After 2 weeks..
Nabigla si Heaven nang makita si Greg sa bahay nila. Nakaporma ito habang naghihintay sa sala. Samantalang ang dalaga ay wala pa ngang ligo.
"Uy, saan tayo pupunta? Hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka dito. Sana nakapaligo muna ako," sabi ni Heaven
"Okay lang naman na maghintay muna ako dito eh. Sige na, maligo ka na ah? I love you," sabi ni Greg
"Okay, wait for me ah? I love you too," sagot naman ni Heaven at nagtungo na siya sa comfort room
Ito na naman iyong kakaibang pakiramdam niya sa tuwing niyayaya siya ni Greg kung saan-saan. Wala naman silang plano these past weeks kaya nagtataka siya kung saan sila pupunta.
After fifteen minutes ay tapos na maligo si Heaven. Nagpulbo na lang siya at liptint. Ang gusto kasing ayos ni Greg sa kanya ay iyong simple lang eh.
Pagka-paalam ni Heaven at Greg sa Mama ng dalaga ay nagtungo na agad sila sa kotse. Gusto pa ring magtanong ni Heaven kay Greg pero hindi niya ito magawa. Pero sa mga tinginan nila ni Greg ay ang binata na ang nagsalita.
"Iyan na naman ang mukha mo kapag su-surpresahin kita. Hindi ka pa ba sanay sa mga ginagawa ko para sa iyo? Lagi ko namang sinasabi, magtiwala ka lang sa akin diba?" sabi ni Greg
"Hindi naman sa wala akong tiwala sa iyo, nagtataka lang ako kung saan mo ako dadalhin. Saan nga ba?" sagot naman ni Heaven
Sa lugar na dati mo pang gustong puntahan. Sa pangarap mo," sagot ni Greg
Hindi maintindihan ni Heaven ang sagot ng kanyang nobyo kaya hindi na lang niya ito pinansin. Hinayaan niya na lang niya ito kung saan siya dadalhin. Alam din kasi niyang magiging worth it naman ito kapag nagtiwala siya.
Ilang minuto pa ay nakita na lang ni Heaven ang kanyang sarili sa tapat ng isag music studio. Gulat na gulat siya dahil lumbas ng music studio na iyon ang kaibigan niyang si Timothy, tila ba hinihintay sila.
"A-anong ginagawa natin dito? Bakit nandito si Timothy? Sakanya ba itong music studio?" sunud-sunod na tanong ni Heaven
"Haynaku, mamaya na ang madaming tanong ah? Bumaba ka na dyan, mukhang kanina pa tayo hinihintay ni Timothy eh," sabi ni Greg
Pagbaba nila ng kotse ay agad silang sinalubong ni Timothy ng isang malaking ngiti. Niyaya na niyang pumasok ang dalawa sa kanyang music studio. Nandoon din ang iba pang kabanda ni Timothy na masayang sumalubong sa kanila.
"Ano bang ginagawa natin dito? Timothy, pa-explain nga. Hindi sinasabi sa akin ni Greg eh," sabi ni Heaven
"Ah, hindi pala sinabi sa iyo ni Greg. May gig kasi kami in two weeks kaya naman pinaki-usapan niya kami kung pwede ka daw namin isama sa gig namin," sabi ni Timothy
"Eh kung manunuod lang pala ako, bakit kailangan ko pang sumama dito? Anong meron? Hala, ang gulo. Hindi ko na maintindihan," sabi ni Heaven
"Ah hindi. What I mean is kakanta ka din. Sasabayan mo si Jay-Ar, kaya magpa-practice tayong lahat. Okay ba iyon?" sabi ni Timothy
Gulat na gulat si Heaven dahil sa kanyang nalaman. Oo, pangarap niya nga ag maging parte ng isang banda pero alam naman niyang imposible iyon kaya hindi na niya ninais pa. Pilit niyang tinatanong ang sarili, deserve niya kaya ang nangyayari?
"Diba sabi mo, matagal mo na itong gusto? Kaya ito na, ibinibigay na ng Diyos sa iyo. Huwag mo nang tanggihan pa, sabi ko naman sa iyo na lagi lang akong nandito sa likod mo eh," sabi ni Greg
"Pero nakakahiya sa kanila. Wala namang akong boses na maganda eh," sabi ni Heaven
"Anong walang boses na hindi maganda? Eh pinanuod nga namin ang mga cover mo sa I-Face. Ang ganda kaya, ang dami mo ngang viewers ah," sagot naman ni Jay-Ar
"Hala, ang daya niyo naman! Bakit niyo tiningnan ang account ko? Babawi ako. Titingnan ko din accounts niyo pag-uwi ko," sabi ni Heaven
"Tama si Jay-Ar, maganda nga ang boses mo. Kaya sumama ka na sa amin sa practice. Isang gig lang naman ang sasalihan mo eh. Gusto lang n Greg na ma-experience mo iyon," sabi ni Timothy
"Pero malay mo, kapag nagustuhan ng tao ang performance mo ay hanapin ka nila. Mamaya niyan legit na parte ka na ng banda," sagot naman ni Greg
"Oo nga, bakit ayaw mo bang gumawa ng sariling banda? Pwede naman iyon," sabi ni Timothy
"Alam ko kasi sa banda eh kailangan ng dedication and commitment sa mga members. Mukhang hindi kaya eh," sabi ni Heaven
"Naku, akala mo lang iyon. Hindi mo pa kasi nasusubukan, kami nga nakaya namin eh. Wala naman masama kung sumubok ka," sagot ni Timothy
"Eh titingnan natin, kung para sa atin naman ang isang bagay ay ibibigay iyon ng Diyos kahit gaano katagal eh," sabi ni Heaven
"Kaya nga, naniniwala ako dyan. Si Heaven kasi, matagal kong hinintay pero dumating naman," sabi ni Greg
"Humirit ka na naman ah, napakagaling mo talaga ano?" sabi ni Heaven
"Yie! Sige na, start na tayo ng practice!" sabi naman ni Timothy
"Go babybu, kaya mo iyan. Nandito lang ako para sa iyo," sabi ni Greg
Nagsimula na nga silang mag-practice. Ang mga kantang ipe-perform nila ay Walang Tayo, Dear You and Peterpan.
Habang abala si Heaven at Jay-Ar sa pagpa-practice ay naisipan ni Greg na kunan ng video ito. Ipo-post niya sa I-Face at ipagmamalaki niya ito sa lahat.
Noong kumakanta na si Heaven ay para itong anghel. Pumikit saglit si Greg para ma-feel niya lalo iyong pagkanta ng kanyang nobya.
Pagkatapos ng practice ay sobrang thankful ni Heaven kay Greg dahil isa sa mga pangarap niya ang natupad na naman ng binata.
"Thank you, I love you so much!" sabi ni Heaven
"You're welcome. I love you too. Alam mo naman na kung saan ka masaya eh doon tayo eh," sagot naman ni Greg sabay halik sa noo ni Heaven
BINABASA MO ANG
The Playlist (Completed)
Teen FictionKalakip ng musika ang pag-ibig. Di mo alam, baka mamaya yung taong kalapit mo lang pala sa gigs na pinupuntahan mo ang sasagot sa mga katanungan mo sa pag-ibig. This is Greg and Heaven's story. © Book Cover by Khae Santiago Featured Bands: JLU (Jobl...