K I N A B U K A S A N
***
"Hihihi! Excited na ko! Hahaha!" Sabay hampas kay Totz na kilig na kilig.
HAHAHAHA! First time to e.
"Oh? E anong balak?" Si Totz habang medyo lumalayo pa sa akin kakahampas ko.
"Di ko nga alam e. Kayo ba ni Alexa? Nag-date na ba kayo?" Na medyo humilig pa ko sa kanya at tiningnan ko siya ma medyo nakayuko.
"Tch." At inirapan ako!
"Ano? Bakit? Magpapatulong nga ako sayo e!" Nakangusong sabi ko.
"Tch! Di ko na nililigawan ko yun!"
"Eh di broken ka na niyan. Aaaaah. Huhuhuhu." Kunwaring pag iyak ko pa.
PLOOOOK!
"Aray! Bakit mo ko binatukan!"
PLOOOOOOOOOK! Mas malakas yung sa akin syempre, gaganti ka nalang laksan mo na!
"Ara-ouch! Mas masakit yung sa akin ah! Uhmp!" At aambaan niya ako ng suntok!
"Sige! Sige! Di lang yan matatamo mo sa akin! Kainis to. Tinatanong ka lang e!" Di naman na siya kumibo. At halata mo sa kanya na medyo malungkot siya. Slight lang naman.
"Tss. E kase naman! Pinaasa lang ako nung tao! May boyfriend na pala, di niya sinasabi sa akin!" Pasigaw niyang sabi sa akin at medyo pinunasan ko pa ang mukha ko kase talsikan ang laway niya! Tch! Kaderder!
"E sino ba naman daw unang nanligaw sa kanya. Ikaw o yung boyfriend niya?"
"A-ako daw. Nito lang daw niya nakilala yung lalaki. Samantalang ako, five months Lams! Five months!" Habang pinapakita niya sa akin ang isang palad niya. "Five months ko siyang niligawan tapos ganon ganon na lang siya? Bwisit!"
"Aba'y may landi ring taglay. Tch! Yaan mo na. Di mo deserve yung mga ganon babae. Di naman maganda kung makainarte! Tch!" At hinawakan ko naman ang balikat niya.
Di naman siya kumibo pero alam kong nasasaktan siya. Kahit naman nag aasaran at nag aaway kami, mahal na mahal ko naman tong payatot na to.
"Baka naman?" Medyo nakahilig ako sa kanya at tumataas taas ang dalawa kong kilay.
Tumingin naman siya sa akin na salubong ang dalawang kilay at nakanguso na medyo may pagtataka.
"Sobra mong takaw kaya ka iniwan?" Lumayo ako sa kanya at binato naman ako ng tru pillow. Nasa salas kami ngayon habang hinihintay si mommy na gumagawa ng cookies.
"Ikaw talaga! Tch! Wala ka talagang pakialam sa akin e!" At umupo ulit siya ng ayos habang tinitingnan ang mga kamay.
"Tigilan mo na nga yang pagmumukmok mo dyan! Di bagay! Di niya deserve ang isang katulad mo."
Kaya pala kaninang umaga wala siya dito para makikain. Tsk tsk tsk. Ganyan ka pala ha kapag nabo-broken.
Maya maya pa ay dumating na si mommy dala ang iba't ibang hugis ng cookies. Pagkalapag niya ng tray ay agad siyang bumalik sa kitchen para kunin ang inumin namin na ice tea.
"Ang sarap naman ninang ng cookies niyo?" Si Totz na medyo lumiwanag na ang mukha niya.
"Wow ha? Nagbago agad ang mood dahil sa pagkain?"
"Tch." Si Totz.
"Sige na. Ikaw na ang kumain ng stocks ko sa taas para kahit papano ay makamove forward ka."
"Talaga? Atsaka anong move forward pinagsasabi mo?" Si Totz habang ngumangatngat ng cookies.
"Mmm. Move forward. Kesa move on. Para sa akin kase kapag magmomove on ka, di lang sa sakit ang kakalimutan mo. Kundi ang lahat lahat sa inyo. Kapag naman move forward, aabante ka lang. Kase kahit baliktarin mo man ang mundo, nasaktan ka na at walang magbabago dun." At uminom naman ako ng iced tea.
BINABASA MO ANG
My Wattpad Adventure
Random---- Nang mapunta sa wattpad world, ay nakita ni Markesha ang iba't-ibang eksena sa bawat libro na nabasa niya. Na sya namang ikinatuwa niya at naisip niyang baka isa sa mga fictional characters ang true love niya. Mas gugustuhin ba niyang manatili...