Chapter 6

409 81 137
                                    

Pagkatapos kumanta nina Greg at Heaven ay humingi pa ang crowd ng isa pa pero hindi na pumayag si Heaven dahil nahihiya na siya. For the first time, may mga nakarinig ng boses niya.

"Kung ayaw niyo na kumanta, pwede bang makahingi na lang kami ng isang yakap dyan? Greg, yakapin mo na! Pwede naman diba Heaven?" hirit ni Kio sa kanila

"Pwede naman." sagot ni Heaven sabay ngiti sa crowd

"Sure ka?" tanong ni Greg pero bulong lang

"Oo, sure ako. Sinabi sa akin ni Hunter na pumasok na si Save dito." bulong na sagot ni Heaven kay Greg

Niyakap tuloy ni Greg si Heaven, kita iyon ng buong crowd. Kita iyon ni Save, lalo siyang nainis sa kanyang sarili. Wala siyang magawa, nakatunganga lang siya sa stage. Hinintay niya na lang makababa yung dalawa.

"Ang galing mo naman pala kumanta eh, bakit hindi mo pa pinagbigyan na kumanta pa tayo ng isa pa? Talo mo kaya ako, grabe ka kanina eh." sabi ni Greg pagbaba nila ng stage

"Eh ayaw ko na ano, ang init na ng mga tingin nila sa akin. At saka, hindi ako magaling. Huwag kang bolero dyan! Pumunta na nga tayo sa upuan--" hindi na natapos ni Heaven ang kanyang sasabihin dahil bigla nilang nakita si Save sa kanilang harapan

"Heaven, siya ba? Siya na ba ang kapalit ko? Kaya pala, siya yung nakita ko sa office niyo hindi ba? Pare, kilala mo ba ako?" sabi ni Save

"Pare, hindi ko naman sinasadya na masaktan ka namin. Ang alam ko kasi, hindi na kayo. Kaya pwede na siya mag-entertain ng ibang tao sa buhay niya diba?" sabi ni Greg

"Pwes, kung manliligaw ka sa kanya ay good luck na lang. Manliligaw din kasi ako sa kanya eh. Okay?" mayabang na sagot ni Save kay Greg

"Ang alam ko, ayaw na sa iyo ni Heaven. Doon pa lang talo ka na. Sorry to say pero ayaw na talaga niya sa iyo pare." sagot ni Greg, dahil doon ay nagalit si Save

Lumapit si Save sa kanila, sinuntok niya si Greg sa harapan ni Heaven. Wala na siyang pakialam kung gumawa siya ng scene doon sa resto bar. Gulat na gulat naman si Heaven sa ginawa ng kanyang ex-boyfriend.

"Ano ka ba? Sinabi ko na diba?! Ayaw ko na, hindi na ikaw ang gusto ko! Bakit mo ba pinipilit ang sarili mo sa akin ha?!" sigaw ni Heaven

"Hindi mo ba nakikita na willing na akong magbago para sa iyo? Ginagawa ko naman ang lahat nang ginagawa ko dati ah! Ano pa bang kailangan kong gawin para magustuhan mo ako ulit?!" sagot naman ni Save

"Wala, wala ka nang gagawin pa dahil hindi na kita gusto. Hinding-hindi na kita gugustuhin, naiintindihan mo iyon? Tigilan mo na ako!" sigaw ni Heaven pagkatapos ay tinulungan niya si Greg para makatayo

Kinuha nila ang kanilang gamit sa table kung saan sila nakapwesto kanina. Habang ang mga tao doon ay vinivideohan ang nangyari. Malamang, bukas ay viral na sila dahil sa nangyari. Naiinis si Heaven, imbes kasi na tulungan nila si Greg ay mas pinili nilang videohan o picturan na lang ang pangyayari.

Hinablot ni Heaven ang kamay ni Greg sabay umalis doon sa resto bar. Kahit papaano ay nag-alala siya kay Greg kahit alam naman nila na gagawin iyon ni Save. Paglabas nila ay huminga sila ng malalim na dalawa.

"Ano? Okay ka lang ba? Masakit ano? Sinabi ko na kasi sa'yo eh, mananapak ang lalaking iyon! Walang hiya, hindi man lang nahiya sa dami ng taong nakapaligid a atin kanina!" sabi ni Heaven

"Oo okay lang ako. Iyon naman talaga ang pinili natin eh, diba plano naman talaga natin siyang pagselosin? Kaya sasapakin talaga ako noon, alam mo buti na lang at kasama kita para kahit masakit itong panga ko ay okay pa din ako." sagot ni Greg

"Ikaw naman, kung anu-ano pa ang hinihirit mo dyan! Teka nga, tatawagan ko na si Hunter para magamot natin iyang sugat mo." sabi ni Heaven kay Greg

Kinuha ni Heaven ang kanyang cellphone pagkatapos ay she dialed Hunter's number. Agad-agad namang sumagot si bakla dahil worried na din ito sa kalagayan ni Greg.

"Oh my goodness, bakla! Papunta na ako, sinabi ko na sa iyo na hindi ito magandang plano! Kamusta na si Papa Greg? Loka-loka ka, hindi na maganda ang face niya ano?" sabi ni Hunter sa kabilang linya

"Eh, bilisan mo na! Huwag ka na magsalita dyan, pumunta ka na dito. Nandito kami sa harap ng Sounds Of Your Heart, bilisan mo baka habulin pa kami ni Save dito!" sabi ni Heaven

"Oo, ito na nga. Lilipad na para kay Papa Greg! Nakakaloka ka naman kasi, pati itong inosente ay dinadamay mo!" sabi ni Hunter

After five minutes ay dumating na si Hunter, siya na din ang nag-drive para kay Greg at Heaven. Todo alala si bakla para sa kanyang Papa Greg na hanggang ngayon ay hawak-hawak pa din ang kanyang panga dahil sa tinamo niyang suntok.

"Girl, so ano? Itutuloy niyo pa din ba ang plano niyong pagselosin si Save? Baka mamaya niyan, hindi lang suntok ang maranasan ni Papa Greg sa lalaking iyon. Diyos ko po, baka mamaya ay mapatay niya si Greg!" tarantang sabi ni Hunter

"Wala naman na akong magagawa, pumayag naman si Greg eh. At saka, naumpisahan na namin kaya ilalaban na namin ito. Bahala na kung anong mangyari, hindi naman siguro papatay si Save dahil sa pag-ibig ano." sabi ni Heaven

"So saan tayo? Hindi naman pwedeng umuwi si Greg na ganyan ang itsura ano! Mamaya eh mapagalitan pa tayo ng magulang niya. Doon muna tayo sa condo ko, okay? My goodness, buti na lang at gumagana ang brain cells ko ngayon!" sab ni Hunter

"Sige doon muna tayo. Tama ka naman, kailangan muna ni Greg na magpahinga. Pasensya ka na talaga sa plano ko bakla. Maraming-maraming salamat talaga sa tulong mo sa amin." sabi ni Heaven

"Naku, kung hindi kita kaibigan at kung hindi gwapo si Greg ay hindi kita sasamahan sa kalokohan mong ito. Umayos ka na, naloloka ako sa iyo!" sabi ni Hunter

After twenty minutes of driving ay nakarating na sila sa condo ni Hunter. Dito siya tumutuloy kapag pagod na pagod siya sa work at hindi niya na kayang umuwi pa sa kanila dahil sobrang traffic.

Pagdating nila ay umupo agad sina Greg at Heaven sa sofa. Hindi pa din makapaniwala si Heaven na nagselos si Save kay Greg. Ang gusto niya na lang talaga ngayon ay malayo na si Save sa kanya.

"Grabe! Kukuha lang ako ng yelo at bimpo para dyan sa suntok ni Save sa iyo. Diyos ko po, sayang ang face mo Greg!" sabi ni Hunter pagkatapos ay kumuha ng yelo at bimpo

"Salamat, Hunter."

Pagkakuha ni Hunter ng bimpo at yelo ay binigay niya iyon kay Heaven. Nagpaalam ito na bibili daw ng makakain at maiinom kaya lumabas muna siya.

Trenta minutos na ang nakakalipas noong lumabas si Hunter pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nabalik. Sobrang nag-aalala na tuloy si Heaven kaya tinext niya ito.

"Bakla, nasaan ka na ba? Kanina pa kami naghihintay sa iyo dito ah. Anong nangyari na? Gutom na din kami eh," sabi ni Heaven

Ilang minuto pa ay agad na sumagot si Hunter sa text, halos isang minuto ding nakatingin si Heaven sa kanyang cellphone screen dahil sa gulat nang kanyang mabasa ang text ni Hunter.

"Naku sis, pasensya ka na hindi na ako nakapagpaalam. May problema sa bahay kaya uuwi na ako. Hindi din naman kayo makakauwi dahil dala ko ang kotse ni Greg. Shet, pasensya na at nawala sa isip ko eh. Pakisabi na lang na ibabalik ko ang kotse niya bukas sa office. Thank you, sorry ulit!"

Napasapo na lang sa kanyang noo si Heaven. Paano na ito? Kailangan niyang makauwi, mapapagalitan siya ng kanyang nanay kapag hindi siya nakauwi ngayong gabi. Tumingin siya kay Greg na nakaupo doon sa sofa, hindi naman niya ito pwedeng iwan. 

The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon