Chapter 19

202 38 4
                                    

Dahil sa inis ay hindi na napigilan na umiyak ni Heaven sa loob ng kotse ni Hunter. Nagpaalam na din si bakla sa kanilang boss na mag-half day sila ngayon dahil didiretso sila sa condo ni Hunter.  Doon iiyak si Heaven.

"Akala ko ba okay lang dahil may Greg ka na? Ano naman ang iniiyak mo dyan ngayon?" sabi ni Hunter

"Akala ko lang pala, ang sakit noong lumapit na tayo sa kanila. Bumalik lahat sa akin eh, paano kung kami pa lang eh ginagago na pala ako noon? Ang tanga ko lang, kasi akala ko magbabago siya," sabi ni Heaven

"Mas mabuti na talagang nandyan si Greg, siya na lang ang pagtuunan mo ng pansin ha? Huwag na si Save, walang kwenta ang lalaking iyon!" sabi ni Hunter

"Oo, si Greg na lang talaga ang pipiliin ko. Walanghiyang Save iyon, sinayang lang ang oras ko! Ilang beses ko siyang pinagbigyan pero ginago pa din ako! Bakla, may ipapakisuyo lang sana ako, huwag na sana itong malaman ni Greg ha?" sabi ni Heaven

"Ha? Eh bakit naman? Pero sige, kung iyon ang gusto mo eh hindi ko sasabihin kay Greg ito. Mas mabuti nga kung ikaw na ang magpaliwanag sa kanya," sabi ni Hunter

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nandoon na sila sa condo ni Hunter. Umupo muna si Heaven sa sofa at nag-isip isip. Nalulungkot pa din siya kahit papaano dahil pinagkatiwalaan niya si Save nang matagal.

Si Hunter naman ay bumili muna ng pagkain sa baba dahil nagutom siya sa stress na dala ni Save sa kanila. Lumabas muna din siya dahil alam niyang kailangang mag-isip ni Heaven dahil sa nangyari.

Nagulat na lang si Heaven dahil nakita niyang pumasok sa condo si Greg. Lumapit agad ang binata sa kanya at saka tinanong kung kamusta siya. Napailing na lang si Heaven dahil akala niya ay hindi sasabihin ni Hunter ang tungkol sa nangyari sa mall kanina pero sinabi pa din pala niya.

"Okay ka lang ba? Siraulo iyon eh, dapat talaga noon pa hindi mo na iyon minahal! Sasapakin ko iyon, sabihin mo lang sa akin. Yari talaga ang lalaking iyon," sabi ni Greg

"P-paano mo naman nalaman ang tungkol sa nangyari kay Save? Sinabi ba sa iyo ni Hunter? Ang baklang iyon talaga--" hindi na natapos ni Heaven ang kanyang sasabihin dahil pinutol agad iyon ni Greg

"Hindi ano, nag-viral na kaya ang pagsampal mo sa lalaking iyon sa I-Face, buti na nga lang at nakita ko eh, napuntahan agad kita dito," sabi ni Greg

"Ha? Eh paano mo naman nalaman na nandito ako eh hindi ko naman sinabi sayo ah," sabi ni Heaven

"Ah, naramdaman ko lang na dito ka pupunta. At saka, nakasalubong ko sa daan si Hunter kaya tinanong ko siya," sabi ni Greg

Hindi na sumagot pa si Heaven, niyakap na lang niya si Greg dahil alam niyang iyon lang ang kailangan niya sa ngayon. Wala na din siyang tanong sa binata. Dapat pa nga ay magpasalamat siya dahil nandito si Greg sa oras na kilangan niya ito.

Ilang minuto pa ay nakabalik na si Hunter mula saa pamimili nang makakain nila, medyo hig blood pa din siya sa nangyari pero masaya siya dahil alam niyang nasa tabi ni Heaven si Greg.

"Uy, ano ba kayo?! May single dito oh, hustisya naman! Masaya ako dahil nagkakilala kayo pero huwag niyo na ipamukha pa sa akin na single ako, okay?! Tara na, kumain na tayo," sabi ni Hunter

Dala nito ang tatlong ice cream at may tinapay. Pampalamig daw ng ulo kaya ice cream ang napili niyang bilhin. Isa pa, wala din kasi silang dessert kanina kaya tamang-tama lang na ito ang binili niya.

"Kailangan lang ng comfort ng kaibigan mo, gusto mo din bang yakapin kita para hindi ka na mainggit sa amin?" sabi ni Greg

"Naku, hindi na ano. Okay na ako, mamaya magselos pa ang kaibigan ko, pagkatapos niyo dyan kumain na kayo ha?! Baka kayo naman kasi ang langgamin," sabi ni Hunter

Napatawa naman si Greg. Ilang minuto pa ay sabay-sabay na nga silang kumain. Nakapagkwentuhan din nila kung anong nangyari sa mall kaya lalong nainis si Greg dahil wala siya doon para ipagtanggol si Heaven.

"Haynaku, kung alam ko lang na nandoon ka sa mall eh pinuntahan na kita. Ka-chat naman kita sa I-Face pero hindi ka nagsabi sa akin," sabi ni Greg

"Hayaan mo na, ang importante naman ngayon ay alam ko na ang totoo. Ibig sabihin noon ay pwede ka na talagang manligaw sa akin, wala ka na talagang kalaban eh," sabi ni Heaven

"Talaga?! Well, kahit ano naman na ang sabihin niya sa akin eh hindi na ako maaapektuhan, noog nandyan nga siya nanliligaw na ako talaga," sabi ni Greg

"Sana all! Girl, sagutin mo na kaya itong si Greg. Bihira lang talaga ang ganitong lalaki kaya i-grab mo na. Kapag hindi mo pa sinagot iyan eh ako ang sasagot dyan. Gusto mo?" sabi ni Hunter

"Naku, huwag mo i-pressure si Heaven, hayaan lang natin siya. Alam ko naman na sasagutin niya ako. Ang kailangan ko lang ay maghintay, lalo pa ngayon na sobrang lakas na ng laban ko. Ngayon pa ba ako susuko?" sabi ni Greg

"Salamat at pinapasaya mo ang kaibigan ko. Siguro kung hindi ka namin nakilala eh nasa Songs Of Your Heart kami ngayon, nag-iinom!" sabi ni Hunter sabay tawa

"Well, I met Heaven for a reason. Actually, bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya kasi when I'm with her, it feels like heaven," sabi ni Greg

"Ay naku naman, grabe na talaga! Dyan na nga muna kayo. Magyoyosi lang ako ha? Kwentuhan muna kayo dyan," sabi ni Hunter at umalis na 

Pag-alis ni Hunter ay lumapit si Greg kay Heaven. Ngumiti ito sa dalaga, dahilan para kiligin siya. Napaka-thankful niya dahil nakakilala siya ng isang taong kagaya ni Greg na gagawin ang lahat para pasayahin siya. Totoo nga ang sinasabi ng iba. Minsan, hindi mo akalain na ang sagot sa mga tanong mo ay nasa harapan mo na pala.

"Okay ka lang ba talaga? Kapag hindi, sabihin mo sa akin at susuntukin ko ang lalaking iyon," sabi ni Greg

"Ano ka ba, okay na ako. Masaya na ako kasi nandito ka sa tabi ko," sabi ni Heaven pagkatapos ay hinawakan angkamay ni Greg na ikinagulat naman ng binata                                                                                               

The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon