Chapter 1

24 4 0
                                    

Author's Note

3rd time ko na po itong gagawa ng story sa Wattpad kahit ganun paumanhin kung marami pa rin akong mga maling type or errors. This time kakaiba tong gawa ko unlike sa mga nagawa ko na before. Super super short lang po nito, hopefully magustuhan niyo. Dedicated para sa mga lgbtq+🌈 story natin toh, pero sisiguraduhin kong makaka-relate kayong lahat.

Loving Christian ❤️

MIRTH'S POV

Lahat sila super excited sa muling pagbabalik ni Agatha, she's my best friend since highschool. Lahat kami may hawak na banner na may nakasulat na "Welcome to the Philippines Agatha!"

Nandito kami sa airport lahat. Feeling special kasi tong kaibigan ko eh. Nakakahiya naman kung hindi namin siya sasalubungin. Teka heto na yata siya.

"Guys! Guys! Standby ayan na siya!"

"Okay sabay-sabay tayo!

"Nakikita ko na siya!"

Nakita namin siya kaya daig pa namin yung reaksyon ng mga Pilipino kapag sinasalubong yung pride ng Philippines sa Sea Games at Beauty Pageants.

"WELCOME TO THE PHILIPPINES AGATHA!" Masayang bati nilang lahat. Halatang miss na miss nilang lahat si Agatha. She's been in New York in 4 years.

Yung mga over acting kung mga kasama hindi na makapaghintay na makalapit si Agatha. Ayun nagtakbuhan! Hinintay ko na lang silang lahat na matapos.

"Agatha! Wow naman, totoo yung chismis. Ang ganda mo na!" Tulalu na si Zepyhrine, kaibigan din namin.

"Ayan ah. So sinasabi mong panget ako noon?" Sambit ni Agatha, halatang naninibago mag Tagalog.

"Hindi naman. Mas gumanda ka nga lang ngayon." See, nambola pa siya.

Hayst! I feel bored na rin. Kanina pa ako dito and actually hindi naman dapat ako pupunta kung hindi lang nila ako pinilit. No choice rin naman.

"Mirth! Friend you're here pala!" Nagulat ako kasi bigla niya akong tinawag.

I look at her and smile. "Yah, siyempre excited din akong makita ka. It's been a long year."

"Hindi ka pa rin nagbabago. You're still the Mirth that I meet before. How's life?"

"Still nice. I've heard your success in New York. Congrats!" I graciously congratulate her not just for her success in modelling but also for her love life.

"Thank you Mirth. So, how about yours? Kamusta kayo ni Patrick?"

Bigla akong napalunok. I don't know how should I start to answer her. Dapat talaga hindi na ako pumunta. Paano na? I smile again and breathe.

"Agatha, we're..." Napahinto ako bigla.

"Kyaaaah!"

"OMG! Agatha the crown is yours!" Everyone's cheering.

I asked myself what's happening then the boy wearing hot shirt answer my question. Siguro siya na yung boyfriend ni Agatha.

"Shocks! Haha! Babe!?" I heard that from Agatha bago siya tumakbo papunta doon sa lalaki.

Parang mga baliw yung mga tao. Parang mas kinikilig pa sila kaysa kay Agatha. Maririnig mo yung mga bitter saying "Maghihiwalay rin kayo!" Pero yung iba full support.

"Sana oll!"

"How to be you Agatha!?"

"Forever na this!"

Hayst. I cant resist this. Lumakad na ako palabas ng airport wala namang masyadong ganap dito mabuti pang nasa bahay na lang ako.

Habang naglalakad ako kinuha ko phone ko at earphones ko. Like what I normally do kapag naglalakad ako, gusto kong nakikinig ng music. Sensya kung medyo boring life ko pero masaya naman ako hindi nga lang ngayon.

Btw, hindi pa pala ako nagpapakilala sa inyo. So yun po, I am Mirth Manabat, 25 na ako. Very matured na. Para sa kaalaman ng lahat gay ako and I am proud of who I am. This is me. I accept love more than judgements. Hindi pa ako ganap na babae tsaka wala akong balak. Sapat na kung nakabihis babae at medyo mahaba ng light ang hair.

No judgements!

Napahinto ako sa isang familiar na boses sa radio. I know who's singing my favorite song kapag broken ako.

Now Playing
Paano ba
By Vanya Castor

"Paano ba kalimutan, Mga panahong pinatibok 'tong puso ko. Ayokong malaman na ako ay nagkulang.  Sabagay eto lang ang kaya kong ibigay sayo. Ang magmahal sayo ng totoo."

That was an entry to himig handog 2019 interpreted by Vanya Castor na kinakanta ngayon ng isang new guy in his new rendition.

*Message notification sound!

A chat from our group chat noong highschool pa kami. Tagal na nito ah. Nabuhay ulit!

From Patchot

I miss you so much guys! Finally we're seeing each other again. Kahit hindi niyo ko kabatch pupunta ko. Haha! Can't wait to see you guys later.

From Zepyhrine

Nice, nabuhay ulit yung gc! See you later guys!

From Muse Agatha

Labyu all! See ya!

Ang lalakas magchat akala mo naman talaga pupunta lahat specially ako, napag-isip-isip kong hindi ako pupunta. Reunion party kasi namin ngayon.

Aside sa pagbabalik Pinas ni Agatha everyone's agreed na why don't we celebrate para sa success ng bawat isa.

Nag-pm na rin ako sa class president namin before na hindi ako pupunta because of an important matter pero ayaw pumayag eh. Kj daw ako. Anong magagawa nila. Tsaka ayaw kong maalala lang ulit lahat. Hindi ko lang din sila kayang harapin lahat.

Napahinto ako sa naglalakad dahil sa isang lalaking kumakaway sakin sa hindi kalayuan. Parang may sinasabi siya pero hindi ko marinig. Kaya binawasan ko ng volume yung music ko.

"Mirth! It's you! What's up!?"

Tinignan ko lang siya ng masama. I do not talk to strangers.

"Grabe naman yang tinggin na yan. Nakalimutan mo na ako? It's me Ely."

Bigla kong tinanggal earphones ko tapos tinignan siya mula ulo hanggang paa.

"Ely? Haha! Ikaw lang pala."

"Mirth, grabe naman nakalimutan mo ako agad. Ako yung joker sa atin dati at new look ka ngayon ah."

"Sorry, I just thought hindi ako yung kausap mo. Where are you going?"

"Kay Agatha, nasa loob siya diba? Btw, pupunta ka mama.."

"Nope." I just ended like that.

"Hindi yun pwede. Isama mo si Patrick ah. Sige Mirth, mauna na ako. See you."

What the.. what should I do? Hindi ko kayang pumunta mamaya at hindi pa ako handang harapin silang lahat. Paano na lang kung tanungin nila ako about myself, my accomplishments, about sa amin. Hindi ko pa kaya.

Hindi Na Posible By Christianfinity [COMPLETED]Where stories live. Discover now