Chapter 2

1K 122 229
                                    

"Hi Miss Heaven. Ang ganda naman ng pangalan mo, bagay na bagay ka sa akin este sa iyo pala. Oo nga po pala, nasa akin ang ID mo. If you want it back, meet me at the Love Coffee Shop tomorrow, 7pm sharp." 

Sobrang saya ni Heaven dahil finally ay may sinagot na agad ang panalangin niya. She immediately checked Gregory's I-Face account. Hindi niya alam pero napangiti agad siya noong nakita niyang may itsura ang nakapulot ng kanyang ID. 

Although, alam din naman niya na hindi dapat agad-agad na magtiwala sa strangers. Lalo na sa mga nakikilala mo lang online, kaya kahit naga-gwapuhan siya dito ay tinarayan niya ito ng kauntian. 

"Thank you, pero kailangan kong makasiguro kung totoo ngang nasa iyo ang ID ko. Can you take a picture of it as a proof?" 

Agad-agad namang nag-send ng selfie si Gregory habang hawak-hawak niya ang ID ni Heaven. Nakangiti ito ng sobra. 

"Okay, thank you! I'll meet you tomorrow, 7 pm sa Love Coffee Shop. Buti na lang at 6pm ang tapos ko sa work. Thank you ulit ah?" 

"Hala, ang sungit mo naman ah! Hindi man lang sinagot yung mga sinabi ko. Bahala ka dyan, hindi ko ibabalik sa iyo ang ID mo."   

"Hala, bakit mo naman biglang binawi eh ibibigay mo naman na sa akin bukas diba? Iyon ang sabi mo ah! Ano bang dapat kong isagot?"

"Dapat sinasagot mo na ako. Haha, joke lang ulit! Sige na nga, ibabalik ko na sa'yo yung ID mo, alam ko naman na kailagan na kailangan mo iyon eh. Good night!" 

"Hala bakit? Nanligaw ka ba sa akin? Haha, joke! Sige na, bukas na lang sa Love Coffee Shop, 7pm! Thank you." 

"Bakit? Kung manligaw ba ako eh sasagutin mo ako? Naku, sa ganda mong iyan eh hindi na ako magtatangkang manligaw! Alam kong madami akong kalaban eh."

Hindi na pinansin ni Heaven ang last message ni Gregory sa kanya. Ang importante ay makukuha na niya ang kanyang ID pabalik bukas. Iyon nga lang, gabi pa niya makukuha and by that, temporary ID na naman ang kanyang susuotin bukas.  

Nagsulat na lang siya sa kanyang laptop at pinatay niya din ang kanyang WiFi. Para kasi sa kanya, kung online ka habang nagsusulat ay wala ka ng productive na magagawa. You'll just be distracted by social media. 

Kinabukasan, pagkagising ni Heaven ay nakangiti siyang lumabas sa kanyang kwarto. Ang nanay niya ay abala na hinahanda ang kanyang umagahan, kahit 5:30 am pa lang.   

"Ma, ako na po dyan. Ano ka ba? Malaki na ako pero pinaghahanda mo pa din ako ng umagahan. Matulog ka na ulit Mama. Okay lang kahit kumain akong mag-isa," sabi ni Heaven 

"Naku, ano ka ba naman? Lagi ko namang ginagawa sa iyo ito ah. Saka anak, gusto ko na lagi kitang kasabay kaya maaga din akong magising. Gusto ko ay nakikita kitang umaalis ng bahay bago ako matulog ulit. Hayaan mo na ako sa hiling ko, alam mo naman na natanda na ako eh," sabi ng nanay ni Heaven 

"You really love me that much, Mama ano? Sana umuwi na si Papa para makita niya ang lahat ng ito. I really miss him na," sagot ni Heaven 

"Huwag mo na ngang alalahanin ang tatay mo. Baka mamaya eh umiyak pa tayo habang kumakain," sabi ng nanay ni Heaven 

"Oo nga, sige na. Kumain na tayo at baka ma-late na naman ako sa trabaho. Alam mo ba Mama, nahulog sa kalsada yung ID ko? Buti na lang at may nakakita. Ibabalik na lang sa akin mamaya," sabi nj Heaven 

"Aba, mag-ingat ka sa ganoon anak ha? Baka kunwari lang iyon sa iyo," sabi ng nanay ni Heaven pagkatapos ay sumubo ng kanin at ulam 

"Naisip ko na din iyan, Mama. Syempre, sinugarado ko muna kung na sakanya ba talaga ang ID ko. Pinicturan muna niya para may patunay siya," sagot ni Heaven 

Pagkatapos kumain ay naligo na si Heaven at nagbihis. Bago siya umalis ng bahay ay hinalikan niya muna ang kanyang nanay. 

"Alis na po ko, Mama."   

"Sige anak, walang problema. Mag-iingat ka sa byahe. See you later," sagot ng nanay ni Heaven 

Mabilis na nakakuha ng jeep si Heaven kaya masaya siya na hindi siya late ngayon. Kaso lang, naiisip pa din niyang wala  sa kanya ang ID niya. 

Pagkababa ng tricycle ay inayos niya ang sarili. Huminga ng malalim saka ngumiti, kahit alam niyang kukuha pa din siya ng temporary ID para pumasok ay okay lang. At least, alam na niya kung nakanino ang ID niya. 

"Manong Guard ha, wala ulit akong ID ngayon pero bukas ay meron na. Good morning po, at least ay hindi ako late!" bati ni Heaven   

"Good morning Ma'am, sige po magbayad na lang kayo ng fifty pesos kay Miss Annadel," sagot naman ni Manong Guard

Kaya agad siyang pumunta kay Miss Annadel para kumuha ng temporary ID. She greeted her nicely dahil maganda ang umaga niya. Binalik naman ni Miss Annadel ang bati. 

"Bakit wala ka pang ID today? This is very unusual of you ha," sabi ni Miss Annadel sabay tawa ng mahina 

"Nahulog ko po kasi sa kalsada. Buti na lang nga at may nakakuha kaya kukunin ko po sa kanya iyon pagkatapos ng work," sagot ni Heaven 

"Ah, ganoon ba? Buti na lang at may nakakuha ano? Sige, ito na ang temporary ID mo. Enjoy the day," sagot ni Miss Annadel 

"Enjoy the day din po, mauna na ako sa loob," sagot ni Heaven sabay takbo papunta sa second floor 

Pumasok siya sa kanyang trabaho while humming. Halatang okay na okay ang simula ng araw niya, kahit nga yung mga katrabaho at boss niya ay namangha rin. 

"Oh, girl. Hindi ba't badtrip ka kahapon at hindi mo nadala ang ID mo? Where is it? Nahanap mo na ba?" tanong ni Hunter sa kanya 

"Hmm, hindi pa. Temporary ID pa rin nga ako ngayon eh pero after work later ay makukuha ko na iyon," sabi ni Heaven 

"Bakit pa mamaya? Wala ba sa inyo? Hindi ba sabi mo sa akin kahapon ay doon mo naiwan iyon?" sunud-sunod na tanong ni Hunter

"Eh girl, wala pala kasi sa bahay. Nahulog ko pala sa kalsada kahapon nung papasok na ako dito sa office, nagmamadali kasi ako eh. Buti na lang ay may nakapulot kaya kukunin ko mamaya sa kanya," sabi ni Heaven 

"Aba girl, umayos ka dyan at baka mamaya ay modus iyan. Nasa kanya naman ba talaga ang ID mo?" sagot ni Hunter 

"Haynaku, parehas kayo ng iniisip ni Mama. Oo naman, I already checked kung nasa kanya ba talaga at napatunayan naman niya kagabi kaya okay ako sa kanya," sabi ni Heaven 

"Babae ba o lalaki yung nakakuha? Gusto mo girl, samahan kita kung saan kayo magkikita para ma-check talaga natin kung positive iyan?" sabi ni Hunter 

"Lalaki ang nakakuha pero huwag mo  na ko samahan. Makakaabala pa ako sa iyo girl. At saka, hindi na ako bata ano. Kaya ko naman na ang sarili ko," sagot ni Heaven 

"Kaya naman pala ayaw mo akong pasamahin sa iyo eh, lalaki kasi ang nakakuha ng ID mo. Eh teka, yummy naman ba iyan?" sabi ni Hunter 

"Ikaw talaga, kung anu-anong sinasabi mo. Siguro kaya Hunter ang name mo kasi puro ka hunt ng gwapong boys ano? Magtrabaho na lang tayo. Baka mamaya eh makita tayo ni boss na naghuhuntahan, patay tayo," sabi ni Heaven 

Pagkatapos noon ay bumalik na nga silang trabaho. Mabilis naman natapos ang araw, madami kasing ginawa si Heaven kaya natapos agad ang araw para sa kanya. 

"Bye girl, bukas na lang ulit. Update mo ako kung anong nangyari sa pagkikita niyo nung nakakuha ng ID mo. Naku, sana naman ay gwapo para sulit ang punta mo," sabi ni Hunter sabay hagikhik 

"Oo naman, i-uupdate kita no. Sige na, pupunta na ako sa Love Coffe Shop, doon daw kami magkikita eh. Bye girl, goodluck sa traffic! Ingat ka sa byahe ah?" sabi ni Heaven 

"Naku, ikaw ang good luck sa lalaki na iyan. Sige na momsh, uwi na ako. Diyos ko, baka maabutan pa ako ng traffic," sabi ni Hunter sabay beso kay Heaven 

Natatawa na lang si Heaven sa pinagsasabi ni Hunter sa kanya. Well, totoo naman eh. May itsura naman si Greg kung tutuusin pero alam niya din naman na kapag may itsura eh marami siyang makakaagaw kaya shut up na lang siya. 

Naku, bakit naman kasi iyon ang iniisip ko? Yung ID ko lang naman ang habol ko sa kanya eh. For sure, pagkatapos namin dito eh we will never meet again.

The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon