"Hello sweetie! How's the book signing? Teka, mukhang malungkot ka ata ah?" Di ko siya pinansin at ibinagsak ko ang katawan ko sa sofa.
"Di po ako nakaabot."
Gusto kong maiyak. Oo ang oa pero di ba? Tss.
"Ok lang yan. Meron pa naman sa isang taon e. Sige na magbihis ka na at kumain na tayo."
Umakyat na rin ako sa taas papuntang kwarto ko at inihagis sa table ko ang makapal na librong binigay sa akin ni lola.
Dahan dahan akong napalingon sa aking table ng makita kong...
NABAGSAKAN ANG LAPTOP KO!
Naku naman! Ang tanga tanga mo talaga Shayen!
Agad ko naman tiningnan ang laptop ko kung nabasag ang screen.
"Hays! Thank you Lord maayos pa siya!" At niyakap yakap ko siya na parang baby. Hihihi.
Pagkatapos kong maglinis ng katawa at magbihis ng pambahay ay bumababa na ko para kumain.
"No ginagawa mo dito?" Inis na tanong ko sa bestfriend ko.
Tss patay gutom talaga to. Mas nauna pang kumain kesa sa akin.
"Wala nakikain lang hehehe."
Siya si Kenly Willand Gomez a.k.a. Totz. Bestfriend/kababata/inaanak ni mommy. Totz tawag ko sa kanya kase payatot siya. Hahahaha. Isang ihip lang ng hangin pwede na siyang tangayin. Pero sobrang takaw niya. As in! Akala mo may buwaya lage sa tiyan!
"Yaan mo na anak. Ang payat payat na nga nitong inaanak ko e." Si mommy.
"Pft." Gusto kong tumawa ng malakas. Hahahaha.
"Ninang naman."
"Nagba-vitamins ka ba anak?" Gusto kong tumawa sa tanong niyang yun kay Totz.
"Ninang naman. Wag niyo naman po akong pagkaisahan. Hoy Lams! Alam kong tawang tawa ka na dyan! Ilabas mo na yan!" Habang dinuduro pa niya ko. Lams tawag niya sa akin kase lampa daw ako.
"HAHAHAHHAHAHA."
"Umupo ka na dyan Shayen at kumain ka na rin." Si mommy.
"Kamusta naman ang pagpunta mo sa book signing?" Si Totz.
"Hindi nga nakaabot." Malungkot kong sabi habang pinaglalaruan ko ang aking pagkain.
"Wag ka na kase umasa. Masasaktan ka lang."
"Wow ha! Yung panliligaw mo ba kay Alexa pinakialaman ko ba? Tss. Oo nasaktan na ko! Bukod sa di ako nakaabot, e nadapa pa ko!" Inis na sabi ko sa kanya.
Nagtinginan naman sina mommy at Totz sa isa't isa.
HAHAHAHAHAHAHHAHA!!!!
Isang malakas na tawanan ang inilabas nila. Nakakainis!
"Alam mo, kahit kelan lampa ka talaga! Hahahaha" Si Totz.
"Alam mo, kahit kelan payatot ka!" Inis namang sigaw ko sa kanya.
Kunwari ko naman babatuhin siya ng kutsara sa sobrang inis ko sa kanya. Oo! Lampa talaga ako! Ewan ko ba kung bakit?
"Oopps! Sweetie. Enough ok? Tapusin niyo na yang pagkain na yan at matulog na kayo maya maya." Tumalikod naman si mommy at medyo natatawa pa si Totz.
Pagkatapos naman namin kumain ay umakyat na ko sa taas at sumunod naman si Totz sa aking kwarto. Oo di magandang tingnan na pumapasok siya sa kwarto ko at pumapasok din ako sa kwarto niya. Pero wala na sa amin yun. Atsaka kilala ko si Totz. Kahit pa mapang asar yan at matakaw ay alam ko naman may respeto siya sa akin.
"Hoy! Lams kwento ka naman kung anong nangyari kanina." Si Totz at nakita naman niya yung ibang stocks ko sa kabinet na mga malalaking tsitserya at mga chocolates.
"Hoy! Wag mong pakialaman yan ha! Ikaw na naman ang makakaubos nyan." Tinapik ko naman ang kamay niya at kumuha pa rin siya ng isang chocolate.
Tss. Katatapos lang kumain e!
Isa din yan sa dahilan kung bakit siya umaakyat sa kwarto ko. Para makakuha ng pagkain. Tch. Patay gutom talaga!
"So ano nga nangyari? Atsaka san mo nakuha yang libro yan? Luma pero Wattpad ang nakalagay? Weird." Habang kumakagat siya sa kanyang chocolate.
Ikinewento ko lahat ng nangyari sa kanya at nagulat naman siya sa isang araw na kamalasan ko.
"Buti nalang talaga at di mo napatay yung matanda nako ka! Di kita kikilalaning kinakapatid/bestfriend."
"Ikaw talaga kahit kelan ang sama ng ugali mo! Di mo nga ako sinamahan e! Ikaw patayin ko dyan e." Hinampas ko naman siya sa braso.
"Nabasa mo na ba ito?" Binuhat naman niya yung libro. "Ang bigat ah." Dugtong niya.
"Hindi pa. Siguro bukas nalang. Pagod ako e."
"Tingnan natin." Bubuksan na niya sana.
"Teka! Ako muna bibinyag! Akin to e! Maghintay ka!" Inagaw ko naman sa kanya ang libro.
"Ang damot mo naman para titingnan lang e." Inagaw naman niya ulit ang libro.
"Akin na sabi!" Hinihila namin pabalik balik ang libro. Nakakainis naman kase to mokong na to!
"Baka masira----!!!" Nabagsak namin ang libro na nakabukas!
Maliwanag ang libro. Ano to? Yung parang nasa goosebumps? Pagbukas ng libro lalabas ang mga monsters? Ikennat!
"S-shayen! N-naglalaho ako!" Unti unting nawawala ang kanyang mga kamay.
Tiningnan ko ang sa akin at ganon din ang sa akin!
Ano ba ito!?
"T-totz yung sa akin din." Mangiyak ngiyak na sabi ko.
Nagtinginan kami sa isa't isa at nagsimula na kaming...
"WAAAAAAHHHHHAAA!!!!!!" Sigaw namin.
"MAMEEEEEEE!!!!!" Si Totz.
Hanggang sa kinain na kami ng liwanag at di na namin alam kung anong sunod na mangyayari.
Ig: chaychixx
Fb: binibining chaychixx
BINABASA MO ANG
My Wattpad Adventure
Random---- Nang mapunta sa wattpad world, ay nakita ni Markesha ang iba't-ibang eksena sa bawat libro na nabasa niya. Na sya namang ikinatuwa niya at naisip niyang baka isa sa mga fictional characters ang true love niya. Mas gugustuhin ba niyang manatili...