Chapter 4

1 0 0
                                    

Ibinagsak na naman kami ng libro pero dito na sa kwarto ko.

Nakadapa ako sa sahig habang si Totz naman ay sa higaan ko naman nakadapa.

"Namimili talaga tong libro na to! Lage nalang akong sinasaktan!"

"Lampa ka kase!" Nakaupo siya sa higaan ko. "Ara-ouch!"

Sa kanya naman bumagsak ang libro. Hahahaha.

"Tch! Kailangan ba talaga to libro na ito may dapat bagsakan! Nakakapikon na ah." Inayos naman niya damit at shorts para tumayo na.

"Uuwi na ko. Yung mga nangyari sa atin ngayon gabi kalimutan mo na yun. Wag mo nang ulitin yan baka ikapahamak mo pa." Maglalakad na siya papunta sa pinto.

"Pero Totz please. Balik tayo next time dito sa libro. Di ka ba nag enjoy?"

"Hindi! At kahit kelan di ako mag eenjoy sa mga kabaliwang mong yan! Tigilan mo na yan!" Naiinis na siya. Tch!

"Kahit pa? Kainin mo lahat yang stocks ko?" Hehehe. Alam kong bibigay ka.

"Tch! O sige na! Pero isa lang ha! Sige na bukas na ulit. Matulog ka na!" Hinalikan naman niya ko sa noo pero bago pa siya makalabas ay kumuha naman siya ulit ng isang bar ng chocolates.

"Akin nalang ito ha!" Sabay sara ng pinto at binato ko naman ang tsinelas ko.

"Ikaw talagaaaaa!!!" Sinilip ko siya sa may hallway pababa ng hagdan habang tumatakbo at humalik din siya kay mommy bago pa umalis.

"Madapa ka sana!" Pahabol ko pa.

"Di ako kaseng lampa mo! Bye!" Sabay takbo palabas ng bahay.

Ganyan kami. Minsan sweet, minsan para kaming nasa gyera. Walang malisya yung paghalik niya noo ko kase way lang niya yun kung paano niya akong itratong parang kapatid na babae. Wala kase kaming kapatid kaya kami lang ang magkasangga at magkakampi sa buhay.


Masarap magkaroon ng boy bestfriend kung ituturing mo lang siyang kapatid, kakampi o kaaway. Di yung maiinlove ka! Wag ganon! Sa mga stories lang yun ok?

Pumasok na ko sa loob ng kwarto ko at humiga. Pinagmamasdan ko ang librong ito ngayon at iniisip ko ang mga prince charming ko. Hayst! Excited na ko makasama ka Juanito.

Nagkutingting muna ako sa aking cellphone bago matulog. Pampatulog ba. Wala naman akong pasok kinabukasan e.

Actually, di ako tapos ng college. Di kinaya ng brains ko lam mu yun? Si Totz naman ay pumapasok I.T. ang course niya. Nagpagawa si mommy ng isang coffee shop malapit sa school na pinapasukan ni Totz. Para naman daw may little business manlang daw ako at matuto daw akong kumita ng sariling pera wag daw puro asa. Sinunod ko naman siya kase di ko manlang siya mabigyan ng regalo. Ang pinaka magandang regalo para sa mga magulang ay diploma.

Si daddy naman ay nasa Subic dahil may business din kami dun. May resort kami dun na pagmamay ari ni lola na siya ipinamana kay daddy. Every 1 month siya umuuwi dito para bisitahin kami.

Di ko namalayan ay nakatulog na pala ako kakacellphone.

K I N A B U K A S A N

"Good morning!" Ganda ng gising ko! Sana wag lang sirain ni Totz. Siya lang naman sumisira ng araw ko e.

Tumayo ako at nakita ko ang sarili sa salamin.

"Good morning pretty babe!" Sabay kindat. Hahahaha. Oo baliw na po ako. Char!

Sana one day si Juanito ang maggo-good morning sa akin. Yieeee...

"Mas maganda ka pa sa araw Binibining Markesha Yen. Ayiee..!" Hayst sarap! Habang nakatingin pa rin ako sa salamin.

My Wattpad AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon