Author's Note
Finally we've went so far my dearest readers!♥️ Salamat po sa pagbabasa and it's a pleasure kung mag-vote kayo⭐ Have a nice reading ♥️PATRICK'S POV
Tadan! Akala niyo kung sinong kyut no? Ako lang to! Haha! Hey hey what's up madlang readers! Ganito kasi yun ewan ko pero feeling ko ang kyut ko lalo sa part na to. Sayang walang chapter about swimming, excited pa naman akong ilabas abs ko. Describe ko ba sa inyo kung gaano kadami? No need na! Basta secret lang natin to ah. Alam niyo bang in real life totoong kyut ako. Wag niyong ipagsigawan baka sumikat ako.
Author: Patrick bakit ang daldal? Lumalakas yung hangin sa pwesto ko, baka liparin readers natin!
Sorry aken! Author naman ang kj! Ganun ba kapag walang jowa?
Author: Shut up or else tatanggalan kita ng POV.
Okay! Okay! Hindi mabiro! Go back to the story. So yun birthday ngayon ni Mirth na-mention ko naman diba? Btw, nandito ako sa bahay nila. Dito ako pinatulog ni tita. Aside kay Mirth, miss din ako ni tita eh. Wala na daw kasing bumibisitang kyut sa kanila.
"Patrick, hijo gising na kaya si Mirth? Grabe ngayon na lang ulit yun natulog ng mahaba. Grabeng puyat nun at pagod."
"Nagpupuyat po siya?"
"Naku puyat na puyat kakaiyak. Kung hindi pa ako magpapatugtog ng mga kanta mo hindi pa yun titigil."
Kanina pa si tita hindi magkandaugaga sa ginagawa niya. Multi-tasker! Nagluluto tapos nag-aayos ng mga plato.
"Tita ako na lang po mag-aayos ng mga plato. Magluto po kayo dyan. Pero tita sabi niyo po nakikinig kayo ng kanta ko?"
"Aba oo naman! Ang ganda ganda kaya ng boses mo. Hindi nakakapagtaka kung bakit hanggang ngayon baliw yung anak ko sayo." Pano ba kiligin mga kuys? Mukhang aatakihin ako eh! No joke natutuwa ako. "Pero ewan ko ba kung bakit hindi yun tumigil sa'yo."
"Tita, natanong ko lang. Aside po ba sa'kin hindi na siya nagkarelasyon? Boyfriend?"
"Parang wala. Wala namang pinakilala si Mirth sa'kin. Ang alam ko may nanliligaw sa kanya dati pero ewan ko talaga dyan kay Mirth. Nakaluto na ako, umupo kana dyan at ipaghahanda na kita."
"Naku tita mamaya na lang po kapag gising ni Mirth. Sabay na po kami." Pagtanggi ko. Nakakahiya mauuna pa kong kumain sa may birthday.
*Footsteps mula sa hagdan!
"Ma, hindi gumagana yung orasan ko sa room. Deadbat na rin phone ko. Anong oras na po ba?" Si Mirth yan habang nagkukusot pa ng mata pababa ng hagdan.
"Sorry anak nakalimutan ko. Kumain kana muna dito." Ani ni tita. Nakatitig pa rin ako kay Mirth na nasa hagdan. Huminto siya sa paglalakad tapos biglang umupo at tumungo. "Anak wag ka dyan matulog. Naku kang bata ka!"
"Hindi ako natutulog ma, nakalimutan kong magdasal. Psssh! Quiet ka lang." Men ang kyut niya. Get a girl na kahit bagong gising hindi nahihiya sa itsura niya at marunong pang magpasalamat sa Panginoon. Siguro mga 5 minutes na akong nakatitig sa kanya. "Ma, bakit nasa bahay na ako? Umuwi po ba ko kagabi?"
Hindi niya siguro ako nakikita kasi nakapalumbaba siya at nakatingin lang kay tita.
"Talaga naman! Hinatid ka dito ni Patrick tulog na tulog ka. Dito na nga siya nakatulog eh. Halika na dito at sabay na kayong mag-almusal."
"Si Patrick!?" Feeling ko ngayon pa lang siya nasiging. Tinignan niya ako kaya ngumiti ako. Tumayo siya bigla tapos tumakbo paakyat. "Ma! Bakit hindi niyo agad sinabi!? Ang panget ko pa naman!" HAHAHA! She's so cute honestly. Daig pa niya nalasing sa sobrang limot yung nangyari ah.
"Pfft! Ang kyut niya po tita. Haha! Hintayin na lang po natin siya bago tayo kumain."
Mga ilang minuto rin bago siya bumaba. Nakapagsuklay na siya at powder siguro. Magkatabi kami na kumakain habang si tita nasa harapan namin. Hindi ako makakain ng maayos kasi sobrang naninibago ako. Ngayon na lang ulit kami nagsabay kumain.
"Hijo, kumain ka ng maayos. Hindi ba masarap luto ko?"
"Ayy sobrang sarap po. Namiss ko po yung luto niyo." Kumain na lang ulit ako.
"Teka nga, umamin kayong dalawa sa'kin. Kayo bang dalawa ay nagkabalikan na?" Nagulat ako sa tanong ni tita kaya napatingin ako kay Mirth. "Mirth anak, kaya pala gumaganda ka."
"Ma naman. Hindi po.."
"Nagkabalikan po kami tita. Mahal ko pa rin po si Mirth eh. At sobrang namiss ko po siya." Hindi ko pinatapos si Mirth sa pagsasalita niya.
"Opo ma. Tsaka diba noon palang naman po maganda na ko." Tinignan niya si tita na may kasamang 'sumagot na ng oo' look.
"Ahh oo naman anak. Mana sa kaya sakin. Anak, happy birthday to you. Remember that you are the most beautiful star that I ever had. You know naman that I always believe inyo. I love you anak ko." Hinawakan ni tita yung pisngi ni Mirth tapos biglang tumingin sakin. "Kaya ikaw, wag mo na sasaktan si Mirth ah."
"Tita, I can't say no. I will be her man when someone's forget her. I will be her reader when no one appreciate her books. I will be her shoulder if she needed someone to cry on. I can't promise to be with her forever, but what I can promise is to makes her feel better all the time." Niyakap ko si Mirth. Takte mga kuys ang baduy ko na! Ganito ba dapat talaga yung gawin ko. Mahal ko si Mitch pero sa tuwing nakikita ko si Mirth parang I feel the same thing. Mali ba?
"Patrick thank you. Those words you've said are the most special gift para sa birthday ko. I'll mark those words."
"Oh sige na kumain muna kayo bago kayo pumunta sa mga pupuntahan niyo. Mirth anak, enjoy your day okay. Mama wish you all the best."
"Thank you Ma." Kumain na ulit kami at pagkatapos naming kumain nag-asikaso na rin si Mirth. Nagpadala ako ng damit sa P.A. ko para makapagbihis ako. Naisip ko na kung ano ba yung una naming gagawin.
Gusto kong tulungan ulit si Mirth na bumalik sa pagsusulat. Sayang kasi yung galing niya eh. Nakahanap na rin ako ng mga company na naghahanap ng mga writers. Ipapasok ko dun si Mirth pero siyempre kailangan niya munang mag-training.
"Hello po ma'am. Ganun po ba? Sige po papunta na po kami dyan. Thank you po. Sigurado po akong matutuwa si Mirth. Okay po ma'am. Salamat po ulit." Then I hung up the phone. Paano ba yan? Naayos ko na yung isa. I dialed another number.
"Hello po, is this the We Write Company? Si Patrick to. About doon sa sinabi kong ipapasok kong writer. Pupunta kami dyan mamaya. Okay thank you!"
I am super excited mga kuys. Sana maging successful yung araw na ito.
YOU ARE READING
Hindi Na Posible By Christianfinity [COMPLETED]
RomansLahat tayo pwedeng magmahal. We all deserve to love and to be loved by someone. Hindi pa huli ang lahat para sumuko tayong mag-try. Pero minsan sadyang hindi posible, but that's life.