Chapter 39

124 23 0
                                    

Dahil hindi pa naman pwedeng pumunta sa hotel room nila ay naisipan muna nilang kumain sa labas.  Pumunta sila sa Balay Dako kung saan eh kitang-kita din ang magagandang view sa Tagaytay.

"Ang ganda ng view," sabi ni Heaven

"Wala iyan sa I love view ko," biro pa niya habang tutok na tutok kay Heaven

"Haynaku, kung anu-ano na naman ang hirit mo. Tara na nga at kumain na tayo. Gutom na ako eh," sabi ni Heaven

"Oo nga, tapos mamaya ikaw naman ang kakainin ko este pakakainin kita mamaya," sabi ni Greg

"Bwisit ka talaga, kung anu-ano nalalaman mo! Umorder ka na nga lang," sabi ni Heaven sabay pinalo ng menu si Greg sa kanyang balikat

"Ito na nga eh, o-order na ako para sa ating dalawa. Ang init agad ng ulo eh, lagot ka sa akin kapag ako ang nag-init sa iyong babae ka," biro ulit ni Greg

"Ahh! Ganoon? Baka gusto mong iwanan kita dito sa Tagaytay at magpainit kang mag-isa mo. Magco-commute ako kapag nainis ako sa iyo. Sige, ituloy mo pa iyan!" hinampas-hampas ni Heaven si Greg sa balikat

"Hindi na po, maka-order na nga! Mawawalan ako ng balikat sa kalokohan kong ito eh," sabi ni Greg at umorder na siya

"Excuse me miss, dalawa nga pong lechon kawali with fried rice tapos iced tea. Thank you so much," sabi ni Greg pagkatapos ay binalik niya ang menu sa waitress

"Sige po sir, hintay lang po tayo ma-serve. You can walk around muna po and see the view habang naghihintay kayo ng order ninyo. Thank you po," sabi noong waitress

Agad namang sinunod kung ano ang sinabi noong waitress. Totoo naman kasing napakaganda ng Balay Dako. Tahimik at payapa sa pakiramdam kapag nakapunta ka rito.

"Oh, tingnan mo oh meron silang pasalubong baskets, mabilhan nga si Mama at Hunter. Wala pa akong regalo sa kanila ngayong pasko," sabi ni Heaven

"Sige, bibilhin ko iyan para sa kanila. Ilan ang gusto mo?" sabi ni Greg

"Hindi, ako ang bibili para sa kanila dahil ako ang pamilya nila. Itago mo na iyang pera mo," sabi ni Heaven

"Hmm, ako na ang bibili. Isipin mo na lang na regalo natin ito para sa kanila. Okay?" sabi ni Greg

Walang nagawa si Heaven kundi ang sumang-ayon na lang. Tiyak kasi na kukulitin na naman siya nito kung pumalag pa siya.

Pagkatapos nilang kumuha ng dalawang pasalubong baskets ay nakita nilang nilagay na sa kanilang table ang kanilang order. Kaya umupo na sila doon.

"Your lunch is served Ma'am and Sir! Tawagin niyo na lang po ako kung may order pa po kayo ha? Happy eating!" sabi noong

"Salamat po," sabay na sabi nina Greg at Heaven

Nag-umpisa na silang kumain, dahil nga ang ganda ng view ay hindi mapigilan ni Heaven na hindi mapatingin dito.

"Huy, lalamig na ang kinain mo eh. Kumain ka na kaya dyan," sabi ni Greg

"Sorry, hindi ko kasi maiwasang hindi mapatingin. Ang ganda kasi noong view eh," sagot ni Heaven

"Well, tama ka nga naman. Ang ganda mo, ang ganda ng view ko dito." sabi ni Greg

"Baliw ka talaga eh. Pero alam mo, na-iimagine ko ang sarili ko na ikakasal sa isang beach resort. Wala lang, feeling ko kasi ang ganda doon eh," sabi ni Heaven

Bigla namang nabilaukan si Greg dahil sa nalaman niya. Sa totoo lang kasi niyan ay may surprise na fake proposal ang binata kay Heaven. Buti na lang talaga at fake lang iyon kasi kung totoo ay hindi na nya maibibigay pa kay Heaven ang dream wedding nito.

"Hmm, bakit ang seryoso mo naman dyan? Tingnan mo, ikaw naman ang nakatulala doon sa view. Ay oo nga pala, parang gusto ko noong ube cheesecake nila. Maka-order nga,"

"Sige, order ka lang."

"Ikaw ba? Gusto mo din noong ube cheesecake?" tanong ni Heaven

"Hmm, huwag na. Makikitikim na lang ako sa iyo mamaya kapag served na," sabi ni Greg

"Eh paano kung ayaw ko? Gusto ko akin lang iyong cheesecake!" biro ni Heaven

"Loko ka talaga, basta umorder ka na ha. Iihi lang ako," sabi ni Greg pagkatapos ay pumunta na siya sa comfort room

Buti na lang pagbalik niya eh saka lang isinerve ang cheesecake. Sakto lang ang dating niya, hilig din kasi niya ang ube pero hindi sa cheesecake. It is his first time to try it.

"Buti na lang umabot pa ako, kala ko talaga eh mauubusan na ako ng cheesecake eh!" biro ni Greg

"At ano naman ang tingin mo sa akin? Ganoon ba ako katakaw ha," inis na sagot ni Heaven pero pabiro lang din

Tumawa lang si Greg at sumubo ng cheesecake. Nakailang subo din siya dahil masarap ang pagkakagawa noong cheesecake.

Pagkatapos nilang kumain ay tinawag na nila ang waitress na nag-serve sa kanila.

"Sir, bill out na po?" sabi noong waitress

"Yes, miss. Pakidagdag na din ang pasalabong baskets na kinuha namin doon kanina. Maraming salamat," sagot naman ni Greg

"Okay po. I received 1,000 pesos sir. Pakihintay na lang ang sukli," sabi noong waitress

"Sige salamat," sabi nina Greg at Heaven

After five minutes ay nakuha na nga nila ang sukli. Kaya agad na silang sumakay sa kotse. Dala-,

"Haynaku, busog na busog ako ah. Salamat babybu, I love you! Tara na," sabi ni Heaven

"Oo nga eh. Busog na busog ako doon sa lechong kawali! Bukas, bago tayo umuwi ay dumaan muna tayo dito ha? Ang sarap sa feeling kapag dito kumain eh," sabi ni Greg

"Oo ba! Actually, iyon nga din ang sasabihin ko sa iyo. Gusto ko sana na dito tayo kumain bago umuwi," sabi naman ni Heaven

"Sige, dyan tayo kakain. By the way, iba-blind fold kita mamaya kapag malapit na tayo sa kwarto natin ah? Okay?" sabi ni Greg

"Gregory, ano na naman ito? May surprise ka na naman? Sobra ka na ah, nahihiya na ako sa iyo," sabi ni Heaven

"Hmm, basta! Magtiwala ka lang sa akin okay? Ako na ang bahala. Relax ka lang diyan," sabi ni Greg

After fifteen minutes ay nandoon na sila sa kanilang hotel. Halong kaba ang excitement ang nararamdaman ni Heaven. Ano nga kaya ang surprise ni Greg para sa kanya?

The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon