Chapter 24

168 30 9
                                    

Pag-uwi nila Heaven at Greg ay nagulat silang dalawa dahil naka-upo doon sa sala si Save. May dala itong bulaklak at stressed na stressed ang kanyang mukha.

"Oh, anong ginagawa mo dito? Si Mama ba ang nagpapasok sa iyo?" sabi ni Heaven

"Ah oo, si tita nga. Magkasama pala kayo, sorry," sabi ni Save

"Oo, magkasama nga kami. Actually, hindi ko nga alam kung bakit nandito ka pa eh. Ang kapal naman talaga ng mukha mo ano? Nasaktan mo na nga siya hindi ba? Hindi ka pa ba masaya noon?" sabi ni Greg, alam mong galit na galit siya dahil sa kanyang tono ng boses

"Nandito ako para magpaliwanag at mag-sorry, pare ibigay mo naman sa akin ito," pagmamakaawa ni Save

"Alam mo pare, matagal ka nang pinagbibigyan ni Heaven pero anong ginawa mo? Huli ka na, ipipilit mo pa? Aba, malakas ka din naman pala," sabi ni Greg

"Hindi na ba talaga pwede? Kahit ito na lang, huli na," sabi ni Save

"Pasensya ka na, Save pero huli ka na talaga eh. Kami na kasi ni Greg," sabi ni Heaven pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ni Greg na kinagulat naman ng binata

"Oo pare, kami na. Maaaring mapatawad ka niya pero hindi na magiging kayo," sabi ni Greg

Hindi makapaniwala si Save, lumuhod pa siya sa harapan ni Heaven sa huling pagkakataon. Hiniwakan nito ang kamay ng dalaga pagkatapos ay hinalikan. Pilit naman siyang itinayo ni Heaven.

"No, huwag mo akong luhuran. I'm sorry, pero nakapili na ako Save. Si Greg iyon at hindi ikaw," sabi ni Heaven

"Bakit? Ano bang meron si Greg na wala ako? Ibibigay ko naman lahat ah, hindi na ako magkukulang," sabi ni Save

"Alam mo kung anong meron si Greg na wala ka? Pagmamahal ko, wala na akong pagmamahal na natitira para sa iyo," sabi ni Heaven

"I'm sorry, sorry talaga kung nawala ang pagmamahal mo para sa akin. Nagsisisi na ako, pero wala na. Huli na pala talaga ako kasi mayroon ng iba," sabi ni Save

"Minsan, hindi mo na mahihingi ang second chance sa tao. Hindi naman kasi lahat ng nahingi, deserving bigyan, Save eh," sabi ni Heaven

"Naiintindihan ko, pasensya ka na talaga sa nagawa ko. Salamat sa lahat ng memories nating dalawa, okay na iyon. At least, masaya ka na kay Greg ngayon," sabi ni Save

"Oo, masaya ako kay Greg kaya sana ikaw din. Alam kong sasaya ka din pero hindi na sa akin, darating din iyon. Huwag kang mag-alala," sabi ni Heaven

"Thank you, hihintayin ko na lang ang araw na iyon. Oo nga pala, gusto ko abay ako sa kasal niyo ah?" hiling ni Save

"Oo naman, iyon lang pala eh. Madali na iyon, sagot naman ni Heaven

"Gusto kasi kitang makita na nakapang-kasal kahit hindi na ako iyong groom," sabi ni Save

"Walang problema, basta lubayan mo na si Heaven mula ngayon. Sa kasal na lang namin tayo magkita-kita," sabi ni Greg

"Masusunod," sagot naman ni Save pagkatapos ay umalis na 

Pagka-alis ni Save ay agad na kinausap ni Greg si Heaven kung totoo ba na sila na. hindi kasi siya makapaniwala, baka kasi nagulat lang si Heaven kaya niya nasabi iyon kanina.

"Heaven, totoo ba ang narinig ko kanina?" tanong niya

"Ang alin?" sagot naman ni Heaven

"Yung ano, yung--" hindi na natapos ni Greg ang sasabihin niya dahil sumagot na agad si Heaven sa kanya

"Totoo ba kung tayo na? Bakit? Ayaw mo ba? Pwede ko namang bawiin," sabi ni Heaven

"Hindi, syempre gusto ko! Hindi ko lang alam kung totoo kasi baka naman nabigla ka lang," sabi ni Greg

"No, gusto ko na talaga iyon noon pa. Actually, gusto na kitang sagutin kaso nga nawala ka two weeks ago," sabi ni Heaven sabay upo sa sala

"I'm sorry kung nawala ako sa two weeks na iyon, dapat pala two weeks na tayo ano?" sagot naman ni Greg

"Oo, kaso nawala ka eh. Hayaan mo na, at least tayo na," sagot naman ni Heaven

"Ang epic noong pagsagot mo sa akin ah, parang wala lang. Para sa akin dapat romantic ang moment na iyon eh," sabi ni Greg

"Oh bakit? Romantic naman tayo kanina bago tayo bumalik dito sa bahay diba?" sagot ni Heaven

"Edi sana kanina mo pala ako sinagot! Tumayo ka dyan, dali!" sabi ni Greg

"Bakit? Saan tayo pupunta?" sabi ni Heaven sabay tayo

Nagulat naman siya nang binuhat siya ni Greg pagkatapos ay niyakap. Kitang-kita sa mukha ni Greg na sobrang saya niya dahil sinagot na siya ni Heaven.

"Huy, ano ka ba! Ibaba mo ako, nakikiliti ako eh," sabi ni Heaven

"Kung kanina mo sana ako sinagot eh nagawa sana natin ito sa tulay," sagot ni Greg pagkatapos ay binaba si Heaven at niyakap niya ito muli

"Baliw ka talaga, sinagot lang naman kita at hindi pa pinakasalan. Okay?" sabi ni Heaven

"Kahit na, dapat magical moment pa din iyon pero thank you ha! I love you!" sabi ni Greg

"Hmm, I love you too! Ililibre mo pa din ako sa mga gigs na gusto kong puntahan ha?" sabi ni Heaven

"Oo naman, hindi naman mawawala ang panliligaw at pagpapakilig ko sa iyo. Tuloy-tuloy pa din iyon hanggang sa maging deserving na ako sa pagiging asawa mo," sagot ni Greg

"Naku, matagal pa iyon! Wala pa nga tayong first monthsary eh kasal na agad iniisip mo?" sabi ni Heaven

"Basta, goal ko ang pakasalan ka. Okay?" sagot ni Greg

Ilang minuto pa ay nag-ring naman ang cellphone ni Heaven. Kinuha niya iyon at umupo sa sofa.

"Wait lang, natawag si Hunter. Sagutin ko lang," sabi ni Heaven

"Sige, walang problema, babybubu ko!" sabi ni Greg at umupo din

"Bakla, ano iyon?" sabi ni Heaven

Noong malaman ni Heaven ang balita ay hindi siya agad makagalaw. Para bang binuhusan siya ng malamig na tubig noong marinig niya iyon.

"Oh, bakit daw babybubu? Anong problema? Para kang nakakita ng multo ah, okay ka lang?" sabi ni Greg

"Si Save," sagot ni Heaven pagkatapos ay binaba niya ang cellphone

The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon