Chapter 47

129 23 0
                                    

Hindi alam ni Greg kung tama ba ang ginawa niya. Ang mahalaga lang sa kanya ngayon ay huwag masaktan ang pinakamamahal niyang si Heaven.

Saka na niya iisipin ang sasabihin niya kapag kailangan na talagang malaman ang totoo na wala na silang anak.

"Sigurado ka bang ayos lang ang anak ko? Kung ganoon, bakit sila naiyak lahat? Bakit parang may mali sa sinasabi mo?"

"Ah, tears of joy iyon. Natutuwa sila dahil okay na kayo ng anak natin. Okay? Magpahinga ka na, madaming nawalang dugo at lakas sa iyo mahal ko," sagot ni Greg

Tumango lamang si Heaven pero alam niyang may iba sa kinikilos ni Greg. Hindi pa din siya convinced sa sinabi ni Greg. Alam niyang may hindi tama pero pilit niya ding tinatanong sa sarili kung kaya ba niyang marinig na wala na ang kanyang anak? 

Habang nag-uusap silang dalawa ay bigla namang pumasok ang doktor na tumingin kay Heaven. Hindi tuloy malaman ni Greg kung ano ang gagawin. Tiyak na kapag tinanong ni Heaven ang doktor ay aaminin nitong wala na ang kanilang anak.

"Doc, kamusta po ang lagay ng anak ko? Sabi po ng asawa ko, ayos daw po ang bata sa tyan ko?" sabi ni Heaven

"Ah, misis. Pasensya na po pero ikinalulungkot ko pong sabihin na wala na po ang anak niyo. Ginawa naman po natin ang lahat ng paraan para hindi ito mawala pero sadyang hindi po makapit si baby. Maiwan ko po muna kayo at madami pa akong aasikasuhin na ibang pasyente," sabi ng doktor

Naiwan si Heaven at Greg doon. Galit na galit ang mukha ni Heaven. Una, dahil patay na ang anak niya at pangalawa naman ay dahil nagsinungaling si Greg sa kanya. Bakit? Para hindi siya masaktan? Eh hindi ba't masa masakit kung hindi agad nila sabihin ang totoo sa kanya?

"Bakit itatago mo pa sa akin ang katotohanan? Dahil masasaktan ako? Hindi ba't mas masakit kung patatagalin mo pa ang kasinungalingan mo? Alam mo, akala ko perfect na ang lahat eh. Hindi pala!" sabi ni Heaven

"Nasabi ko lang naman iyon sa iyo dahil ayaw kong masaktan ka. Iyon na lang ang bumubuo sayo nito noong mga nakaraang araw kaya bakit ko naman aalisin ang saya sa iyo, mahal ko? Pasensya ka na at mali ako sa desisyon kong iyon," sabi ni Greg

"Maling desisyon? Alam mo kung ano pang maling desisyon? Ang mahalin ka. Ang pakasalan, at mabuhay kasama ka!" sigaw ni Heaven

Kitang-kita ang galit sa mata ni Heaven. Para bang desidido na siyang hiwalayan si Greg anytime. Dahil doon ay tahimik lang si Greg sa tabi. Ilang minuto pa ay dumating ang mga magulang nilang dalawa.

"Anak, anong nangyayari? Bakit galit na galit sa iyo si Heaven? Ano bang sinabi mo sa kanya?" tanong ng daddy ni Greg

"Daddy, hayaan niyo po siya. Deserve ko naman ang lahat ng galit niya sa akin eh. Naiintindihan ko po ang lahat. Sorry din po dad kung nangyari ito," sabi ni Greg

"Ha? Anak, hindi kita maintindihan. Ano bang sinasabi mo dyan?" pagtataka ng daddy ni Greg

Hindi na naksagot pa si Greg sa kanyang mga magulang. Agad siyang lumabas ng kwarto at doon nag-isip isip. Hinabol pa siya noong mag-asawa para Naiwan naman sa loob si Heaven at ang Mama niya. 

"Ang sakit-sakit Mama. Bakit kailangan niya pang magsinungaling sa akin eh magiging asawa na niya ako hindi ba? Wala na dapat sinungaling sa amin ngayon," sabi ni Heaven

"Eh baka naman kaya nagsinungaling sa iyo para protektahan ka? Anak, hindi ka lang naman ang nawalan hindi ba?" sabi ng Mama ni Heaven

"Kahit na. Masakit na nga eh dadagdagan niya pa ang sakit na nararamdaman ko? Tama po ba iyon? Ngayon lang ako nagalit sa kanya ng ganito. Ang masakit, kung kailan ikakasal na kami ay saka naman nagka-problema," sabi ni Heaven

"Eh anong desisyon mo anak? Magagalit ka na lang kay Greg habangbuhay? Hindi naman dapat ganoon, parehas kayong nawalan ng anak kaya dapat lang ay magtulungan kayong bumangon na dalawa," sabi ng Mama ni Heaven

"Paano ko po siya tutulungan kung una pa lang ay ganoon na siya sa akin? Siguro nga tama ang desisyon ko Mama," sabi ni Heaven

"Anong desisyon iyon anak?" tanong naman ng Mama niya

"Hindi na po ako magpapakasal sa kanya. Kung ano man po ang meron sa amin ay tinatapos ko na," sabi ni Heaven

Gulat na gulat ang Mama ni Heaven sa desisyon niya. Kung kailan naman patapos na ang lahat ay saka naman uurong si Heaven sa kasal. Bayad na ang kalahati ng payment sa lahat ng kakailanganin sa kasal nila.

"Hindi ba padalos-dalos ang desisyon mo anak? Sobrang lapit na ng kasal ninyo, ngayon ka pa ba uurong? Aba, kailangan mong kausapin ang mga magulang niya kung ganoon," sabi ng Mama ni Heaven

"Hindi ko po kayang harapin sila. Si Greg na lang po siguro ang magsasabi noon sa kanila. Madami po ang nasa utak ko ngayon baka hindi ko masabi ng maayos sa kanila iyon," sabi ni Heaven

"Sige anak, ako na lang ang magpapaalam sa kanila ha? Pero pag-isipan mo pa ring mabuti. Hindi madali ang desisyon na gagawin mo. Isa pa, hindi lang naman ikaw ang dapat magdesisyon dito eh," sabi ng Mama ni Heaven

"Naiintindihan ko po kayo Mama. Napalapit na din po kasi kayo kay Greg eh. Kahit naman po sa akin ay masakit ito pero siguro nga ay hindi kami ang para sa isa't isa ni Greg," sabi ni Heaven

"Sige anak. Mas mabuti pa ay magpahinga ka muna. Mananatili ka pa daw ng ilang araw dito sabi ng doktor dahil may mga titingnan pa daw sa iyo. Doon muna ako sa labas ha? Tatawagan ko ang Papa mo," sabi ng Mama ni Heaven

"Opo sige, nasaan po ba si Papa?" tanong ni Heaven

"May inaasikaso siya anak kaya hindi agad siya nakapunta dito pero mamaya ay nandito na iyon. Alalang-alala nga sa iyo at alam niyang mahal na mahal mo ang anak mo," sabi ng Mama ni Heaven

Kung hindi lang para sa kalusugan ni Heaven eh tiyak na umalis na sila sa ospital. Para sa kanya ay impyerno ang ospital na iyon na pilit pinapaalala  sa kanya na wala na ang kanyang anak.

The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon