Sobrang liwanag na nakakasilaw! Nang biglang...
BLOOOOOOOOOOOOOGSH!!!
Nalaglag ako at biglang nadapa na naman! Hayst.
Nakita ko si Totz na nakatayo na habang ako ay nakadapa pa lupa.
"Pft. Tumayo ka nga dyan! Ang lampa lampa!" Gusto niyang matawa at inalalayan naman niya ko para makatayo.
"Ikaw talaga! Muntikan na nga ang nguso ko masubsob sa lupa! Atsaka teka, nasan na ba tayo?" Nilinga linga ko ang paligid at mukhang nasa isang probinsya kami.
Parang nasa sinaunang panahon kami!
Ano to? Anong trip to ha? Wattpad?
"Ang ganda naman dito. Atsaka ang luluma pa ng mga bahayan o." Tinuro niya ang isang mansion na parang nasa spanish era kami.
Omyg! Don't tell me...
Nasa spanish era kami? Pero anong kwento to?
Hala! Kinakabahan ako baka mamaya habulin kami ng mga guardia civil! Dahil sa mga suot namin na...
Tch. Pj's at tshirt na malaki. Great!
Ang kay Totz naman ay tokong atsaka Tshirt na gray at nakatsinelas lamang siya. Hmp! Masama to!
May paparating na mga kalesa kaya hihilahin sana ako ni Totz para magtago pero may bumagsak sa ulo ko...
Yung libro!
Dali dali ko naman kinuha ang libro at nagtago kami sa mga halamanan.
"Bakit ba lage nalang ako ang napapahamahak! Bakit hindi naman ikaw!" Pabulong kong sabi sa kanya at hinampas ko sa ulo niya yung libro.
"Ara-ouch!" Pinaghalong aray at ouch po yun. Hehehe. "Kasalanan ko bang nasa sayo lahat ng malas. Tch!" Habang hinihimas niya ang kanyang ulo.
Nasa labas kami ng mansion, siguro isang hacienda ito at nagtatago kami ngayon sa mga halamanan. May tumigil na mga kalesa sa harap ng isang malaking mansion. Ang ganda niya sobra! Kaso creepy baka mamaya may multo dyan. O di kaya naman sila na ang mga multo! Yikes!
At may nakaabang din na di ko alam kung siguro mag asawa sila? Di naman ganon katandaan pero kung mapapansin ko ay ang bongga bongga ng kanilang mga suot. Labet!
"Carmelita anak!" Wika ng isang ale na papalapit dun sa babaeng ang ganda! May kasama siya dalawang madre. Yung isang madre ay medyo may kabataan pa pero yung isa namang madre ay may edad na.
Teka? Carmelita? Ibig sabihin nasa I Love You Since 1892 kami? Omyg! Omyg!
Niyakap nung sa tingin ko ay mag asawa ang dalawang dalaga.
"Ang pinakamamahal naming bunso." Sabi nung matandang lalaki na may mahabang bigote.
"Hi." Siguro si Carmela ito. Yung napunta din siya sa kwento na to. Hahaha. Exciting!
"Pft." Si Totz.
"O? Anong nakakatawa?"
"Narinig mo yung sinabi nung Carmelita? Hi daw? E sa pagkakaalam ko di pa sila marunong mag ingles dito. Hahahaha. Weird." Pabulong at pigil na tawa niya.
"Tuleg!" Binatukan ko naman siya. "Napunta din lamang siya sa taon na 1892! Ang pamagat ng kwento na ito ay I Love You Since 1892 by Binibining mia o Undeniably Gorgeous sa Wattpad. Eto ang iniiyakan ko dati yung kiniwento ko sayo nun!" Pasigaw pero pabulong na sabi ko sa kanya.
"Ah yung mukha kang tanga nun habang nagkekwento ka? Hahahaha."
"Ewan ko sayo."
Habang pinanunuod pa namin ang mga sumunod na eksena at habang pigil na pigil rin ang tawa ni Totz kay Carmela ay may naisip akong bright, bright idea!
Hahanapin ko ang Juanito ko! Baka chance ko na ito para magkalove life! Kahit dito na ko forever!
Pagapang akong lumalayo sa may halamanan para di ako makita ng mga Montecarlos.
"Psst. Lams! Saan ka pupunta?" Pabulong pa rin niyang tawag sa akin.
Umupo naman ako sandali. "Eto na ang panahon para mahanap ko ang prince charming ko! Si Juanito! Yung kapartner niyan!" Sabay turo ko kay Carmela.
"Aba at hanggang dito ba naman manunulot ka? Di kayo bagay nun."
Lumapit ulit ako sa kanya susuntukin.
"Ikaw gugustuhin? Yang kilos mong yan? Di pang Maria Clara! Daig mo pang lalaki." Medyo lumayo sa akin. Hehehe.
"Ikaw! Wag ka sanang sagutin ni Alexa!"
"Ang sama mo! O sige na! Hanapin na natin ang Juanito niya!"
"Ko!"
"Niya! Walang sayo! Wag assuming."
"Tch!"
Nakapasok na rin naman ang pamilya Montecarlos at tumayo na rin kami para maglakad. May nakita kaming guardia civil di ko lang alam kung nakita kami pero tumakbo pa rin kami ng mabilis.
Habang tumatakbo kami ay nakatingin naman ako sa may likuran pero wala naman palang humahabol sa amin. Advance mag isip!
"T-totz! Wala naman h-humahabol sa atin e." Patuloy pa rin kami sa pagtakbo at hingal na hingal na kami.
"Ay wala ba?" Tumigil naman sya at ganon din naman ako.
Habang nakatigil kami at hinihingal pa ay may narinig kaming isang malakas na putok!
Sa sobrang taranta namin ay tumakbo ulit kami at...
NADAPA NA NAMAN AKO!!!
Natapon ko ang libro at nakabukas na ito.
"Felices Fiestas!" Sigawan ng mga tao sa may simbahan ba yun?
Malapit na pala kami sa may simbahan baka nandito na din si Juanito ko!
"Akala ko pa naman pinaputukan na tayo ng mga guardia civil. Pyestahan lang pala. Bilisan na natin Totz baka nandyan na si Juanito." At tinuro ko ang simbahan.
Kukunin ko na sana ang libro pero lumiwanag na naman ito ng sobra. At tuluyan na rin kaming nilamon ng liwanag.
Credits:
I Love You Since 1892 by: Undeniably Gorgeous
https://www.wattpad.com/story/73769535?utm_medium=link&utm_source=android&utm_content=share_reading
Ig: chaychixx
Fb: binibining chaychix
BINABASA MO ANG
My Wattpad Adventure
Random---- Nang mapunta sa wattpad world, ay nakita ni Markesha ang iba't-ibang eksena sa bawat libro na nabasa niya. Na sya namang ikinatuwa niya at naisip niyang baka isa sa mga fictional characters ang true love niya. Mas gugustuhin ba niyang manatili...