Chapter 5: Hell University

2 0 0
                                    

K W A R T O

"So are you ready?" Yung tipong tuwang tuwa ako na may halong kilig habang tinatanong ko siya? Pero ayokong pahalata. Hihihihi.

"Ano pa bang magagawa ko?" Inis naman na sabi na niya

"Hihihihi." Bubuksan ko na sana ang libro ng pigilan niya ko.

"Teka, basta yung isang malaking choco bar mo dun sa kabinet atsaka yung isang malaking tsitserya sa akin ha?" Parang bata naman to. Puro pagkain ang nasa isip.

"Oo na. Tch!" Bubuksan ko na sana ang libro ng may dumaan na...

DAGA!!!

"Waaaaaah!!! Daga Totz! Daga!" Nagtatakbo ako paikot sa kwarto at nataranta naman si Totz.

Kumuha ng unan si Totz at yun ang inihahampas niya sa sahig para mahuli ang daga habang patuloy ako sa pagtili at pagtakbo.

Sa kakaikot ko habang tumatakho nahampas niya ang paa ko kaya naman nadapa ako!

Naitapon ko ang libro at bumukas ito ng kanya.

Maya maya pa.

"Ang saket nun Totz ha!" Di nagsalita pa si Totz at sa libro na siya nakatingin at halata mo sa kanyang kabado siya.

Lumiwanag na ang libro at tuluyan na nga kami nilamon ng libro.


Bumagsak kami sa isang parang hallway ba ito? Pero hindi na ito yung parang makalumang panahon. Pero ang creepy ng lugar. Mukhang nasa modern na kami. Tch! Akala ko ba sa I love you since 1892 kami? Badtrip naman oh!

Nakaupo pa rin ako sa may gitna ng hallway at luminga-linga.


Nasan si Totz?

"Pst! Dito ka! Bilis!" Si Totz. Nakatago sa may poste?

Tatayo na sana ako ng bigla na namang bumagsak sa akin ang libro!

"Ikaw libro ka ha! Namumuro ka na sa akin!" Habang winawasiwas ko yung libro.

"Hoy! Anong ginagawa mo pa dyan bilisan mo at magtago ka dito." Pigil at pabulong niyang sabi.

Tumayo naman ako at nagtago sa may gilid ng poste.

"Ano bang ginagawa natin dito?" Pabulong ko namang tanong kay Totz."

Tinuro naman niya ang isang direksyon gamit ang kanyang nguso.

Dalawang babae! Ang isa ay tinututukan ng pako sa may kanyang leeg?

Sa pagkakaalam ko nasa Hell University by Kib a.k.a. Knight in Black kami ngayon?

Eto yung eksenang binabantaan ni Nicol Colt si Zein Shion. Tch! Bakit dito kami napunta e puro patayan dito!

"Handa ka na bang mamatay?" Si Nicol. Yung tumutok ng pako sa leeg ni Zein. Sa pagkakaalam ko, ang pakong yun ay may lason. Scary!

"Mapangahas ka. Anong akala mo sa akin? Maiisahan mo? Hindi mo pa talaga ako kilala. Madami na kong napatay, gusto mong sumama?" My gosh! Baka kapag nakita kami nito, kami naman ang tutukan ng pako!

Si Totz naman mukhang nag eenjoy sa panunuod. Abnoy talaga ito!

"Hoy Totz! Uwi na tayo! Hell university ito. Puro patayan." Bulong ko pa sa kanya.

"Eh di mas exciting!" Kainis naman tong abnormal na ito! Tch!

"Baka mapahamak tayo!"

"Ginusto mo ito e."

My Wattpad AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon