong madungis at hindi naliligo?"
"Oh sige ano?"
"Bayan Mirth hindi mo alam yun? Ang tawag sa asong ganun ay DOGyut! Whaaa! Hahaha!"
"Hahaha! Sakit ng tyan ko Patrick! Grabe tama na kasi parang hindi ko na kakayanin! Hahaha! Grabe naman yun!" Siyempre kahit halata namang hindi ako natuwa kailangan ipakita kong supportive pa rin ako.
Malakas ka sakin crush. Mabenta ka sakin tandaan mo yan!
"Mirth napaka-sarcastic naman ng tawa mo. Uwi na nga tayo." Tapos tumayo na siya kaya tumayo na rin ako.
*Incoming call alert!
"Hello!" Sagot ko sa phone.
"Mirth! Wazzup! Nasaan ka?" Si Agatha nga pala. Classmate and friend ko rin.
"Nandito sa park. Bakit?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami ni Patrick. "Actually pauwi na rin kami." Napatingin sakin si Patrick kaya huminto ako sa paglalakad.
"Kami? May kasama ka pala! Sana oll! Nasa park din ako ngayon, let's meet. Kain tayo." Napakamot ako sa ulo ko. Uwing uwi na kaya ako.
"Wag na Agatha. Amm kasi pauwi na rin kami. Let's meet on the other day pwede?" Biglang kinuha ni Patrick yung phone ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
YOU ARE READING
Hindi Na Posible By Christianfinity [COMPLETED]
RomanceLahat tayo pwedeng magmahal. We all deserve to love and to be loved by someone. Hindi pa huli ang lahat para sumuko tayong mag-try. Pero minsan sadyang hindi posible, but that's life.