Chapter 10

14 4 0
                                    

MIRTH'S POV

"Patrick saan ba kasi tayo pupunta? Bakit kailangan naka-blindfold pa ko?" Kinakabahan ako sa ginagawa niya. Kanina nasa taxi kami tapos hindi niya ko pinapatingin sa labas. Sumunod lang ako sa sasabihin niya.

Hakbang pakanan! Pakaliwa! Atras! Abante!

"Mirth basta malapit na tayo." Kanina pa yung malapit na yun ah.

Medyo maingay yung paligid kaya hindi naman niya siguro ako dadalhin sa tagong lugar and besides sobrang init pa ngayon.

"Mirth may hagdan. Mga 3 steps lang pagsinabi kong step saka ka humakbang okay."

"Okay. Tagal ah."

"Step" Sabi niya kaya humakbang na ako. Hanggang sa natapos na. "Nandito na tayo. Excited kana ba Mirth?" Tumango na lang ako sabay tumayo ako ng tuwid. Buti naman nandito na kami.

Tinatanggal na niya yung blindfold ko. Hanggang sa bumungad sakin yung mga estudyante na may hawak na banner.

"HAPPY BIRTHDAY ATE MIRTH! WELCOME BACK SA SCHOOL AT WELCOME BACK SA PAGSUSULAT!" Sabay sabay na sigaw ng mga estudyante. Nakita ko si rin ma'am, former School Paper Adviser namin.

"Mirth, Happy Birthday! Happy writing at sana magsulat ka ulit." Sabi ni ma'am kaya lumapit ako para yakapin siya.

"Thank you po ma'am. I really really miss you." Umalis ako sa pagkakayakap at tinignan yung buong journalism department. "Wala pong nagbago. Kamusta po kayo ma'am?"

"Ayos lang. Stress na naman kasi malapit na ulit yung laban nila para sa regional press conference. Kamusta ka?"

"Ganun pa rin po. Kaso.."

"Ma'am magpapaturo po ulit siya sayo kung paano gumawa ng isang magandang feature article. Medyo nakalimutan niya na po kasi." Biglang nagsalita si Patrick.

"Okay, sinabi mo sa'kin kanina. Let's start?" Tanong ni ma'am kaya tumango ako. Humanap ako ng upuan sakto namang pinaupo ako ni Patrick. Nagsimula na magdiscuss si ma'am. I miss this.

"Ano ang Lathalain? Una sa lahat ito ay ang pagkukuwento sa mga mambabasa. Ito ay may simula, gitna at wakas. Hinahayaan nito na makita ng mga mambabasa ang kuwento. Ano naman ang dapat na katangian ng isang taong nais sumulat ng lathalain? Anyone?"

Tumaas ng kamay yung isang estudyante tapos tumayo. "Dapat po taglayin ang pagiging malikhain, may interes, mahilig magtanong at magbasa."

"Thank you Christian. Ngayon alamin natin kung ano ang mga bahagi ng lathalain or feature article." Nagpatuloy lang sa pagdi-discuss si ma'am. Hinawakan ni Patrick yung kamay ko habang tapos nilaro-laro niya.

After ng discussion naglibot-libot kami ni Patrick sa school. Grabe sobrang namiss ko 'tong  schoool namin.

"Patrick picture naman tayo. My day ko lang." Pumunta ako sa isang puno tapos kinuha phone ko. "Selfie tayo okay. 1-2-3!"

*Tsup!

Nagulat ako kasi hinalikan niya ako bigla sa cheek ko. Tinignan ko yung phone ko. Takte! Namy day ko na agad. Tae sa Messenger na pala ako ng picture. Syemay!

Nagpo-pop up na yung mga messages kaya tinignan ko.

From Zepyhrine

Whaaa!🤭 Going strong MirPat!♥️ Sa school kayo? Happiest birthday Mirth!⭐😘

From Ely

Ang lalandi naman! #MirPat pa rin ako.🌈🤟🏻

From Agatha

Hindi Na Posible By Christianfinity [COMPLETED]Where stories live. Discover now