Chapter 6

8 4 0
                                    

MIRTH'S POV

I thought forever akong magiging masaya sa kanya. Pero sa loob ng halos ilang taon na magkasama kami pinakita niya sa akin kung gaano niya ako kamahal. Deserve ko naman pala ng guy na katulad niya. All those judgements and bash magkasama naming hinarap pero biglang dumating yung araw na pinakakinakatakutan kong mangyari.

*Flashback

"Mirth? Mirth gising! Mirth nandito na si Mama! Gising Mirth!" Naririnig kong sigaw nila. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makahinga ng maayos. Ang sakit-sakit ng puso ko.

"Lumayo kayo sa kanya. Kailangan niya ng kaunting hangin. Kumuha ka ng tubig inumin. Bilis!" Naramdaman kong pinupunasan ako ni mama. Feeling ko basang basa na ako sa pinaghalong luha at pawis. "Mirth hinga ng malalim. Magiging maayos ka rin anak."

Unti unting nagiging maayos yung pakiramdam ko. Nakakahinga na ako ng maluwag. Sabi ni mama ilang araw na daw akong hindi kumakain. Yung huling araw na yun galing pa ako sa ulan kaya hindi naging maganda yung lagay ko.

"Mirth anak, anong nangyari sayo?" Tanong ni mama habang pinapaypayan ako. "Kwento mo sakin. Makikinig ako."

Naalala ko na naman kung gaano kasakit yung nararamdaman ko. Ang bigat eh. Akala ko siya yung lalaking sasamahan ako hanggang sa huli.

"Ma, hindi ba ako pwedeng maging masaya sa love? Wala ba kong espasyo sa kahit na sino? Dapat ba kapag bakla ka pwede kang lokohin?"

"Anak, hindi naman ganun. Hindi ka naman niya niloko diba?"

"Ma, sabi niya gagalingan niya. Pagsusumikapan niyang makatapos at magpupursige siya pero hindi niya ginawa."

"Anak kung yun lang ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan, anak sasabihin ko sayong sayang lang yung luha mo."

"Ma hindi lang yun. Ma, nakita kong may kasama siyang ibang babae. Ma pinagpalit niya ako harap-harapan."

Kitang kita ko kung gaano niya ako niloko. At ang kapal ng mukha niya para itanggi ako sa harapan ng babaeng yun. Hello, girlfriend niya ako tapos sasabihin niyang kaibigan niya lang ako? The heck!

Pinilit kong tumayo kasi gusto kong magpahangin sa labas. Wala namang mangyayari kung tutunganga lang ako dito sa loob ay iiyak lang samantalang masaya siya dun sa babae niya! Unfair yun hello!

Nakatingala lang ako sa langit habang pinagmamasdan yung mga stars. Sabi ni kuya Kim kanina sa tv ngayong gabi daw lalabas yung mga shooting stars.

"Wish ko sana nasa isang malaking palabas na lang ako. Iiyak ako tapos titigil kasi nabigay ko na yung best part ko. Tapos sila na bahala sa eksena ko tutal palabas lang naman lahat."

Pilit kong pinapalakas yung sarili ko. I need to be strong kasi yun naman talaga ako simula bata pa ako.

"Mirth!"

Kahit alam ko kung sino yun hindi ako lumingon, para saan pa't papansin ko siya.

"Mirth usap tayo please?"

Bigla siyang umupo sa tabi ko pero hindi na ganun yung nararamdaman ko. Pagtapos ng panloloko niya matutuwa pa ba ako sa kanya?

"Mirth magpapaliwanag ako. Nagawa ko yun kasi nahihiya ako sa ex ko. Mirth pero promise pinagsisisihan ko yung nagawa ko sayo. Alam ko nasaktan kita kaya sana patawarin mo ako."

"Nahiya ka? Wow. Sana inisip mo ko noon kung anong nararamdaman ko." Walang emosyon kong pagkakasabi.

"Mirth, alam mo naman kung gaano kita kamahal diba? At yung about sa school ko, makaka-graduate rin ako. Kunting bilib at tiwala lang. Promise this next school year, gagalingan ko na talaga. Promise ko yan sayo."

"Patrick, alam mo naisip ko lang siguro kung hindi naging tayo wala akong concern sayo. Pakelam ko kung bagsak ka, that is what you can give. Kung tamarin ka it's fine dahil hindi ko naman hawak grades mo. At kung manloko ka, okay lang sino bang niloko mo hindi naman ako. Pero mali eh! Ako yung nanghihinayang kapag bagsak ka, tinatamad ka at ako yung nasasaktan kapag nanloloko ka."

"Mirth, sorry. Sorry, sorry, sorry100x at walang katapusang sorry. Sorry ah kasi tinamad ako, sorry na kasi bagsak ako at sorry sa panloloko ko sayo. Sayo na nanggaling na yun lang yung kaya kong gawin! Pero mali bang humingi ako ng second chance sayo? Putek kahit yun lang ibigay mo sakin para patunayan ko sayo, sa buong mundo na meron pa kong ibubuga!"

Pinunasan ko yung luha ko saka humarap sa kanya. Nginitian ko siya tapos tumayo ako. Humarap ako sa kawalan.

"Okay fine! Kasalanan ko pa ngayon! Hindi kita pinaniwalaan, hindi kita sinuportahan at yung second chance? Bibigay ko sayo!" Hinarap ko siya tapos pinaghahampas ko yung dibdib niya. "Patrick, bakit parang kasalanan ko pa? Ako yung nasaktan mo. Ipaalala ko lang ulit sayo na niloko mo ko. Akala ko kasi tapat ka. Lahat ng efforts ko binigay ko, puso ko, oras ko kahit pa atensyon binigay ko sayo tapos ganun lang yun!?"

"Mirth, tinanong mo ba ako kung nasaktan mo ko? Oo! Ang sakit kasi hindi ka naniniwala sakin. Lahat ng judgements, hates at paninira hinarap ko. Dihado nga ako eh kasi ang baba ng tingin nila sakin. Taas ng pangarap ng iba para sakin tapos sabi nila sinayang ko kasi sayo ako nakipag relasyon. Mirth, sige tapusin na natin."

"Sige! Mas maganda nga siguro kung ganun. Sige! Tapos na tayo! Okay na ba!? Uwi na tayo Patrick, pagod na ako. At parang babagsak na yung mundo ko. Paal---!"

Bigla na lang nanghina yung tuhod ko. Nawalan ako ng malay and everything went black!

A year went by, nawalan na ako ng gana sa lahat ng bagay. Napagod na rin akong magsulat. Graduate ako ng college pero hindi na tulad noong highschool ako na may awards at maraming accomplishments. Hanggang sa dumating ako sa point na nawala na rin yung passion ko sa pagsusulat.

"Mirth Manabat tawag ka sa office girl." Narinig kong tawag sakin ng office mate ko kaya tumayo na ako at naglakad papuntang office.

I think ito na yung sinasabi nilang bad luck ko. Haay! I should be ready sa mga matatanggap kong salita mula sa loob.

I push the door and come inside. Yumuko na lang ako sa sobrang hiya.

"Mirth, sit down." Umupo ako at huminga ng malalim.

"Siya na ba yun?" Napatingin ako sa isang babae. Mukhang ang tapang-tapang ng itsura niya.

"Yes Madam."

"Well hindi naman nakakagtaka. This girl is a trash! So kung ganito lang pala yung mukhang ihaharap nito sa'kin edi sana hindi na ako nagsayang ng effort para pumunta dito! Look at her! Hindi nakakapagtaka kung bakit palpak at walang silbi yung mga gawa niya!" Sigaw sakin ng babae. Siguro siya na yung may-ari ng kompanya.

"Madam sorry po." Nakayuko kong sabi.

"Sorry? Mapapalitan ba ng sorry mo yung halagang nagastos ng company para sa mga books mo!? Hindi pa yata ito nabibigyan ng report at mukhang hindi napapadaan ng bookstores! Walang may gustong bumili ng libro mo and the hell, ang panget nga naman kasi ng concept. Hindi niyo ba na-check muna yung mga gawa niya?"

Breakdowns comes alive!

"Madam na-check naman po namin."

"So bakit ganun? Hindi kayo nagbasa ng maayos? Pinagbigyan niyong makalagpas tong pipitsuging writer na to? Kung tutuusin dapat noon pa lang kita pinaalis."

"Madam wag po! Please po, gagawin ko po yung lahat, babawi po ako promise. Sa susunod mas gagalingan ko po. Please wag niyo po akong tanggalin." Pagmamakaawa ko kay Madam. I just needed this job. Ito na lang yung meron ako ngayon.

"You are just a big trash in my company. You're fired! Get this trash out! Now!" Pinatayo ako ng mga tao sa loob hanggang sa pilit nila akong pinalalabas ng company.

Everything went black! Naglaho na lahat! My lovelife even my career and I can't believe na aabot sa ganito ang lahat. I thought kaya kong harapin lahat ng hirap. Kinaya ko naman noong abutin lahat ng mga pangarap ko pero bakit kailangan nilang mawala?

I thought I'm a good writer? Sawa na ba sila sa mga gawa ko? Sumuko na rin ba mga readers ko? Pati ba naman sila iiwanan ako?

I don't deserve this! I deserve a happy life, happy career and lovelife. Malaki yung pangarap ko but because of what happened in my past.. everything went wrong!

Hindi Na Posible By Christianfinity [COMPLETED]Where stories live. Discover now