Author's Note: Peter Pan by Anna's Playlist. Maraming salamat! :)
Isang buwan na ang nakakalipas noong pumunta si Heaven sa bahay nina Greg. Hindi na muna din nakikipag-usap ang binata sa kanyang ina dahil inis pa din siya sa inasta nito kay Heaven. Ang gusto lang ni Greg ngayon ay ang makapag-relax sila ni Heaven na sila lang. Isang mapayapa at masayang pasko.
December 24. (10AM)
Busy na sa paghahanda si Heaven ng mga gagamitin nila sa Tagaytay. Kahit papaano naman ay nakapag-move on na siya doon sa nangyari. Noong una ay ayaw niya itong tanggapin pero kinausap siya ng kanyang Mama at ni Greg. Sabi nila, deserve naman ni heaven ang magpahinga.
"Mama, thank you ha? Thank you sa pagpayag mong sumama ako kay Greg sa Tagaytay," sabi ni Heaven
"Oo naman, nakita ko naman na inaalagaan ka niya saka matatanda na kayo para pagbawalan pa. Basta, enjoy ka doon ha?" sabi ng Mama ni Heaven
"Oo naman, mag-eenjoy ako Mama. Padadalhan kita ng pictures kung saan kami magse-stay para alam mo kung okay ba kami," sagot naman ni Heaven
"Naku, kapag sinend mo sa akin iyan sa I- Face eh panigurado lang ako na maiinggit lang ako eh," sagot naman ng Mama ni Heaven
Ilang minuto pa ay narinig na nila si Greg na nasa baba dahil sa bumusina ito. Agad na lumabas si Heaven para salubungin siya.
"I'm here! Are you ready? Excited na ako to be with you. Merry Christmas my love!" sabi ni Greg habang may dala itong flowers para kay Heaven
"Yes, I'm ready. Thank you, hindi mo naman na kailangan bumili ng bulaklak. Sobra na ito," sabi ni Heaven pagkatapos ay kinuha ang flowers na bigay ni Greg
"Hmm, okay na ang sobra kaysa naman magkulang ng pagmamahal sa iyo ano," sabi ni Greg
"Naku, ang sweet naman! Iingatan mo ang anak ko doon ha? Ikaw na ang bahala, Merry Christmas sa inyo." sabi ng Mama ni Heaven
"Opo tita. Promise ko po iyan. Salamat din po at pinayagan niyo si Heaven na sumama sa akin. Merry Christmas po," sabi ni Greg
"Mama, huwag kang mag-alala, pinapunta ko naman si Hunter para samahan ka dito. Tatawag na lang ako mamaya sa I-Face at sabay nating sasalubungin ang pasko," sabi ni Heaven
"Sabi mo iyan ha? Hihintayin namin ni Hunter ang tawag mo. I love you anak!" sabi ng Mama ni Heaven sabay halik sa anak
Pagpasok nina Greg at Heaven sa kotse ay agad silang nag-ngitian. Finally, they will have their own time.
"Oo nga pala, I downloaded all your favorite songs para maganda ang pagbyahe natin ngayon," sabi ni Greg
"Eh? Do you mean, lahat ng favorite bands ko ay nandyan? Hmm, nagawa ka na rin playlist mo ah," sabi ni Heaven
"Wala eh, nahahawa ako sa mahal ko. Wait, we'll play one of the songs now sa cellphone ko ha," sabi ni Greg sabay pindot sa kanyang cellphone
Nag-play naman ang kantang Peter Pan by Anna's Playlist. Ito ang pinaka-paborito ni Greg dahil iyon ang nagpapaala sa kanya kay Heaven. Na tuwing magkasama sila ay perfect na ang lahat.
That girl
That night
That time
Am I dreaming?Your hair
Your face
Your eyes
So peaceful like a blue sky"Ang galing naman talaga, una pa talaga ito sa playlist. Alam mo ba, lagi na akong nakikinig sa kanila at itong kantang ito ang pinaka-paborito ko," sabi ni Greg
"Hmm, ang favorite ko naman ay Dear You," sabi ni Heaven habang nakangiti
"Bakit iyon ang gusto mo? Kasi kasalan ang gusto mong ending para sa atin?" sabi ni Greg
"Oo, ganoon na nga. Haynaku, pipikit muna ako habang pinapakinggan iyong kanta ah? Okay lang ba?" sagot ni Heaven
"Oo sige. For sure paggising mo ay nasa Tagaytay na tayo," sagot ni Greg
I know it's hard for you to believe
That without you
I might be floating again in darkness
Chasing my own shadow
Searching for love
But now I promise
I will always be your Peter Pan
Who will guide you homeMy only dream is to be with you
Waiting for you
Is like a dream come true
I will just be your shadow
Every where you go
For you to make you feel safe
And not alone{Greg's POV}
Yes, I will be your Peter Pan. You are my home. Kaya nga sobrang sama ng loob ko na ganoon ang pagtrato sa iyo ng mommy ko. You don't deserve that kind of treatment, you are the one who changed my life.
Promise ko sa iyo, gagawin ko ang lahat para maging okay kayo ng pamilya ko. Lalo pa ngayon na alam ko sa sarili ko na ikaw at ako na sa huli. Thank you sa pagdating sa buhay ko. Sa pag-ayos nito.
Take my hand as the night goes by
Come and see the stars as we fly high.
Let's run and forget for a while
In my world, time will die
Because I wanna be with you
Without running out of time.Point your toe
Lift your soul
Step on my feet
And feel my heartbeat
I am your Peter Pan
I'll take you to NeverlandDahil nakatulog na nga si Heaven dahil sa puyat ay si Greg na lang ang nakinig noong mga susunod pang kanta.
Dalawang oras din ang byahe nila bago sila nakarating sa The Carmelence View. Ang ganda dito dahil kita mo ang Taal Volcano.
Agad na ginising ni Greg si Heaven, tuwang-tuwa si Greg sa kapapanuod sa kanyang nobya. Para kasi itong anghel sa sobrang ganda habang natutulog.
"Babybu, nandito na tayo! Gising ka na po," sabi ni Greg, sobrang lapit ng muka nito kay Heaven
Nagulat si Heaven at napabalikwas pero noong nakita na niya ang hotel kung saan sila magse-stay ay sobrang saya na niya.
BINABASA MO ANG
The Playlist (Completed)
Teen FictionKalakip ng musika ang pag-ibig. Di mo alam, baka mamaya yung taong kalapit mo lang pala sa gigs na pinupuntahan mo ang sasagot sa mga katanungan mo sa pag-ibig. This is Greg and Heaven's story. © Book Cover by Khae Santiago Featured Bands: JLU (Jobl...