Chapter 7

8 4 0
                                    

MIRTH'S POV

Nandito ako sa mall. After kasi ng reunion party namin, yung nangyari sa work ko at lahat ng mga ganap sa buhay gusto kong gumala. Yun ang bagay sa aking isang malaking talunan.

"Bibilhin niyo po?" Tanong sa'kin ng saleslady. Ang ganda kasi ng damit eh.

"Sana, meron pa po bang ibang size?" Kasi parang hindi naman kaysa sakin tong nakasabit.

"Dito po sa loob." Sumunod ako sa saleslady tapos pinapili niya ako. Ang daming mga magagandang design kaya kinuha ko yung mga kasya sakin.

"Mirth?" Napalingon agad ako sa biglang tumawag sakin. "Iba na talaga yung professional, shopping-shopping na lang." Lumapit siya sa'kin kaya nagbeso kami.

"Agatha, hello." Speechless ako. I have nothing to say. Hindi ko alam sasabihin ko sa kanya.

"Last night ang bilis niyong nawala ni Patrick but now bakit hindi kayo magkasama?" Bigla niya akong tinanong habang naka-cross arm siya. Siguro alam na niya.

"Ah kasi.." Kumamot ako sa ulo ko tapos nag-isip ng idadahilan.

"What? Maybe may busy siya kasi I heard may mall show daw sila ngayon. Dito rin yun diba? That's why I'm here!"

Mall show? Ahh yah right! Naalala ko na! May mall show si Patrick. Pero hindi ko alam na ngayon yun at dito pala yun. Sana hindi na lang pala ako nag shopping ngayon!

"Manunuod ka? That's good! Ikaw lang naman diba? I mean wala ka namang ibang kasamang manunuod mamaya diba?"

"I will watch pero hello do you think papayag akong mag-isa lang? Patrick invited all our classmates to watch his first ever mall show. Nag-chat siya sa gc and he also mentioned na may ipapakilala daw siya para sa mga fans niya. So I guess you'll be there also."

"What!? So-sorry Agatha I have to go. Miss babalikan ko yung mga dress soon may kailangan lang akong gawin. Agatha bye!" Nagbeso ako sa kanya sabay nagmadaling lumabas. Shocks! Hindi pa ako handa! Binilisan ko yung lakad ko pababa ng hagdan. I need to talk to Patrick.

Tinatawagan ko siya pero hindi niya ako sinasagot. "Patrick c'mon! Answer your phone!" Pumara na agad ako ng taxi paglabas ko ng mall.

"Kuya pakibaba lang po ako sa faith band studio." Sabi ko sa taxi driver. Siguro naman nandun pa sila. Medyo malapit lang yung studio nila dito kaya siguro nandun pa sila.

Pagkarating ko dumiretso agad ako sa loob. Hindi ko kabisado sa loob kaya lumapit ako sa isang babae. "Miss saan dito yung room ni Patrick Patricio? Pinatawag niya ako eh." Alam kong hindi niya ituturo yun sakin kung wala akong ibang sasabihin.

"Kayo po ba yun? Dito po. Kanina pa po niya kayo inaantay." Sumunod ako sa babae hanggang sa nakarating kami sa isang room. "Pat nandito na siya." Napatingin ako sa babae, she called Patrick, Pat?

"Take her inside." Narinig kong boses ni Patrick sa loob.

Binuksan ng babae yung pinto kaya nakaabang lang ako pagbukas niya hanggang sa nakita ko si Patrick na topless. What the heck! Nagbibihis pala siya hindi man lang nagpasabi. Umiwas na lang ako ng tingin kasi baka iba yung tignan ko.

"Pat you didn't told me na nagbibihis ka pala. Take your shirt now." Yung babae yan. Bakit parang close sila?

"Haha! Parang hindi mo pa nakita. Mirth anong ginagawa mo dito?" Napatingin ako sa kanya sakto nakadamit na siya. Syems! Bakit ang kyut niya pa rin?

Mirth kalma hindi yan yung pinunta mo dito. Remember mag-uusap kayo?

Okay I got it! Sorry hindi ko ma-control eh.

Hindi Na Posible By Christianfinity [COMPLETED]Where stories live. Discover now