Andito ako ngayon sa entrance ng MOA para sa book signing! Kainis di ako ginising ni mommy ayan tuloy hinapon na ko ng gising!
Hinanap ko kung saan pwedeng magpabook signing at meet and greet. Dala dala ko ang backpack ko na puro libro ang laman. Nagtanong tanong ako kung saan kase lulang lula na ko at wala pa kong kain.
"Hi miss san dito pwed----" di ko na natpos ang pagsasalita ko.
"Naku bes! Tapos na. Di ka na umabot." Saka ako tinalikuran.Tinatanong kita te kung saan di ko sinabing aabot pa ko! Bes bes ka pa dyan! Di kita bestfriend!
Nagtanong tanong pa ko kung saan hanggang sa may nagturo sa akin. Dali dali akong tumakbo papunta sa isang hall, stage area.
Heto na malapit na ko!
AT NADAPA AKO!!!!!!
Nakakahiya! Ang daming nakatingin tapos yung iba naguunahan pang magpunta dun! Ano ba yan! Naka sneakers na, lampa pa rin! Tsk.
Nakita ko ang sintas ko na hindi na nakabuhol kaya siguro nadapa rin ako. Habang nagbubuhol ako...
"Miss, ok ka lang?" Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko at di ako makapaniwala!!!
"Kib?" Omgesh! Kahit nakamask ka ang wafu wafu pa din. Hihihihi.Agad naman akong tumayo at nagpapacute na parang tuta. Hihihihi. Ito na to e!
"Kib? Hindi ako si kib." Habang kinakamot ang batok niya.
"Eh sino ka ba?" Napataas bigla ang boses sa kanya kase wala akong panahon ngayon makipaglandian. Tsk.Hinawi ko siya ng konti nang makita kong sarado na ang pintuan ng hall. Madami rin mga fans ang nalumo nang pagsarhan sila ng pinto.
Yung iba umiiyak sa tuwa dahil nakaabot pa sila. Pero ako ngayon, gusto kong maiyak sa inis! Ito ang pinakahinihintay ko tapos ganito! Badtrip!
Tumalikod na ako at gusto ko talagang maiyak sa sobrang pagkadismaya. Sayang yung effort ko. Pati yung malakas na ulan. Great!
Walang gana akong naglalakad palabas ng Mall nang biglang may tumawag sa akin.
"Miss! Miss! Yung cellphone mo!" Si kuya, yung feeling si Kib. Tsk.
"Nahulog mo yung cellphone sa bulsa mo kanina habang nagsisintas ka ata." At inabot ko naman yun sa kanya.
"Salamat." Pilit na ngiti at walang gana. Tumalikod na ko at magsisimula na maglakad papunta parking kung san ako nagpark ng aking kotse.
"Ok lang yan miss, meron pa naman sa isang taon." Tumigil naman ako sa paglalakad at humarap naman sa kanya.
"Bakit nga pala nakamask ka din?" Medyo naiinis ako sa kanya kase akala ko si Kib na siya.
"May ubo kase ako kaya need kong magsuot ng mask ngayon. Don't worry ngayon lang naman to."
Tumalikod na muli ako at nagpunta na ko sa pintuan ng kotse ko.
"Teka." Bubuksan ko na sana ang kotse para makauwi na.
"Mmm." Wala talaga akong gana ngayon makipag usap.
"What is your name?" Medyo nahihiya habang nagkakamot siya sa kanyang batok.
"I'm Markesha Yen. You can call me Shayen." Nginitian ko naman siya.
"I'm Jann Clenz. You can call me Jlenz." Iniabot niya ang kanyang kamay para makipagshake hands sa akin at ganon din naman ako sa kanya.
Nagpaalam na kami sa isa't isa at nagsimula na rin akong magdrive pauwi.
Habang nasa nagmamaneho ako ay aksidenteng may nabangga akong matanda!
Jusko naman! Ayoko pong makulong! Ang malas ko naman ata ngayong araw na to!
Sa sobrang gulat ko ay di agad ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Feeling ko nasa horror story ako yung bigla nalang may masasagasaan ka tapos kapag nilabas mo multo pala! Ang creepy!
Nilabas ko ang cellphone ko para idial ang no. Ni mommy pero...
WALANG SIGNAL!
"Sabi ko na nga ba e! Ganito yung mga nasa horror movie e! Iiwan ko ba siya? Ang sama ko naman kung iiwan ko siya? Ililibing? My gosh! Shayen ano ba! Kakabasa mo yan!" Baliw na ata ako kase kinakausap ko na ang sarili ko!
Di pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko nang tumatayo si lola! Yiks!
KINIKILABUTAN AKO MULA ULO HANGGANG PAA!
Pagtayo ni lola nakahawak siya sa kanyang bewang habang ang isang kamay ay nakatuon sa may harap ng kotse ko.
Sumenyas siya gamit ang isang hintuturo niya na tingin ko ay ang ibig sabihin ay 'lumabas ka dyan'.
Great! Hinanap ko ang bracelet na rosary na binigay sa akin ni mommy sa bag ko saka ko sinuot.
Pagkababa ko ng kotse di ako umalis sa tapat ng pinto para kung sakali... ready to go!
Di naman ganon ka creepy yung itsura ni lola katunayan nga nakakaawa siya pero di ba? Malay mo nagbabalat kayo lang siya.
"Lola sorry po talaga. Di ko po sinasadya. Masyado po akong emosyonal ngayon. Lam nyo na? Mga melenials? Hihi." Habang magkalapat ang mga palad ko at medyo nakangisi na nakangiwi ako sa kanya.
"Hindi mo itinuon ang isip mo sa pagmamaneho mo! Paano kung mamatay ako ngayon dito?" Mahina ang pagkakasabi niya pero ramdam ko yung inis niya sa akin.
"Mamatay po?"
"Aba ay oo! Sa tanda ko ba naman na ito! Mabuti na lang ang patakbo mo ay parang nagpuprusisyon lamang."
"Sorry po talaga. Kung gusto niyo po dalhin ko po kayo sa ospital o kaya bigyan ko po kayo ng pampacheck para bukas." Medyo guminhawa ang dibdib ko ng malaman kong di pala siya multo.
"Hindi na iha. Malungkot ka no?" Napatunghay naman ako sa kanyang sinabi.
"Ay opo lola. Di po kase ako nakaabot sa book signing. Kaya po ganito ako ngayon. Sorry po talaga ah."
"Basta sa susunod magiingat ka. Total e mahilig ka naman sa libro ay may iiaabot ako sa iyo." May hinugot siya mula kanyang shoulder bag na parang pamalengke na isang malaking libro.
Ano naman ito? Pamana?
Iniabot ko naman ito mula sa kanya at nang basahin ko ang cover...
WATTPAD BOOK? Nakakatawa si lola! Sa tanda na niyang yan wattpader din siya? Hahahaha
"Wag kang mag isip ng kung ano dyan. Sayo na yan. Napulot ko lang yan at mukhang mahilig ka naman sa libro. Sa iyo na yan." Nakangiti namang sabi niya.
"Salamat po ha. Teka lang po at kukuha lang po ako ng pera pampacheck up niyo po bukas." Bubuksan ko na sana ang kotse nang pigilan niya ako.
"Wag na iha. Ayos lang ako. Basta sa susunod mag iingat ka ha. Sa daan ang tingin at isip." Tumango tango naman ako nagpaalam na rin sa kanya.
Sasakay na sana ko at pinigilan niya na naman akong muling. Hays.
"Iha, wag mong ihalintulad ang buhay mo sa mga librong nababasa mo. Hayaan mong ang tadhana ang magbigay sa iyo ng tunay na kahulugan ng isang pag ibig." Tumalikod na ito at itinaas ang kanang kamay niya para magpaalam.
Ig: chaychixx
Fb: binibining chaychixx
BINABASA MO ANG
My Wattpad Adventure
Random---- Nang mapunta sa wattpad world, ay nakita ni Markesha ang iba't-ibang eksena sa bawat libro na nabasa niya. Na sya namang ikinatuwa niya at naisip niyang baka isa sa mga fictional characters ang true love niya. Mas gugustuhin ba niyang manatili...