Pagdaan ng ilang minuto, nasa tapat na sila ng isang mall. Pumasok si Greg sa isang fine dining restaurant, gulat na gulat naman si Heaven dahil akala niya ay sa fast food la g sila kakain.
"Uy, ano to? Bakit dito mo ko dinala ha? Akala ko naman sa fast food lang tayo kakain kaya ako sumama," sabi ni Heaven
"Papayag ba ako na doon lang tayo kakain? Ayaw ko nga, ang cheap ko naman kung doon lang kita papakainin no!" sabi ni Greg
"Eh kung dito tayo sa fine dining restaurant kakain, edi male-late tayo sa office!" sabi ni Heaven
"Hindi ka nag-iisip, paano kung makita tayo ni Save dito tapos sa fast food tayo kakain? Edi sasabihin niya, cheap ako! I want him to know na better ako sa kanya, okay? Nagpapanggap tayo, remember?" sabi ni Greg
Hindi na nagsalita si Heaven dahil alam naman niyang may point ang sinasabi ni Greg. Tahimik na lang siyang umupo, habang si Greg na lang ang umorder para sa kanila.
"Konting hintay lang iyan, mabilis namang magluto dito eh," sabi ni Greg
"So lagi ka pala nandito? Sino naman dinadala mo?" pataray na sagot ni Heaven
"Selos ka naman agad, hindi pa nga tayo eh. Ang bilis mo naman!" sabi ni Greg
"Ewan ko sa iyo, bahala ka nga. Paki-chat na lang ako sa I-Face kapag tapos na lutuin yung inorder natin," sabi ni Heaven
"Copy, bumalik ka dito ah! Huwag mo akong iiwan, kundi ikaw ang magbabayad nito," sabi ni Greg
"Tangek, hindi naman ako ganun no! Basta, i-chat mo na lang ako sa I-Face." sabi ni Heaven pagkatapos ay umalis na
Naglakad-lakad si Heaven sa mall, tumitingin sa mga shops doon. Tuwang-tuwa siya dahil sale ang mga damit na type niya. Kaya agad siyang pumasok sa shop para bumili. Nagulat na lang siya dahil nasa tabi niya na si Save. Nagtataka tuloy siya kung bakit ito nandito sa women's section eh lalaki siya.
"Hoy, anong ginagawa mo dito ah? Kasama mo babae mo? Sabi ko na nga ba! Kahit kailan ka," sabi ni Heaven
"H-ha? H-hindi ah, nandito kaya ako dahil nakita kita. Kanina pa nga kita sinusundan, hindi mo lang alam!" pagsisinungaling nito
Ang totoo kasi niyan, kasama ni Save ang bago nitong nililigawan na si Mira. Halos hindi tuloy makagalaw si Save dahil dito. Todo panalangin na siya na sana eh hindi mabisto ni Heaven ang ginagawa niyang panloloko.
"Tabi dyan! Magbabayad ako, mukha ka na namang tanga sa pagsunod mo sa akin. Akala mo naman, babalik ako sa'yo ano!" sabi ni Heaven
"S-sino nga pala ang kasama mo? Siya ba?" sabi ni Save na pilit na iniiba ang usapan
"Ano naman kung kasama ko si Greg? Boyfriend pa ba kita para ipagpaalam ko sa iyo iyon ha? Tumabi ka nga, aalis na ako dito at baka hinihintay na ako ni Greg eh," sabi ni HeavenPag-alis ni Heaven ay nakahinga ng maluwag si Save. Akala talaga niya eh katapusan na ng mundo para sa kanila ni Heaven. Buti ilang minuto pa bago bumalik si Mira kaya hindi siya nabuko nito.
"Ah, babe! Anong maganda dito? Yung dress with stripes na kulay blue or yung nude? What do you think?" sabi ni Mira
"Alam mo babe, kahit ano naman dyan eh pwede mong suutin. Parehas kayang bagay, ang ganda mo kaya at ang puti pa. May mahihiling pa ba ako?" pambobola ni Save kay Mira
"Ikaw talaga babe, bolera ka no? Tumataba na kaya ako. Ikaw kasi, kung saan-saang restaurants mo ako dinadala kaya nalaki na ako!" sabi ni Mira
"Uy hindi ah, totoo yung sinasabi ko. Maganda ka, mabait at sexy! Ano pa kaya mahihiling ko diba? Wala na!" hirit pa ni Save kay Mira
"Naku, gusto mo lang na sagutin na kita sa panliligaw mo eh, sorry kasi di pa kita sasagutin kahit gusto na kita," sagot ni Mira
"Okay lang, marunong naman akong maghintay. Kayang-kaya kitang hintayin kahit gaano pa katagal iyan," sabi ni Save
Todo tingin pa rin siya sa paligid, inaalam niya kung nandoon pa ba si Heaven. Nung na-check niya na wala na eh malaya na siyang nakalabas mula doon sa clothing store.
"Huy, ano ka ba? Kanina ka pa di makali dyan ah, may hinahanap ka ba?" tanong ni Mira
"Ah wala naman, tara na! Alis na tayo dito kasi may pupuntahan pa ako eh," palusot ni Save
"Ah, hindi man lang ba tayo kakain dito? Gutom na ako eh, ikaw ba hindi ka gutom?" sabi ni Heaven"Hindi-este, sa iba na lang tayo kumain. Madami pa naman iba dyan eh," sabi ni Save
Kahit nawe-weirduhan si Mira ay sumunod na lang siya kay Save. After all, si Save naman ang magbabayad ng lahat noong gagastusin niya ngayong araw.Dahil sa sobrang inis, dali-daling pumunta si Heaven kay Greg na kanina pa pala nag-message sa I-Face pero hindi niya ito nasagot.
"Saan ka ba galing na babae ka ah? Kanina pa kita china-chat sa I-Face. I even tried to call you pero hindi ka naman—" hindi na natapos ni Greg ang kanyang sasabihin dahil sumagot agad si Heaven
"Tara na, wala na akong dahilan para pumunta pa dito. Bumalik na lang tayo sa office, please?" sagot ni Heaven
"Ha? Anong sinasabi mo dyan eh ito na nga, luto na nga yung kakainin natin. Ano ka ba naman, gutom na gutom pa naman ako!" sabi ni Greg
"Tama ka nga, nandito si Save. Nakita ko na naman siya! Bakit ba lagi niya akong sinusundan?! May sumpa ba akong nadala noong naghiwalay kami?!" pagmamaktol ni Heaven
"Ha?! Heaven naman, may balat ka ba sa puwet at lagi niya tayong sinusundan?! Ano na ang gagawin natin ngayon?" sabi ni Greg
"Loko ka, wala akong balat sa puwet! Kahit tingnan mo pa, ang kinis kaya nito," sagot naman ni Heaven
"Sige, kung aalis tayo eh paano itong mga pagkain?" tanong ni Greg
"Pa-take out mo na lang, kainin na lang natin sa office. May natitira pa naman tayong thirty minutes eh," sabi ni Heaven
Masaya sana siya dahil sasabihin na niyang bumili siya ng tickets ng Saving Shonie para sa kanilang dalawa. Hindi na lang niya pinansin iyon, ang importante eh nakasama niya si Heaven.
BINABASA MO ANG
The Playlist (Completed)
Genç KurguKalakip ng musika ang pag-ibig. Di mo alam, baka mamaya yung taong kalapit mo lang pala sa gigs na pinupuntahan mo ang sasagot sa mga katanungan mo sa pag-ibig. This is Greg and Heaven's story. © Book Cover by Khae Santiago Featured Bands: JLU (Jobl...