Chapter 29

157 29 1
                                    

Author's Note: Look Back by SkrappyKoko sa taas. Enjoy listening!

Ilang minuto lang ang nakalipas noong sinasabi niya iyon ay may nagsalita na sa likod niya. Nakita niya si Greg, kasama ang isang babaeng naka-upo sa wheelchair at may hospital mask ito.

"Nandito na kami, sorry we're late," sabi ni Greg

"Oh, sayang! Tapos na ang una nilang kanta. Hindi niyo naabutan. Teka nga pala, sino siya Greg?" sabi ni Heaven sabay tingin kay Angel

"Ah, si Angel ito. Ex-girlfriend ko na naging kaibigan ko na. Kaya siya nandito kasi gusto ka niyang makilala," sabi ni Greg

"Ah, ganoon ba? Hello, ako nga pala si Heaven," sagot niya

Noong malaman niya na ex-girlfriend iyon ni Greg ay hindi niya malaman kung ano ang magiging reaksyon niya. Ayos lang ba iyon sa kanya o maiinis siya dahil hindi man lang niya iyon nalaman kay Greg eh two months na sila.

"Oo, I know you. Pasensya ka na ha, ilang beses ko na kasing kinukulit si Greg na ipakilala niya ako sa iyo habang buhay pa ako kaso ayaw naman niya, kaya ngayon mo lang ako nakita," sabi ni Angel

"Ah, oo. Hindi ko siya pinakilala noon kasi para sa akin, hindi naman na importante ang nakaraan. Ang mahalaga ay ang ngayon, kaso makulit siya eh kaya pinakilala ko na siya sa iyo," sagot ni Greg

"Buti na lang at nakulit ko siya. Isa pa, mamamatay na din naman na ako so iyon na ang last wish ko from him. Ang ipakilala ka niya sa akin," sabi ni Angel

"Loko ka talaga, anong mamamatay ka dyan? Hindi ka mawawala, gagaling ka pa eh. Mamasyal pa nga tayo ni Heaven eh.  Diba, babybu?" sabi ni Greg

"Oo, mamamasyal pa tayo. Teka, ano nga ba ang sakit niya?" tanong ni Heaven

"Naku, hindi pa malaman eh. Ang alam ko lang, may bacteria na kumakain sa cells ko sa katawan kaya ako pumapayat at mamamatay na," sabi ni Angel

Dahil sa sinabing iyon ni Heaven ay medyo nalungkot siya at na-guilty na rin dahil sa kanyang iniisip. Hindi na lang siya nagsalita ulit at tumingin na lang sa bandang SkrappyKoko.

"For our next song, ito ang Look Back," sabi ni Keiv

The things we end in summer and the way we end our fear
Looking at this places that I used to kiss your tears

Can we just go back to the moment that our lives at its best.
Doing everything we want
Our greatest achievement

"Oh, paborito mo din pala ang SkrappyKoko? Naku, kaya naman pala nagustuhan ka ni Greg eh. Nasa sa iyo ang isang quality na wala sa iba," sabi ni Angel habang nakikinig sila sa banda

"Oo, hilig ko talaga sila. Madalas kasi, hindi ganitong genre ang in ngayon sa tao. Lalo na sa younger generation, para sa kanila ay maingay na ang ganitong mga kanta," sagot naman ni Heaven

"Oo nga, hindi na nila na-aappreciate ang mga ganitong genre at artists dahil sa kung anu-anong lumalabas na kanta. Mga bastos naman pero tinatanggap pa din nila," sagot naman ni Angel

Dahil sa pag-uusap na iyon, napa-isip si Heaven bigla. Paano na lang kung nagustuhan lang pala siya ni Greg dahil nakikita nito si Angel sa kanya? All this time pala, kapag magkasama sila ay possible na iyon ang nangyayari. Hindi tuloy niya maiwasang hindi magselos.

Don't tell me that i'll be okay
Don't tell me it's just temporary
All this pain, all this hurt
Now, I can't breath with ghost of you
And memories, now i know that you'll leave

You want to end this romance
And I don't want to let you go
Faking all this sequence
That i thought its all sincere

You told be that i'll be okay
You told me its just temporary
All this pain, all this hurt

"Konti na lang, mawawala na ang lahat ng sakit. Alam mo Heaven, masaya ako kasi sa huling sandali ko ay nakapunta ulit ako dito. Nakapakinig ako sa huling pagkakataon at nakilala kita. Alagaan mo si Greg ha? Ikaw na ang gumawa sa mga bagay na hindi ko nagawa," sabi ni Angel

"Uy, grabe ka naman! Hindi naman siguro, makakasama ka pa namin nang matagal. Okay? Huwag ka mag-iisip ng ganyan ha?" sabi ni Heaven

Kahit naman kasi nagseselos siya, hindi niya naman gugustuhin na mawala si Angel. Isa pa, awang-awa siya dito dahil nakita niyang hirap na ito pero sinusubukan pa din ngumiti kahit papaano.

"Parehas talaga kayo ng boyfriend mo, pinaniniwala niyo pa rin ang sarili niyo na gagaling pa ako eh ako nga hindi na naniniwala eh," sabi ni Angel

"Eh basta, huwag mo sabihin iyon," sabi ni Heaven

 "Maraming salamat po ulit sa pagpunta. Kami ulit ang bandang SkrappyKoko. Sana'y makinig ulit kayo sa amin sa susunod," sabi ni Kiev

Pagkatapos noon ay nagpalakpakan na ang mga tao. Pagkababa nila sa stage ay nagpa-picture na ang mga tao sa kanila. Gusto man na maki-gulo ni Heaven ay hindi na niya magawa dahil gusto na lang niyang umuwi.

"Sige na, magpa-picture ka na kina Kiev Dy, diba gusto mo na may remembrance ka sa bawat banda na pupuntahan natin?" sabi ni Greg

"Eh ayaw ko, ang daming tao eh. Ayaw ko naman makipagsiksikan sa kanila. Doon na lang ako magpapa-picture sa tarpaulin nila sa labas," sabi naman ni Heaven

Doon ay nagtaka na si Greg, dati naman ay sobrang excited si Heaven sa bawat pagtatapos ng mga bandang sinusuportahan nila pero iba ngayon ang pinapakita ng girlfriend niya sa kanya. Hindi niya malaman kung nagseselos na ba ito o ano.

"Eh? Bakit ayaw mo? Dati naman--" hindi na natapos si Greg sa kanyang sasabihin dahil sumagot agad si Heaven sa kanya

"Pagod na ako eh, ipahatid mo na lang ako kay Hunter, tapos ihatid mo na pabalik si Angel sa ospital," sabi ni Heaven

"Sigurado ka? Sumabay ka na sa akin, mabilis lang naman nating ihahatid pagbalik sa ospital si Angel eh," sabi ni Greg

"Oo nga, saka makakapagkwentuhan pa tayo sa byahe kung sakali. Madami pa akong gustong malaman sa iyo eh, pwede ba?" sagot naman ni Angel

Wala nang nasabi pa si Heaven, sumakay na lang siya sa kotse. Ganoon din si Angel at Greg. Naiwan naman si Hunter doon sa kotse niya. Umaatungal nga, kapag single daw talaga ay no choice kundi mag-isang uuwi.

Pero ang totoo, kaya sumama si Heaven kina Angel at Greg ay dahil ayaw niyang mapansin ni Greg na nagseselos siya dahil sa pag-iwas nito kay Angel. Muntik na nga kanina eh, sana ay hindi siya masyadong nahalata nito.

The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon