Chapter 4

13 4 0
                                    

Author's Note
Still a flashback. Continuation ng chapter 3 para mas maging malinaw lang po. Enjoy po!

MIRTH'S POV

*Flashback

"Simulan na natin ang competition. Remember to always make your school proud and advance congratulations to all winners in different categories. Goodluck journalist!"

Nagpalakpakan na ang bawat isa. Simula na ng contest proper. Kaso kanina pa ko nag-aalala kay Patrick kasi hindi umabot sa call time.

"Ma'am wala pa po ba si Patrick?" Lumapit ako sa SPA namin at nagtanong.

"Wala pa nga eh. Siguro hindi na yun pupunta 10 minutes na lang magsisimula na ang laban ng editorial cartooning." Sambit ni ma'am kaya parang ako yung nanghihinayang para kay Patrick. "Cartoonist, get ready."

Bumalik na lang ako sa upuan ko siguro hindi na siya pupunta.

"Ma'am! Huh! Sorry po I'm late!" Bigla akong nabuhay nung nakita ko siyang tumatakbo palapit samin kaya napatayo ako. "Tinanghali po kasi ako ng gising eh." Sabay kamot niya sa ulo kaya napangiti ako.

"During lecture yun na lang yung pahinga mo. Pumunta kana doon." Sabi sa kanya ni ma'am habang nakatingin lang siya sa'kin.

"Okay po ma'am." Sagot niya tapos yumuko ako nakakahiya yung titig niya. "Susunod po ako may kakausapin lang po saglit."

"Sige bilisan mo."

Tumingin ako sa kanya. Kahit nakakahiya bigla ko siyang niyakap ng mahigpit halata namang nagulat siya. Pero inalis ko rin agad.

"Akala ko talaga hindi kana pupunta. Sobrang nag-alala ako. Gusto lang kitang i-goodluck. Galingan mo!"

"Ha? Haha! Di ako maka-get over. Siyempre gagaling kaya dapat mo ring galingan. Goodluck sating dalawa. Pero parang mukhang panalo na ko."

"Panalo agad eh hindi pa naman nagsisimula ang laban?"

"Bayan hindi maka-gets. Panalo na ko sayo!"

Anak ng teteng! So paano ba yan, parang panalo na rin ako.

"Patrick bilisan mo! Nagsisimula na!" Napatingin kaming dalawa kay ma'am na kumakaway sa second floor ng building.

"HAHAHA! Umakyat kana nga doon! Alis!" Sabay tulak ko sa kanya.

Tumakbo na siya papunta sa venue ng contest nila at naglakad na rin ako papunta sa venue ng contest namin. Writing kasi yung passion ko at kapag nagsusulat ako nabibigyan ko ng enjoyment and satisfaction yung sarili ko. Gusto ko rin na ma-inspire rin yung mga ibang tao sa mga gawa ko. I can give my hundred percent in writing.

Nagsimula na rin yung contest sa category ko. As always blockbuster yung feature writing. Marami ng gustong sumali kaya medyo kinakabahan ako.

"Writers, gusto kong mapabilib niyo ko sa gagawin niyo okay. I am looking for an exceptional writer. Bigyan niyo ako ng magandang atake and remember to give your heart in every paragraphs." Sabi sa amin ng judge.
.
.
.
.
.
.
Fast forward tayo!

Natapos na ang laban ng lahat ng categories. Awarding na. Kasama ko si lahat ng writers.

"Excuse me po. Excuses hehe!" Bigla akong tinabihan ni Patrick. "Tabi tayo kinakabahan ako eh."

"Sino bang hindi kinakabahan sa atin? Basta kapag nag-champion ka, libre kita ng shawarma."

"Sige! Pero kapag ikaw yung nag-champion... Dapat gala tayo." Hirit niya sakin kasi alam niyang hindi ako sumasama sa kahit saan gala. Mabait ako eh.

"Tignan natin kung manalo."

Nakinig na kami sa awarding. Unang tinawag yung mga nanalo sa news category, sunod sa sports, editorial, copy reading at broadcasting.

"The top 5 winners for editorial cartooning are..." Tinawag na yung pangalan ng 5th placer at 4th placer pero wala doon si Patrick. "Top 3 goes to Patrick Patricio!"

"Whaaaa! Top 3 akoooo!? Thank you Lord! Thank you!" Tumakbo siya papuntang stage. Akalain niyo yun 3rd place pa.

"Congratulations to all editorial cartoonist winners! Let's move on to the feature writing winner. Our 5th placer.."

Yumuko na lang ako dahil sa kaba ko. Ito na yung huling laban ko dahil graduating student na ako. Napapikit na lang din ako pero bigla akong nabuhayan ng loob nang biglang may humawak sa kamay ko.

"Kumapit ka sa kamay ko. Kung kaya ko mas alam kong kakayanin mo. Just believe."

"And our 2nd placer, Mirth Manabat!"

"Sabi ko na nga ba eh! 2nd place ka! Galing galing! Sige na akyat na!" Speechless ako habang paakyat sa stage. I made it. "Whooo! Go Mirth! Sabi ko na sayo eh! Taas kamay ko sayooo!" Sigaw ni Patrick kaya medyo nahihiya ako sa stage.

"Congratulations!"

"Thank you po!"

After ng awarding naghanda na kami para umuwi. Medyo madilim na rin at malayo pa yung uuwian naming lahat.

"Mirth sabay na tayo pauwi. Gabi na rin kasi eh. Bukas na tayo mag-celebrate deal?"

"Sige, gagala tayo pero libre mo foods ah. Btw, congratulations nga pala."

"Asus! Ganun din sayo. Basta bukas kita tayo"

Tumango na lang ako at naglakad na papuntang sakayan. Susunod din naman yan si Patrick. Haay! May magandang balita na naman ako sa bahay. 2nd place is worth to celebrate.

Nakasakay agad kami ng jeep at tama nga siguro yung sabi ng iba na kapag nagmahal ka kahit kahit gaano kahirap isusugal mo. Kahit mali yung love ko sa same sex relationship pinipilit kong pigilan yung sarili ko. I know my limits.

"Mirth malapit na akong bumaba. Ingat ka ah. Text mo ko kapag naka-uwi kana. Kapag uwi mo magpahinga ka tapos kumain." Pinaalalahanan pa ko parang kaya ko naman sarili ko ah.

"Lakas magcare. Pero sige salamat."

Yan yun! Sabi nga niya sa shared post niya sa fb siya yung lalaki na kahit walang kayo, ang lakas magcare sayo. Kaya hindi mahirap ma-inlove sa kanya. Masisisi niyo ba ako kung bakit nainlove ako sa kanya?

"Mirth, bye na. Bukas ah."

"Yup! Ingat ka rin."

Bumaba na siya ng jeep tas bigla akong napangiti. Papatayin yata ako nun sa kilig eh. Ang saya-saya ko kasi akalain mo yun may lalaki pala akong makikilala katulad ni Patrick.

Hindi Na Posible By Christianfinity [COMPLETED]Where stories live. Discover now